Chapter 55

21.2K 764 89
                                    

Chapter 55: The Ex-Princess is Back!

Pauline's POV

"Huy! Rhea. May mga transferee daw ah.." Sabi ni Ivory.

"Oo nga e. Grabe no! Kahit patapos na yung klase tumatanggap pa sila ng transferee. Gosh!" Sagot naman ni Rhea.

"Yang mga yan talaga! Nako." Sabi ni Cassandra habang inaayos niya yung pilik mata niya. Lakas nanaman ng tama ng babaeng yan e.

"Ganyan naman talaga kapag highest paid ang school. Kahit nga huwag kang pumasok, pasado ka sa mga subjects mo e." Sabi ni Abby.

"Sino kaya yung mga transferee?" Tanong ko.

"Ay! True. Babae kaya 'yon o Lalaki?" Tanong naman ni Cleofe.

"Speaking of Lalaki. Ba't wala pa sila Justine at yung iba?" Tanong naman ni Cassandra habang nakatingin sa pintuan ng Classroom.

"Sus. Miss mo lang Maw mo e." Sabi ko.

"Uy. Di naman masyado." Sabi niya at tumingin na sa amin.

Bigla naman tumahimik ang klase nung pumasok na si Sr. Caga sa loob ng Classroom, sakto din naman ang pasok nila Justine na pawis na pawis.

"Buti na lang at nakarating agad kayo Mr. Scott and company." Sabi ni Sr. Caga.

"Sorry Sr." Sabi ni Jousha at umupo na sa tabi ni Cleofe. Habang si Justine naman ay parang di ako napansin. May problema kaya?

"Good morning Yamo.." Bati ko at kinisan siya sa Cheeks. Halos routine nanamin yan dalawa.

"Uh? G-good morning din Ya-mo." Bati niya. Parang may kakaiba sa kinikilos ni Justine? May sakit kaya 'to?

"Okay. Class! Alam kong, alam niyo na ang tungkol sa transferee. Totally, matagal na silang nag-aaral dito kaya naman hinayaan na ng school na makapasok sila kahit malapit na ang graduation. Saka. Kilalang-kilala sila ng Scott family also Salvador family." Sabi ni Sr. Caga at tumingin pa sa dalawa, kay Justine at Alexander.

"Now. Let's welcome Ms. Eunice Hitchon and Dana Samson." Sabi ni Sr. Caga.

Bakit feeling ko may hindi magandang mangyayari? Bakit? Feeling ko ayaw kong makita yung Transferee.

"Pasok na ladies." Sabi ni Sr.

May pumasok naman na dalawang babae. Yung isa, maliit siya pero makikita mo sa kanyang maganda siya. Yung isa naman, medyo matangkad na din pero di siya ganon Kagandahan tulad nung isang babae.

"Hi girls!" Sigaw ni Mae at tumayo pa. So? Kaibigan niya ito?

Napatingin naman ako kay Abigail na halata sa mukhang gulat na gulat. Kilala ba nila yung bago?

"Omydeee.." Bulong ni Cassandra.

Napatingin naman ako kay Cass. Bakit feeling ko? Ako lang ang walang alam? Syempre. Transferee lang ako dito pero may di pa ba ako nalalaman?

"Hi. Everyone! My name is Eunice Hitchon, Half-american and 1/4 Filipino. I am from United States. But I am here to bring back my boyfriend. Justine Ryan Scott."

Halos napako ako sa narinig ko. Boyfriend? Si Justine? Teka. Siya yung Ex ni Justine? Ah-uh.

"Y-yamo?" Bulong ko.

Tinignan ko si Justine pero halos naka-yuko lang ang ulo nito at di rin kumikibo. Halos lahat ng kaklase ko ay sa amin lang nakatingin.

"Hala. Si Ate Pau." Sabi ni Rhea.

"H-huh?" Tanong ko.

"Are you okay Pau?" Tanong ni Abby.

"H-huh?" Sabi ko. Wala na akong masabi kundi huh? Tsk.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon