Uzi kasi!

110K 1.1K 46
                                    

"Ang gwapo nya talaga!" kinikilig kilig pa si Sandra habang nakatingin sa kung sino.

Narinig ko ding nag-uusap ang ibang babae sa cafeteria. 

"He's coming!" nakita ko pang inayos ni Sandra ang buhok niya. Nakakunot ako ng noo dahil alam ko naman kung sino ang sinasabi niya. Si Mr. Popular. Si Lex.

Tumingin ako tinitignan niya. Ilang dipa na lang pala ang layo ng lesak na yun.

'Eto na naman kami,' isip isip ko ng makita ko siya na nakangising palapit sa amin. Di yata buo ang araw nito kapag hindi ako iniinis.

"Hello Maurice!" he's grinning. Naupo pa talaga sa harap ng upuan ko. "Hi Sandra,"sabay kindat sa kaibigan ko na humiwalay yata ang ispiritu sa katawang lupa.

"Ano na naman? Naligaw ka yata?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng pagkain. 

Dumukwang ito para makita ang ulam ko. Paksiw na gigi. Napatawa ako ng makita ko na nagiba ang itsura niya. 

"That's disgusting Maurice! How can you eat that sardines with vinegar?" reklamo nito sabay takip ng ilong.

"Galunggong to hindi sardinas no! At ikaw lumayas ka sa harap ko kung wala kang sasabihing maganda pwede ba!" sabay hampas ko ng kutsara sa braso niya.

"Yuck!" sabay amoy nito sa braso na natamaan ng mamasa masa kong kutsara. "Grabe ka talagang babae ka!" sabay tingin sa kung saan saan na parang may hinahanap.

"I need wet tissue!" nagpapanic na ito.

Napahagalpak naman ako ng tawa. Matalim ang ibinigay niyang tingin sa akin. Si Sandra na ipinanganak yatang girl scout eh nag-abot ng wet tissue at naglabas pa ng alcohol at pabango bago maunahan ng ibang babae na nag-uunahan sa paghahalungkat sa kanya kanyang mga gamit.

"I hate this smell!" inamoy ulit ang braso. "Bat ang kapit ng amoy!" hindi ito magkandatututo sa pagpunas sa braso.

~~Lex POV~~

Halos maubos ko na ang wet tissue ni Sandra. Tinignan ko si Maurice na halos maiyak na sa katatawa. 

"Ayan kasi. Mang-iinis inis ka tapos ikaw pala ang pikon," niligpit niya ang pinagkainan bago umikot sa kinauupuan ko.

Nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha sa akin. I can smell the disgusting smell of vinegar and fish. Sorry but ayaw ko talaga ng amoy nun.

"Ikaw, siguraduhin mo lang na kapag lalapit ka at mang-iinis, hindi ako ang mananalo okay?" sabay  halik sa ilong ko na halos ikatalon ko. Goodness! Mas maaamoy ko na ngayon ang pinaghihirapan kong tanggalin sa braso ko!

Bago pa ako makahuma, nakatalikod na malditang babae at mabilis na naglakad palabas ng cafeteria habang hila si Sandra.

"Witch!" napansin kong sa akin nakatingin ang mga estudyante. I gave a fake smile and walk outside the place.  

Inis na inis ako kay Maurice! Makikita nya talaga.

~~//~~

Napasulyap ako sa relo ko. Mag-aalas sais na pala ng gabi. Sabi ko kay Nanay hanggang alas singko lang ako sa library dahil nga may kailangan akong tapusin. Maulan pa naman.

Naglalakad na ako sa parking lot ng school dahil short cut yun papunta ng gate ng mapasulyap ang mga mata ko sa kotse ni Lex na isang 4x4 na mercedez benz dahil gumagalaw iyon. Nagpalinga linga ako pero ako lang ang tao doon. 

At dahil sadyang uzi ako, nilapitan ko ang kotse at sinilip.

Ano kayang ginagawa ng loko? Ngingiti ngiti pa akong lumapit sa sasakyan

Para namang alang tao dun. Slightly tinted pa ang bintana kaya medyo mahirap ang umuzi. At dahil patuloy pa rin ang mahinang pag-uga ng kotse, (take note, di ako takot sa mumu), talagang idinikit ko pa ang mukha ko sa bintana ng bandang likuran ng kotse.

Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Öh may Itay! Ano ba itong nakikita ko!

Napatalikod ako at napahawak sa dibdib ko. Nanghihina akong napasandal sa pinto ng kotseng sinilipan ko.

Sus ginoo! Di man lang naghanap ng kwarto ang dalawang ito! 

Tinuktok tuktukan ko ang sarili ko para maigalaw ko ang mga paa ko. I need to get out of here!

~~~Lex POV~~~

Ewan ko ba pero bigla akong napatingin sa bintana ng kotse.  Nawala ang konsentrasyon ko sa ginagawa ng makilala ko ang babaeng nakasandal sa pinto ng kotse ko.

Si Maurice.

Tuluyan na akong humiwalay sa katawan ni Bianca at tinignan ko ang mabagal na paglakad ni Maurice na nauwi sa pagtakbo.

"Hey Lex, what's wrong?" hinalik halikan ako ni Bianca sa dibdib. Pilit akong niyayakap. 

Para naman akong binuhusan ng yelo. Wala na talaga ang nararamdaman ko kanina.

"Fix yourself. I'll drop you home," nakita ko ang gulat sa mata ni Bianca ng makita akong nagtaas ng  zipper at bumaba ng kotse upang lumipat sa harapan. 

"Lex! Don't tell me you will just stop just like that!" galit na sigaw nito ng makaupo na ako sa driver's seat.

"You had your orgasm right? Sorry but wala na talaga akong gana."

Naririnig ko siyang bubulong bulong. Bianca is beautiful, no doubt. She's the campus queen. Maganda, sexy, mayaman. Kung ibang lalaki, gusto siyang maging steady girlfriend, ako naman, iniiwasan ko ang commitment.

Ayokong matali kahit kanino. Nunca! I love being single.

Napatingin ulit ako sa labas ng kotse. Wala na si Maurice. 

Then a devilish idea came to me. Di ko maiwasang mapatawa na lalong ikinasimangot ni Bianca.

~~~Maurice POV~~~

Di ko alam kung paano ako nakarating ng bahay. Kulitan na naman ang tatlong itlog. 

"Bea", tatay ko.

"Kulangot!" Kuya Remi.

"Tricia," Kuya Arthur

"Maurice," Kuya Cedie.

"Beatrice Maurice!" Nanay ko.

Dun ako natauhan at napatingin sa kanila. Lahat pala sila eh nakatingin sa akin.

Äno bang nangyayari sa iyo at kanina ka pa tulala diyan?" sita ni Kuya Remi sa akin. 

"May umaway ba sayo sa school?" nakakunot naman ang noo ni Kuya Arthur.

Umiling ako at sumubo ng kanin.

"Di ba paborito mo ang adobong kangkong? Bakit nga wala kang gana?" kulit ni Kuya Cedie.

"Masakit puson ko, may magagawa kayo?" inirapan ko sila. Buti na lang yun ang nasabi ko dahil for sure di na ako kukulitin ng mga pasaway.

"O siya. Bilisan mo ang pagkain. Akala pa naman namin may hindi magandang nangyari sa iyo." binalingan ni Nanay si Kuya Cedie. 

Ïkaw muna ang maghugas ng plato at masama pala ang pakiramdam ni Bunso," nakita kong tumango si Kuya. 

Nakahiga na ako sa kama pero parang bangungot ang nakita ko kanina. 

Antok, dalawin mo ako!

Mr. Nuknukan Trilogy (d' 1st) - Alexis (Published under Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon