1: The Perfect Life

41.6K 470 20
                                    

Dedicated: @marryguevarra

Author's Note:
This story might be disturbing to your thoughts. Characters might not the characters you'll like. It's up to you to decide if you'll love this story or not.

"So on behalf of the President of our student council-- I, Chantalle Amadeo VP, would like to thank you for participating and coming to our Annual New Student Festival

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So on behalf of the President of our student council-- I, Chantalle Amadeo VP, would like to thank you for participating and coming to our Annual New Student Festival."

Nagpalakpakan at naghiyawan lahat ng nasa university open field nang mag-closing remarks ako. Eto ang kauna-unahan naming event this school year kung saan wini-welcome namin lahat ng freshmen sa West Valley University. Opportunity na rin ito ng iba't ibang institutes at clubs na manghingkayat ng bagong members. Eto na rin ang chance ko na makapagpakilala sa mga freshmen. Next sem kasi tatakbo akong presidente. Why not introduce myself early, 'di ba?

"Cici! Gusto ka makausap ni pres." Sabi sa akin ni Verra, secretary ng SC, sabay abot ng cellphone.

"Kamusta ang event? Sorry ngayon pa ako nagkasakit." Umubo-ubo si Dillion sa kabilang linya.

"Ano ka ba, wag ka mag-sorry kasi hindi naman natin ginustong magkasakit ka." Tho, part of me was happy about that. Yeah, the evil part of me. "And about the event. It was perfect."

"Thanks, Ci, maaasahan ka talaga." Sabi niya sa kabilang linya.

"No problem."

Matapos kong kausapin si president nagmamadali na akong bumalik sa SC room para kunin ang gamit ko. Kanina pa ako hinihintay ni Arden sa restaurant. Ngayon kasi ang first ever anniversary namin. Excited na ako sa surprise niya.

Si Arden Villanueva ang first ever serious boyfriend ko at super swerte kong naging boyfriend ko siya. Honestly it was like a dream come true. Dream boy ko ang doktor, at itong si Arden, hindi lang basta nasa med school kun'di siya ang top medical student namin dito sa West Valley University. Idagdag pa na galing siya sa angkan ng mga doktor at talaga namang gwapo siya. May hihilingin pa ba akong iba?

"Hold on for a second, Ms. Amadeo." Hindi ko napansing nasa Student Council room pala ang SC adviser naming si Professor Adolfo. Nasa edad 50's na siya. May kalakihan ang tiyan at mapapanot na. Despite that, talagang magaling naman siya sa profession niya.

"Yes, sir?" Tanong ko't lumapit ako sa kaniya.

"Nice speech back then and it's an impromptu, right?" Kita ko ang pagkamangha niya sa akin.

"Thank you po." Naiilang kong sabi sa kaniya. Lagi kasing may aura si Prof. Adolfo na parang huhubaran ka na niya sa pagtitig niya sayo. Well, hindi naman sa gagawin niya 'yun pero—

Natigilan ako nang tinapik niya left side ng puwet ko. Kaagad na parang tumaas ang balahibo ko sa buong katawan. Am I imagining things?

"Good job, Ms. Amadeo." Tumayo siya sa kinauupuan niya. Kahit na nakatayo na siya mas matangkad pa rin ako ng mahigit isang ruler. Kita ko ang panot na ulo niya. "Gusto mo bang maging president para sa susunod na school year?"

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon