kabanata 8

14.5K 324 10
                                    


Kabanata 8

Bridgette's POV

Sunday. Pagkatapos kong bumisita sa bahay dumercho na ako rito sa ospital.

The operation was a success. Helios keep on asking kung papanong naoperahan ang nanay nya na wala naman silang ganun kalaking pera. Ang sabi na lang ni Lewis ay may isang NGU na tumutulong sa mga katulad ng nanay nya na kaso.

"I don't know how it happened pero malaking pasalamat ko sa taong tumulong sa amin."

I smile to Helios. Umuwi muna si Helga while his mom is still unconscious. But safe.

"Yeah."

"Gusto ko silang makilala para makapagpasalamat sa kanila but Doctor Dunn told us na hindi raw sila pwedeng maglabas ng information. Classified raw. Sayang."

Nasamid ako at naubo.

"Okay ka lang Bridgette?" May pagaalalang tanong nya.

"I'm fine. Bakit hindi ka muna mag file ng leave? Para mas maalagaan mo pa ang Mama mo."

He shook his head. "I can't. Tambak ang trabaho ko."

Tinaasan ko sya ng kilay. Masyadong workaholic.

"Your work can wait. Mag leave ka muna kahit na ilang araw lang." Nagkibit balikat lang sya saka tiningnan ang mama nya.

"I have to work hard for my Mama and Helga. Sila na lang ang meron ako at gusto kong ibigay sa kanila ang magandang buhay na dapat sa kanila."

Pinagmasdan ko sya habang yumukod sya at halikan ang noo ng natutulog na ina. Ang swerte ng magulang nya sa kanya dahil mabait at maalalahanin ito.

"Where is your father Helios? Bakit hindi sya ang nagaasikaso nito?" I'm curious. Simula pa kasi noong isang araw ay wala na akong nakita kahit anino ng tatay nya. And I'm wondering kung bakit sya ang namomoblema sa gastusin dito sa ospital kahit pa may trabaho na sya.

It's their father's duty na mag provide sa needs ng pamilya nya.

He sighed at saka naupo sa tabi ko. "I don't know. He left when I was nine and Helga was still in my mother's womb. Konti na lang ang naaalala ko sa kanya. Halos wala na nga rin. Ang naalala ko lang ay ang paghihirap na naranasan ni Mama habang pinapalaki kami. She does every work that she can para lang may makain kami. At the young age of 15 I worked hard nag part time ako para lang matustusan ang pagaaral ko para kahit papaano ay mabawasan ang alalahanin ni Mama." Napatingin ako sa mga mata nyang puno ng lungkot.

"When I was nine I used to believe in him. Akala ko babalik sya but after a year, and a year again hanggang umabot ng labing anim na taon at hindi na sya bumalik... I hate him because he lied to me. Hindi naman pala sya babalik na. Kaya pinangako ko sa sarili ko na magtatrabaho akong maigi at gagawin ko lahat para lang maiahon ko sila Mama."

Nalungkot ako sa nalaman ko. Hindi ko alam na ganun pala kahirap ang pinagdaanan nya. Nakakalungkot lang na ang bata nya pa ng matuto na syang mag trabaho.

Hinawakan ko ang kamay nya at bahagyang pinisil. "Kung kinakaawaan mo ako Bridgette please don't. Tama nang kaawan ko na lang ang sarili ko."

Umiling ako sa kanya. "I'm not. As a matter of fact bilib nga ako sayo. If I were at your shoe I don't know what to do. Baka umiyak na lang ako at magalit sa mundo but look at you. Isa ka ng successful man. Maganda ang trabaho at kaya mo nang ipasok sa magandang hospital ang Mama mo. Napagpapaaral mo na ang kapatid mo sa magandang school. You should be proud of yourself Helios Hunter."

Why can't it be (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon