The Journey [43]

552 15 10
                                    

Chapter 43     Sleepless

Hinatid ako ni Ethan nung gabing yon. Nasa bahay na si Mama kaya tuwang tuwa sya nung Makita nya si Ethan. Inuna pa ngang i-entertain sa akin. Akala mo long lost son nya. Edi sila na mag ina! Hmmp. He stayed for dinner nga pala tapos umuwi di nafter.

Nakatulaley ako sa kwarto ko ngayon.. Busog na busog kasi ako sa dinner. Mejejeje.

Parang ang bilis naman ng phasing ng buhay ko. Three months ago, nanakawan ako ng halik ni Luis Patrick. Two months ago, nawala si Christian sa akin. One month ago, bumalik naman ‘tong si Ethan.

Grabe Nacha. Pinaglalaruan mo ba ako? Ba’t ako ang laging dehado? Kwento ko ba talaga ‘to? Grr.

Hay nakoo. Matutulog na lamang ako para sa kapakanan ng mga reader ni Nacha na hindi na natutulog sa paghihintay ng update. Adios mi amore!

The next day..

Surprisingly, maaga ako nagising. Oo. Maaga. As in one hour before ang time. Ewan ba. Pagkagising ko e naligo na ako at nagbihis. Parang gusto ko ng maniwala na maganda nga ang epekto ng matulog ng maaga.. Tutuklasin ko yan sa mga susunod na araw xD

Kahit maaga pa ako nagising ay nauna pa rin na umalis si Mama at Papa. Kaya si Kuya tuloy ang naabutan ko.

“WOW. Ang aga a!” bungad ni Kuya Thomas sa akin.

“I’m a changed woman na kasi..”

“WEH?”

“Syempre joke lang!! HAHAHA!”

“Kumain ka na dyan. Lalabas lang ako sandali..” sabi ni Kuya saka umexit na. Naiwan ako kasama ng breakfast table. After ko kumain ay tamang tama naman na bumalik si Kuya Thomas.

“AHA!” bungad nya sa akin pagpasok nya sa pinto at palabas naman ako. “Kaya pala maaga ka! Kasi may susundo pala sa’yo!” he teased.

I shot him a puzzled look.

“Kaninong sundo?” tanong ko ulit.

“WOOO! Nag mamaang maangan ka pa! Lumabas ka na don. Kanina pa ata naghihintay yung sundo mo!” Patawa-tawa nyang pang aasar.

And just then.. Ewan kung anong masamang hangin ang sumuot sa ulo ko. Nagblink blink ang eyes ko at nag-flash ang imahe ni Luis Patrick na impatient na nakalean sa Volvo nya. Shengene. Di ko mapigilang di mapangiti. Pero ayoko asarin ako lalo ni Kuya kaya I made a straight face, yung wapakels.

“Alis na ako..” paalam ko sa kanya. Pero pagkalabas ko sa pinto namin, tinakbo ko agad yung gate! HAHAHA! Umuwi na si Luis Patrick? Emeghed!!!!

Medyo malayo kasi yung pinto namin sa gate kaya nahingal ako pagdating ko don. Inayos ko muna ang sarili ko para di halatang excited saka binuksan ang gate. Seryoso pa daw ang expression ng mukha ko. Pero pagkalabas ay hindi Volvo ang sasalubong sa akin.

Red maserati na sa sobrang shiny e pwede na ako manalamin. Nakatalikod yung position ng kotse sa akin. Naglakad ako hanggang sa matapat sa driver’s seat kung san nakaupo ang driver nito. Pagtapat ko, binuksan nya yung window at..

“Ba’t ang tagal mong lumabas? Tanghali ka ba talaga nagigising o napuyat ka kagabi sa kaiisip sa akin?”

For a moment, napangiti ako dahil kung magsalita sya.. Sagad ang pagkahambog tulad ni Patrick. Pero nung tinanggal nya ang sunnies nya.

“Ethan?” tanong ko.

He winked at me. Ang gwapo naman neto pero.. Akala ko si Luis Patrick na >.<

Clara's JourneyOnde histórias criam vida. Descubra agora