Chapter 4.2

49.3K 1.6K 26
                                    

Chapter 4.2: With Prince part II.

Pauline's POV

Tinuloy na namin 'yung mga naiwan naming trabaho sa auditorium. Tsk!

"Nahulog baliw!" Sigaw ni Abby. Tsk! Ayan nanaman.

"Sorry naman." Sabi naman ni Jin.

"Hindi..." Bago pa matapos ni Abby 'yung sasabihin niya inunahan na siya ni Cleofe.

"Tumigil na kayo." Sabi ni Cleofe. Tinuloy na lang namin 'yung mga ginagawa namin.

"Ano ba?" Sigaw ni Cassandra. Tiningnan naman namin siya at shocks! Bakit yakap ni Alex si Cassandra sa likod?

Cassandra's POV

Ano ba naman 'to. Tumayo ako sa kinauupuan ko para umihi. Nahihilo nanaman kase ako, kahapon naman nawala tapos ngayon sumasakit nanaman! Nung nakatayo ako bigla na lang ako nakaramdam nang yakap sa likod ko. Ano nanamang pakulo ni Alex na to?

"Ano ba?" Sigaw ko. Pero hinigpitan niya pa. Pero nung nagtagal. Natangal ko rin 'yung hawak niya at naglakad papunta kila Abby.

"May red stain ka sa short mo." Sabi ni Cleofe. Shems! White pa naman 'yung short ko. Kaya ba ako hinawakan ni Alex dahil may tagos ako? Nakakahiya. Kumaripas naman ako ng takbo papuntang cr. Hmp! Paano ako babalik mamaya sa auditorium? Anong mukha ang ipapakita ko sa kanila lalo naman kay Alex na nasigawan ko pa.

Pauline's POV

Kumaripas naman ng takbo si Cassandra matapos sabihin ni Cleofe na may red stain siya sinundan naman siya ni Abby para asikasuhin. Nung nakaalis na sila naiwan naman kami kaya tinuloy nanamin 'yung mga ginagawa namin. Pagkakuha ko sa isang cartolina may nahulog na japanese paper, pupulutin ko sana kaya lang nagkabungguan kami ni Justine kaya naman napa-upo siya habang ako naman naka-yuko sa mukha niya.

"Flat chested." Sabi niya. Shocks! Nakaloose nga pala ako. Tumayo agad ako baka mamaya ano pang makita niya. Tsk! Ako flat chested? Humanda ka sa akin.

"Pervert!" Sigaw ko 'tsaka ko siya pinalo ng cartolina na hawak ko. Tumingin naman sila Cleofe sa amin at pinag-aawat kami.

"Hindi ako pervert." Sabi niya habang iniiwasan 'yung mga palo ko. Grr!

Natapos naman 'yung pagoorganize namin sa auditorium at wow! Ang ganda! Buti na lang at naayos namin 'to kahit magugulo kami. Haha!Pumunta pa kaming mga girls sa mall para bumili daw ng mga bagong dress. Ako? Hindi na ako bibili. Hehe! May bago pa kase akong mga dress sa walk in closet ko. Tsk! Pagkauwi ko sa bahay. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang aking chest.

Flat ba talaga? Hindi naman eh. Humanda ka sa akin Justine Ryan Scott. Sinong flat chested? Makikita mo bukas? Mwahaha! Nag-vibrate naman ang phone ko.

From: Cassandra Brei

|Girl! Pwede diyan kami magpamake-up? Make-up artist kase mama ni abby. Pwede diyan na lang sa house nyo?|

- END -

To: Cassandra Brei

|Ok lang :)|

Hinanda ko na 'yung mga gagamitin ko bukas. Mwahaha! Hinanap ko rin 'yung Foam sa mga drawer ko at buti na lang nandun. Haha! Akala mo diyan Justine.

From: Cassandra Brei

|Thanks! May mga kadate kayo? Haha! Tayo na lang?|

- END -

Haha! Adik nanaman si Cassandra parang walang nangyari kanina sa auditorium. Haha!Natulog na ako coz I need beauty rest.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon