Mga kaibigan niya siguro...
"Neo! Ikaw naman Pare, hindi mo man lang sinabi na nadito ka na pala." sabi nung isa. Napatingin ito sa akin. "Woah! Babae ba itong nakikita ko? Babae ba?" at lahat sila ay nagsitinginan sa akin. Napayuko naman ako. Naiilang ako. Konting konti lang talaga ang nakakaya kong pakisamahan na lalaki.
Binatukan naman agad ito nung isa. "Bulag ka ba Dunk? Sa ganda niyan!"
"Malay ko ba naman Nev. Aba sa panahon ngayon... alam mo na."
Si Nemo naman ang bumatok dito. "Gago. Straight ako."
"Ipakilala mo naman kami." inignora lang nito si Nemo.
"Oo nga." saad pa nung isa.
Medyo naiilang na ako. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Nemo. Mukhang naiintindihan naman nito iyon at tumabi sa akin. Tumingin sa akin si Nemo.
"Okay lang ba?" tanong pa nito. Tumango lang ako. "Okay guys. This is Dorothy Tiganan. Siya yung sinabi kong nakilala ko noong minsan bumili ako ng kape." napa-ahh naman sila at tumango tango. Bumulong naman ako kay Nemo.
"Naikwento mo?"
"Oo eh. Nakita kasi na kasama kita kaya nasabi ko." bulong din nito. Tumango lang ako. At dahil pa U ang style ng pwesto namin at nasa gitna kami ay agad na tumabi sa kanan ko ang isa. At nagsiupuan na din ang iba.
"Hi Miss Dorothy." nakangiting sabi nito.
"Hello. Dory na lang." mahina kong sabi.
Nilahad nito ang kanang kamay. "Hello Dory. I'm Erskin Manco Walker. Just call me Erskin." tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay. "I'm a pilot. Why? Because I believe I can fly... I believe I can touch the sky." pakanta na sabi nito sa huli. "Nice to finally meet you." ngumiti naman ako dito. Biglang may naglahad pa ng isa pa.
"Hi Dory! I'm Dunkan Ethelred. Dunk is fine." tinanggap ko naman ang pakikipagkamay nito. "I'm a pro basketball player. Bakit yun? Dahil ishoot mo, i shoot mo na ang ball. Ang sarap magbasketball!" at umakto pa ito na nagshoshoot gamit ang isang kamay at may kagat labi pa. Napangiti na naman ako dito.
"Hello Dory! I'm Nevada Vairaja. Nev na lang." nagkamayan kami. "Play tayo ng cards minsan!"
"Uhmm... hindi ako marunong."
"Nah it's fine. Tuturuan na lang kita." nakangiting sabi nito.
"Hello Dory! Finally my turn! Ako nga pala si Eoin Josiah Rockwell. Eoin, pwede na yun." nakipagkamay din to. "You know, mukha kang familiar sa akin eh."
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding seventeen
Start from the beginning
