Chapter Five

Beginne am Anfang
                                    

Nang matapos na akong mag luto inihain ko na yung pagkain sa lamesa,naalala ko nanaman yung sinabi nya saakin kagabi kapag naging ako na daw si sabrina saka nya ako mamahalin.Oo tama! Agad ko naman di-nial ang # ni axel at agad naman na may sumagot dito.

"Oh? Napatawag ka?" Takang tanong nito saakin.

"May itatanong sana ako sayo e!" Sabi ko naman sa kabilang linya.

"Ano ba yon.?" Tanong nya naman sakin na may bahid ng pagtataka ang tono.

"Tungkol kay sabrina" panimula ko.

"Bakit anong problema kay sabrina?" Naguguluhang tanong nito saakin na may halong pag aalala.

"Ah wala naman gusto ko lang malaman mga hilig nya tawag nya kay travis basta mga ganon" sabi ko naman sakanya desidido na kasi ako ee.

"Para kay travis ba?" Tanong nito saakin sa malungkot na tono.

"Oo" maikling naming sagot ko.

"Diba masaya naman na kayo bakit kailangan mo pang gayahin yung character ni sabrina?" Takang tanong uli nito saakin.

"Pwede bang sabihin mo nalang sakin?" Medyo malungkot na tono ang ginamit ko para naman mapapayag ko sya.

"Sige na nga,favorite color ni Sabrina ay red,gustong gusto nyang tinatawag si travis na Tris! Gustong-gusto ni travis na pinag gagawa sya ni sabrina ng coffee yun lang di naman kasi sila masyadong nagkikita o nag kakasama dahil nga model si sabrina" paliwanag nito saakin nang malaman ko na kung ano yung pakay ko agad na akong nag pasalamat dito at agad na din akong nag paalam dahil narinig ko na ang pagbukas ng pinto ni travis mula sa kwarto nito.

At nang matanaw ko na syang pababa ng hagdan tumakbo na ako papunta sa kusina at pinag gawa sya ng kape,nang matapos na ako sa ginagawa ko agad ko itong itinapat sakanya ang gawa kong kape habang nakayuko para ibigay ngunit nangalay na ako lahat-lahat wala paring kumukuha ng kape sa kamay ko dahilan para unti-unti kong itaas ang tingin ko dito at ang nakita ko lang ay ang tingin nya sa kape na para bang sinusuri.

"Good Morning Tris!" Bati ko sakanya at halata mo sa itsura nya ang bakas ng pagkagulat pero napalitan din iyon ng nang pagka inis.

"Ano yan?" Tanong nya sakin at sabay tingin sa pagkain sa lamesa at sa kape.

"Coffee ginawa ko para sayo,tara kain ka muna" Matamis kong ngiti at aya ko sakanya bago siya hinawakan sa braso para akayin papunta sa hapag.

"Hindi ko kailangan yan sa office na ako kakain." Sabi nito atsaka sinanggi ang kamay ko dahilan para tumapon saakin ang kapeng kanina ko pang hawak.Masakit pero ayokong ipakita sakanya na nasasaktan ako,kailangan kong ipakita na okay lang ako.

Narinig ko naman mula sa kusina ang pagbukas nito ng makina ng kotse nito kaya dali dali akong lumabas para buksan  ang gate para makalabas ang sasakyan nito. bago sya makalabas sa gate  ngumiti ako sakanya ng matamis pero hindi nya ako pinansin.Okay lang sanay naman na ako kaya sinara ko nalang ang pinto ng makalabas na sya.

Nang tuluyan na siyang makaalis agad ko nang isinara ang gate at malungkot na pumasok sa loob ng bahay…

Bahagya ko namanng tinignan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa at saka nap ailing.

Nagsayang ka nanaman ng pagkain Vanessa” Mahinang bulong ko sa kawalan atsaka muling lumuha.

******************************

7 month has passed ganon parin sya sakin hindi nya na nga ako masyado sinasaktan physically sa emotionally naman pero kahit na ganon ngiti parin ang sinusukli ko sakanya gusto kong ipakita sakanya na kahit ganon ang gingawa nya sakin masaya parin ako kasi kasama ko siya.

Nagtitimpla ako ngayon ng coffee para sakanya habang ngiting-ngiti natutuwa ako kasi sya mismo nag sabi na ipag timpla ko sya,

Nang matapos na ako agad ko itong ibinigay sakanya habang nanunuod sya ng t.v

Muli na sana akong babalik sa loob ng kusina nang biglang may mag doorbell.

Ding Dong!

Agad naman napakunot ang noo ko sa pagkaka-alam ko kasi wala naman akong inaasahan na bisita,Agad ko naman naisip si travis baka naman may hinihintay itong bisita kaya agad akong nag tungo sa pinto at binuksan ito at sana nga hindi nalang ako nagkusa na buksan ito para kay travis dahil laking gulat ko nang makita ko kung sino ito…

Si......

Si......

Bakit siya nandito?

/Travis crying at the side/

Wife's Cry (Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt