Capitulo Uno

103K 1.6K 229
                                    

Miya’s POV

“BESPREN, ano, uuwi na ba tayo?”

Mula sa pag-aayos ng mga notebooks sa backpack ko, nilingon ko ang tumawag sa akin—si Ems, ang classmate at isa sa mga best friends ko sa Sycamore. Katatapos lang ng klase namin at oras na nang uwian namin. “Um, baka hindi ako makakasabay sa’yo ngayon, eh. May date kasi ako.”

Biglang namilog ang mga mata niya. “Owemji, bespren! As in?”

“As in! At hulaan mo kung sino—”

“Si Kuya Jay?” bulalas niya, na gaya ko ay super excited bigla.

Tumili ako, walang pakialam sa paligid. “Yup!”

Tumili na rin siya. Sandali pa ay sabay na kaming tumitili.

“Hoy, ano ba 'yan! Nagpa-falsetto ba kayo?” biglang epal ng isang talipandas naming kaklase.

Na sinagot lang din naman namin ng nagmamalditang, “Ano?”

“Kako’y wala, ituloy n’yo lang 'yan! Ang sarap sa tainga!” Iyon lang at pairap siyang nagmartsa palabas ng classroom.

“Uy, thanks!” habol pa ni Ems. “Anyway, bespren, baka magtatapat na si Kuya Jay sa’yo ngayon!”

“Ugh! Sana nga. Let’s keep our fingers crossed. I’m really in love with him!”

“Yay, finally! Magkakajowa ka na!”

Nagmamadaling isinukbit ko iyong backpack sa likod ko at sabay na kaming lumabas na naka-holding hands. “Alam mo, bespren, feel na feel kong dez ez et na talaga!”

“Kapag kayo na ni Kuya Jay, ilibre mo ako ng J.Co, ha?” ungot agad niya habang naglalakad kami.

“Ano ka ba? Hindi pa nga kami, puro palibre na naman 'yang nasa isip mo,” ingos ko. 

“Ah, basta! Mangako ka. Kung hindi, mamalasin ang love life mo ever,” banta pa niya.

Hinampas ko siya. “Bwesit ka.”

Bumungisngis lang siya.

Si Jonathan Vasquez, na mas kilala bilang ‘Jay’, ay kapitbahay namin mula pa n’ong five years old ako. Guwapo at gentleman, super bait pa. Parehong malapit ang pamilya namin sa isa’t isa. Siya ang madalas kong kalaro at tagapagtanggol noon mula sa mga salbaheng bata. Siya ang una kong ‘kilig’… ang una at kaisa-isa kong crush... ang Prince Charming sa mga fairy tales ko…

Ang forever ko. Mmn!

Sa ngayon ay kumukuha siya ng kursong Civil Engineering sa isang kilalang state university, at pagka-graduate niya, payag na agad akong magpakasal kami sa kahit saang simbahan.

Yay, ang landi ko! Pero niiice…

“'Oy, bespren, bongga ng wheels!” siko sa akin ni Ems.

Napatingin din ako sa sasakyang halos kapaparada lamang sa labas ng school gate namin. Isa iyong Honda BR-V. “Uy, pogi,” manghang komento ko. “Tara, bespren, nakawin natin 'yong side mirror at ipakilo natin.”

“Yay, gusto ko!” mabilis na sang-ayon naman niya. “Tara!”

Lalapitan na sana naming iyong sasakyan nang bumukas ang pinto sa driver’s side. At mula roon, sumungaw ang guwapong mukha ng isang lalaki. “Hi, ladies!”

“Kuya Jaaayyy!” sabay na tili namin ni Ems.


MATAPOS maihatid si Ems sa bahay nila, dumiretso na kami ni Kuya Jay sa Jupiter’s, isa iyong coffee shop na malapit lang sa subdivision namin. Ang totoo niyan, paborito naming tambayan ito noon dahil bukod sa masasarap nilang kape, the best din iyong mga cakes at mga tinapay nila.

Ciel LobregatKde žijí příběhy. Začni objevovat