The Journey [52]

534 14 1
                                    

[Nacha's Note: Friendly reminder, everyone has the right to ship the OTP he or she wants. It doesn't matter whether the pair is canon or not in real life.. S guys, don't hate other ships too much.


By the way, Chapter 52 na tayo. Meaning 15 more chapters to go.. I repeat.. 15 MORE CHAPTERS okay? Pero hanggang dito na lang muna ang iuupload ko.. Kasi nga.. Wala. Tinatamad na ako. HAHAHAHA! Oh well, the last 15 chapters will be uploaded the next time I log in here. Kelan ang next time? JUST WAIT! Hahahahaha! Happy reading :)]

Chapter 52     

Surprisingly, after ng gym incident na iyon ay nagkabati na kami ni Luis Patrick. Hindi na namin napag usapan pa yung nangyari prior to that at kahit na yung mismong gym incident. Hindi na rin ako ginulo pa nung mga kaibigan ni Spongebob. Hindi rin kumalat yung nangyari nung gabing yon so thankful talaga ako. We just moved on as if nothing had happened. But when I thought that moving on would do good. I mean good as in.. things would go back to their normal state.. I interpreted things wrong again. I guess my life, was never meant to be normal evel again.

Imagine how difficult my life had been the past three days.

Patuloy lang sa pangungulit sa akin ni Patrick na tinapatan naman ng hyperactive na si Ethan.Twing kasama ko si Ethan, ilang saglit pa susulpot na rin si Patrick from nowhere. Kapag si Patrick naman ang kasama ko, ilang saglit lang e nandyan na rin si Ethan. Moment of silence and peace? Ano yon? Hindi ko na alam yon.

Ang ingay nilang dalawa. Ang gulo gulo pa nila. Ba’t di na lang sila ang magsama? Baka maging magbestfriends pa sila. TSK.

 

Friday night. Wala akong class kaya nasa bahay lang ako. Nag-papasalamat na lang ako at free daw ko ngayon. Walang Luis Patrick at Ethan na gumulo sa isang napakagandang araw. Maaga umuwi si mama dahil Friday at sya ang nakaschedule magluto ng dinner.

“Alexxa!” Tawag ni Mama habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Binuksan nya ang pinto at maabutan nya ako na nakatulaley sa ceiling.

“Ma. Bakit po?” Tanong ko sa kanya.

“Umma..” She corrected. “Ubos na yung sesame oil natin.. Bumili ka muna sa e-mart. Sige na. Hindi ako makakapagluto kung walang sesame oil.. Oh, ito ang pera. Umuwi ka agad ha!” Nilapag nya sa table sa pera.

At bago pa man ako makapagprotesta, sinara na nya ang pinto ng kwarto ko. Napilitan tuloy ako magbihis at pumunta sa e-mart na located sa kanto namin para bumili ng sesame oil.

Alam nyo kasi.. May frustration yan si mama. Nung kabataan nya, gusto nya tumira sa Korea. Pagkagraduate sa college ay gusto na sana nyang lumipad doon pero nakilala nya si papa at mula noon nasira ang plano nya. LOL. Si Papa ang may kasalanan no? Haha!

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon