The Journey [37]

623 20 8
                                    

Chapter 37   Found YA!

I ran back to the hall. Nagsisimula na silang umalis! Takte. San ko hahagilapin si Patrick? Gas! Naiiyak na ako.

No choice! Tumakbo na ako papunta sa stage. At bago pa nila tuluyang maligpit ang mga gamit. Sa ganitong pagkakataon, isang bagay lang magagawa ko para makuha ko ang atensyon nya kung nandito nga sya.

Tumapat ako sa mic. “Good evening! May gusto lang po akong sabihin. Wag muna kayong gumalaw.” Huminto naman sila sa paglalakad. Good. Nakuha ko ang atensyon nila! “Thank you.” Huminga ako ng malalim. Sana magtagumpay ako. “Malamang nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayong gabi.. Nandito ako para sa isang tao. Alam ko na nasa crowd ka lang. Hindi ko alam kung ayaw mo lang talaga magpakita sa akin o kung galit ka pa. I’m sorry.. Alam ko mali yung ginawa ko. Hindi kita binigyan ng chance para magpaliwanag.” Naiiyak na talaga ako. Tengene!

“Sana mapatawad mo ako. Kung mawawala ka pa, wala ng matitira sa akin. Kasi ikaw na lang ang meron ako..” At di ko na talaga kineribells pa. Lumayo na ako sa mic at napaupo na lang sa hagdan sa gilid ng stage. Tinanggal ko yung mask ko. Umaagos na ang luha ko. Sana nandito pa sya. Sana  narinig nya. Sana..

“E sino ba ang nagsabi sa’yo na aalis ako?”

Iniangat ko ang tingin ko sa nakaputing nilalang sa harap ko.

“Luis Patrick!”

Si Luis Patrick na talaga ‘to! Walang mask. At kahit medyo madilim don, nakita ko ang ngiti nya. “WAAAAAAAAAAAAAA!” Iyak ko.

Sa sobrang saya ko nga e napatayo ako saka yumakap sa kanya e. Hohohoho. I’m so emotional. Niyakap rin nya ako :)

Tapos. Tumugtog bigla yung If You Love Me ng J-Rabbit. At kahit di ko naintindihan ang lyrics. Nagtayuan ang balahibo ko.

“Hindi naman ako galit e.”

Humarap ako sa kanya. “Talaga?”

“Oo. May kasalanan di nako don. Sorry Clara!”

Pinunas ko ang sipon ko na tumutulo. Joke lang! That’s so kaderder of me talaga. Hohohoho

Tumawa sya. Tapos pinunas nya yung luha ko. Ang init ng kamay nya. Tehehehehehe.

“Hindi ko dapat ginawa yon. Sana kalimutan na lang natin yung nangyari..” Sabi nya.

“Oo nga! Good idea. Kalimutan na lang natin..” Pag agree ko habang patuloy pa rin na lumuha.

“Uy. Wag ka na nga umiyak! Alam mo naman na hindi ka kagandahan pag nguma-ngawa ka e! HAHAHAHAHA!” Tawa nya.

I punched him lightly in the shoulder.

“Joke lang.. Wag ka umiyak dyan. Tara!” Hinawakan nya ang kamay ko saka hinila ako.

“Teka! Teka! San tayo pupunta?!” tanong ko.

“Edi aalis na!”

“E pano ‘to? Pano sila?” Yung mga kasama nya yung tinutukoy ko. “Kaya nay an ni Cay.. Let’s go!”

Tapos, umalis na kami sa hall.

Pagpunta namin sa labas.. Nakapaa pa rin ako syempre. Naiwan ko na yung sapatos ko sa loob e. We headed to the parking lot. Yun ang akala ko kasi lumampas lang kami sa parking lot.

“Teka.. teka Luis! Sandali lang..” Pigil ko sa kanya. Bumitaw sya sa pagkakahawak sa akin.

“Bakit na naman?” Irita nyang tanong habang nakapamaywang.

“San tayo pupunta? Hindi pa ba tayo sasakay? San ba yung kotse mo?” Tanong ko.

“Wala akong dala! Iniwan ko sa bahay. Sasakay tayo. Sa bus station! Magcocommute lang tayo..”

Clara's JourneyWhere stories live. Discover now