Capitulo Dos

74.9K 1.3K 77
                                    

“BAKLA, may kakilala ka bang pusakal?” tanong ko kay Ems habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Lunch break namin.

“Ha? As in mamamatay pusa?” naguguluhang tanong niya.

“Gaga! Mamamatay human, syempre.”

“Bakit?”

“May ipapatira ako.”

Mula sa hawak na compact powder, nilinga ako ni Ems. “Sino? Si karibal?”

Naikuwento ko sa kanya iyong naging ‘date’ namin ni Kuya Jay kahapon at ganoon na lamang ang tawa niya sa video call kagabi kasama iyong tatlo pa naming barkada habang iyak naman ako nang iyak.

“Nakuuu! Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa presensiya ko 'yang babaeng mang-aagaw na 'yan! Sana madapa siya una mukha!”

Hagalpak siya, saka ipinasok sa bulsa ng palda iyong hawak na compact powder. “Ano ba’ng hitsura ni karibal, bespren?”

“Hmp! 'Di kagandahan,” bitter na sagot ko kahit ang totoo, saksakan ng ganda ang babaeng iyon. Reincarnation yata iyon ni Aphrodite, eh. “Mas maganda ka pa nga. Promise!”

“Gan’on? Sige na nga, maniniwala na lang ako sayo dahil totoo naman. Anyway, wala akong kilalang pusakal o mamamatay pusa. Pero kung gusto mo, abangan na lang natin mamaya tapos salvage natin.”

“Talaga? Pero hindi ako marunong, eh.”

“Ako rin, eh. Tara, kain na lang tayo.”

“Oo nga. Nakakagutom pala ang pagbabalak ng masama.”

“Sinabi mo pa!”

Pumasok kami sa loob ng cafeteria kung saan naroon at naghihintay ang tatlo pa naming barkada.

Five-thirty PM, uwian. Papalabas na kami sa school gate ni Ems na hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos sa pagpapahid ng polbo sa mukha. Hindi namin kasamang umuwi iyong tatlo dahil may kanya-kanya silang lakad.

“Hoy, ano ka ba? Tama na nga 'yan. Kanina ka pa kaskas nang kaskas diyan sa mukha mo,” hindi na nakatiis na sita ko sa kanya. “Baka sumilab 'yan!”

“Yakapin kita, bespren, tapos damay-damay na.”

“Sira! Ikaw lang!”

Nagharutan kami.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na siyang dadaan muna sa bahay ng lolo’t lola niya at pinara iyong paparating na bus. Masuwerte siya dahil hindi iyon puno. Iyong iba ay siksikan na nga, standing ovation pa. Tumawid naman ako sa kabilang kalsada para mag-abang ng masasakyan ko pauwi. Nagkalat sa paligid ang mga estudyante, kanya-kanyang grupo at barkada, pero wala pa rin akong masakyan. Nasaan na iyong mga pampasaherong bus o jeep kung kelan kailangan? Ayoko namang mag-taxi, tiyak, tatagain ako sa metro n’on dahil siguradong traffic na naman. Akmang papara na ako ng UFO nang may humintong sasakyan sa tapat ko. At hindi lang iyon basta-basta sasakyan, kundi iyong super-duper crush kong four-wheels!

Nissan GT-R. Two-door. Katsura Orange.

Alam ko iyong eksaktong model n’on dahil tinanong ko si Pareng Google kagabi dahil na-love at first sight talaga ako sa partikular na  sasakyang iyon kahapon. Muntik ko na nga iyong ibulsa pauwi.

Bumukas ang pinto sa driver seat at mula roon, lumabas ang babaeng nakasuot ng black shirt, kupasing pantalon na tastas ang kaliwang tuhod, at isang pares ng court vintage Nike. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na malayang nilalaro-laro ng hangin. “Sumabay ka na sa’kin,” ang maawtoridad na anyaya niya nang magtama ang tingin namin.

Ciel LobregatOnde histórias criam vida. Descubra agora