Chapter 1

20 2 0
                                    

Hatinggabi na nang magmaktol ang tiyan ko. Naghahanap ng Magnum chocolate flavor. Kaya kahit gabi na ay pupunta ako sa malapit na convenience store sa amin. Walang makakapigil sa akin pag nagcrave ako sa magnum. Nagsuot ako ng jacket, naka-boxers at naka-tsinelas lang ako.

Nagmomovie marathon lang naman ako mag-isa sa kwarto ko. Tulog na lahat ng tao sa amin kaya dinekwat ko pa yung susi ng gate namin sa malapit sa kwarto ng magulang. Aish. Ba't pa kasi ako ngayon nagcrave sa magnum e?! Buti na nga lang at walang nagising.

Habang naglalakad ako papuntang sa convenience store ay may nadaanan akong nagpapatay-bukas na ilaw sa isang poste. Normal na lang ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin inaayos ng baranggay namin. Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad ulit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at naramdaman ko na mas lalong lumakas ang hangin. Ber-months na din naman kasi kaya ganito na ang panahon. Ba't nga ba nag-boxers lang ako? Giniginaw ang babang bahagi ng katawan ko sa lamig.

Mga ilang segundo lang ay may narinig akong ingay ng parang lata o kaya basurahan na kumalampag. Pusa lang siguro, isip-isip ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Napatingin ako sa likod ko at wala naman tao. Nakanamputcha! Lalake ako pero natatakot din ako! Nagmadali akong tumakbo. Takbo, takbo, takbo.

Natatanaw ko na ang convenience store ay dali-dali akong pumasok sa loob nito.

Kumuha ng dalawang magnum at binayaran sa counter. Gusto ko sanang sa bahay na lang ito kainin pero hindi ko alam kung makakauwi pa ko.

Bakit ba kasi walang mga tanod na rumoronda ng ganito? Edi sana nakisabay ako sa kanila. At ba't ba kasi kalalaki kong tao e natatakot ako sa multo? Sagot ng devil conscience ko. Tinapik ko ang kaliwa ko balikat para mawala siya. Kasalanan 'to nung kaklase ko nung highschool e. Letseng babae yun! Isip ko.

Eh, kung magpasundo nalang kaya ako?

Calling Mama. . .

Ring ring ring. . .

*ikaw na ba si mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cup cake ko?*

Call ended

Putek na! Ano ba yung ring back tone ni Mama? Nakakagreen-minded. Ayoko na ngang tawagan yun!

Mali-mali! 'Wag si Mama dahil baka mas lalong di ako makauwi. Si Papa kaya.

Calling Papa. . .

Ring ring ring. . .

*ikaw na ba si mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cup cake ko?*

Bwisit na! Parehas nga lang pala sila ng number!

Mali mali! Eh ano ng gagawin ko? Ahuhuhu! Napakalalaki kong tao pero matatakutin ako sa multo.

Naupo muna ako sa upuan at sinimulan ng kainin ang Magnum ko.

Nakakatitig ako sa salamin ng convenience store na 'to ng may biglang gumalaw sa kaunting parte ng talahiban na across lang na store na 'to. Nanlaki ang mata ko saka nagdasal ng Ama Namin ng malakas. Pumikt ako para mas dama ko ang pagdadasal.

Paulit-ulit ang pagdadasal ko ng Ama Namin. Dinilat ko ng kaunti ang mata ko at nakita ko ang isang tao na nakahoodie na itim at may hawak na kutsilyo. Napalakas ako ng sigaw at natumba sa kinauupuan ko. Lumapit sa akin ang guard na siyang bantay at ang cashier naman ay nakatingin lang sa amin.

"Sir, ayos lang po kayo?" Tanong sakin ni Manong Guard.

"Ma-ma-manong?!" Nauutal sa sambit ko at itinuro ang taong iyon.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon