CHAPTER TWO

8.4K 152 5
                                    

PINUNO niya ng hangin ang dibdib bago pumasok sa loob ng presinto. Lihim siyang nagdadasal na sana hindi pumasok ang kanilang Chief of Police kahit alam niyang imposibleng mangyari iyon.

"Good morning mate!" nakangiting bati sa kanya ni Chris.

"Walang maganda sa umaga mate." Dumeretso siya sa bakanteng desk malapit sa pintuan ng opisina ng kanilang hepe.

"Nagbigay na ang Team Leader natin ng listahan ng mga buddy natin." Sabi nito habang inaayos ang ilang papeles sa mesa nito.

"Talaga? Sinong partner ang binigay saiyo ni TL?"

"Si Concepcion." Ang tinutukoy nito ay ang kasamahan nilang pulis na pareho nila ay Police Officer One.

"Ah, yung maitim na mas matangkad pa ako?" aniya na sinabayan ng mahinang tawa.

"Ikaw talaga kung makapanlait wagas. Oo alam kong matangkad ka!" saway nito sa kanya. Nagsasabi lang naman siya ang totoo. Malaking bulas siya dahil hindi karaniwan ang tangkad niyang five-eight para sa isang babae. Maraming nagsasabing papasa siya isang beauty queen dahil sa height niya. Slim ang kanyang katawan kahit malakas siyang kumain. Hindi rin pahuhuli ang kanyang mukha dahil malaki ang pagkakahawig niya sa Korean sassy girl na si Gianna Jun.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. Di ba yan yung galing sa Camp Bagong diwa?" serosong tanong niya.

"Oo. Siya nga. Okay naman iyon."

"Eh ako alam mo ba kung sino ang buddy ko?" tanong niya rito.

"Sa Women and Children Protection Desk ka at si PO2 Vivian Espinosa ang kapalitan mo." anang baritonong tinig mula sa kanyang likuran. Pareho sila napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Sir!" sabay nilang sambit, tumayo sila ng tuwid at kapwa sumaludo.

"Carry on." Pormal nitong sabi.

"A..ako po ang sa WCPD?" ulit niya sa sinabi nito.

"Is there any problem? What else do you expect?" seryosong wika ng lalaki at tinitigan siya sa mata.

"W..wala naman po." Alanganing sabi niya at napayuko na lang. Mas gusto niyang sa labas para may thrill.

"Ikaw Romero, di ba duty mo ngayon sa labas? Ano pang hinihintay mo?" baling ng lalaki sa tahimik na si Chris.

"Yes Sir! Paalis na po talaga ako." Sumaludo muli ito bago tumalikod sa kanila.

Nahigit niya ang paghinga dahil sa malakas na presenya ng lalaki sa tabi niya.

"Ikaw naman Alvarez, Mag-ayos ka dahil pupunta muna tayo ng Crame ngayon. Magtsecheck tayo kung dumating na ang mga bagong issue ng baril." wika nito bago pumasok sa sariling opisina.

Napabuntong hininga ang dalaga. Kitang-kita niya ang mapanudyong tingin ng ilang pulis na kasamahan niya sa istasyon. Pinigil niyang mapaismid dahil marami ang nakatingin sa kanila. Sumunod na lang siya rito matapos ayusin ang kanyang mga gamit sa mesa.

Tahimik siyang nakaupo sa passenger's seat ng kulay pulang Hyundai Elantra habang binabagtas nila ang daan patungo sa Camp Crame. Ayaw niyang magsalita, di bale ng mapanis ang laway niya kesa magmukha siyang kawawa. Baka taasan na naman siya nito ng boses at malasin na naman siya. Kung puwede lang niyang isatinig na sana patrol car na lang ang gamitin nila imbes na ang sariling sasakyan nito, di sana'y may kasama silang Station Driver at hindi awkward ang pakiramdam niya.

Lihim niyang pinag-aaralan ang mukha nito. Malakas ang personalidad nito at matikas. Moreno ang kulay nito at malamlam ang mata pero masasalamin roon ang awtoridad. Matangos ang ilong nito at sexy ang lips na parang masarap halikan.

MAN IN VIOLET PHRWhere stories live. Discover now