'Sexy lips?' hinamig niya ang sarili. Mukhang pinagpapatansyahan niya ang kanyang kasama.

"Anong meron sa mukha ko at kanina ka pa titig na titig?" seryosong wika nito na hindi man lang lumilingon sa kanya.

"Pardon sir?" ilang beses siyang napalunok. Hindi niya akalain na aware ito sa ginagawa niyang pagmamasid sa hitsura nito.

"Never mind. Ihanda mo ang sarili mo sa susunod na araw. We will have a target shooting. Your team leader told me you are good in marksmanship?" sabi pa nito na nakatutok pa rin sa paghawak ng manibela.

"Not really." Nag-iwas siya ng tingin. Nangunguna siya sa klase nila pagdating sa target shooting. Magaling siyang humawak ng baril.

"Let's see how good you are. I'm going to test your proficiency on speed and accuracy, as well in gun safety." Tumingin ito sa kanya at agad siyang nag-iwas ng tingin. May kung anong puwersang humihila sa kanya para huwag salubungin ang titig nito.

"I'll do my best, sir." Tumango siya at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Lumipas ang katahimikan at si Jake ang bumasag niyon. May kalayuan ang byahe nila at naiipit sila sa traffic.

"There is a report about drug trafficking just near our detachment. I will set an entrapment operation soon." wika ng binata. Tila nababagot na rin ito sa tindi ng traffic.

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang salitang 'entrapment operation' at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na saya.

"That would be exciting! Mukhang maiinvolve na rin ako sa totoong laban. Kailan ba?" hindi niya napigilang bulalas. Huli na nang marealized niyang head niya ang kasama niya. Nabitin sa ere ang iba pa niya sasabihin dahil tiningnan siya nito ng masama.

"Let me remind you. This is not your playground. I don't want to be held responsible if something happens to you. Besides, hindi ka sasama." Mariing sabi nito.

'Excited lang naman ako! Hmp!' inis niyang usal sa sarili.

"You don't have to worry about me, I can take care of myself. Thank you for your concern." Taas noo niyang wika.

"Who says I'm concern about you? I just don't want you to create a mess in my jurisdiction." Kunot-noong wika nito.

Nanliliit ang matang tiningnan niya ito. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Paulit-ulit niyang ipinaalala na nasa trabaho siya at Chief ang kasama niya. Mabuti na lang at sa mga trainings na pinagdaanan niya, natutunan na niya ang toong kahulugan ng Maximum Tolerance sa lahat ng bagay.

"May problema ba Alvarez?" nanunuri ang tining ipinukol ng lalaki sa kanya.

"Ah, wala naman po sir. Sorry po." Muli siyang tumingin sa windshield at pasimpleng umirap.

"Sabihin mo lang kung hindi mo gusto ang pamamalakad ko at irerelieve kita agad." wika nito. Hindi niya sigurado kung dinadaya lang siya ng paningin dahil nakita niyang ngumiti ito ng bahagya.

"Naku sir, Hindi po. Ayoko po mareassign. Okay na okay na po ako sa desk ko sa istasyon." Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Mukhang hindi siya dapat magpakita dito ng disrespect dahil baka ipatapon siya nito sa lugar na hindi niya gusto.

"Are you sure?" tiningnan siya nito na parang pinag-aaralan ang kanyang mukha.

"I'm very sure. I promise not to create a mess inside your jurisdiction and I'll behave." Nakangiting wika niya.

"Okay." Nagkibit ito ng mga balikat.

Nakarating sila sa Campo Crame makalipas ang mahigit dalawang oras. Tahimik lang siyang nakasunod rito nang pumasok sila sa main office ng PNP.

MAN IN VIOLET PHRWhere stories live. Discover now