16. The last goodbye

134 3 0
                                    

Malapit na ang alis ni Jess, si Tago naman ay patuloy pa rin sa pagiging tulala at malungkot, maging si Robin at Kara ay nadadamay. Nasa classroom si Yago samantalang si Robin at Kara naman ay bumaba sa canteen para bumili ng inumin at pagkain

"Robin anong gagawin natin? Bukas na 'yung alis ni Jess, oo pinsan ko si Jess pero syempre alam ko naman na mahal na mahal ni Yago 'yung pinsan kong 'yun."si Kara

"Kaya nga nag-iisip din ako ng paraan para maging okay na silang dalawa e. Naisip mo ba na kung talagang walang nararamdaman si Jess para kay Yago e bakit siya naiiyak kahapon? Alam mo malakas talaga kutob ko na nagsisinungaling lang si Jess sa'tin kahapon e."si Robin

"Hindi ko alam pero kailangan natin silang tulungan, kaibigan natin sila."si Kara

"Sa paanong paraan naman kaya? E ikaw na rin angsabi na hindi na magbabago ang isip ni Jess, at ito namang si Yago e ayaw na ring gumawa ng paraan para maging okay sila."si Robin

"Ang tanong sa paanong paraan naman kaya natin sila matutulungan?"si Kara

"Kailangan makagawa na tayo ng paraan para magkausap sila kahit sa huling pagkakataon."si Robin

"Parang sumusuko na rin si Yago e."si Kara

"Hindi, hindi siya pwedeng sumuko dahil kung talagang mahal niya si Jess e ipaglalaban niya kahit masaktan pa siya ng paulit-ulit."si Robin

"Tama."si Kara

"Mabuti na lang talaga wala tayong mga karelasyon, dahil kung hindi baka nagalit na sila dahil lagi tayong magkasamang dalawa."si Robin

"E hello ikaw lang naman 'tong laging may karelasyon, ako naman talagang wala, as in zero."si Kara

"Zero ka dyan, maraming nanliligaw kaya sa'yo, ikaw lang 'tong nambabasted. Kung ako sa'yo maghanap ka na ng boyfriend mo."si Robin

"Hindi na kailangan, nandiyan ka na e."si Kara

"Huh?"si Robin

"Ang ibig kong sabihin, nandiyan ka na naman bilang best friend ko e so bakit pa ako maghahanap ng boyfriend?"si Kara

"Naks naman! Ako din actually. Mula nung mas naging close tayo mas napatunayan ko na hindi pala girlfriend ang kailangan ko, kasi nandiyan ka naman para damayan ako lagi e."si Robin

"Talaga?"si Kara

"Oo naman. Sige ganito, magpromise na lang tayo sa isa't isa na hindi ka muna magbo-boyfriend at hindi muna ako maggi-girlfriend hangga't hindi pa tayo nakakagraduate ng college."si Robin

""Wag akong sabihin mo niyan, ano? Ikaw! Kasi diba dati nagpromise na tayo na study first muna, pero ano? Binalewala mo 'yun kasi nakita mo si Trisha."si Kara

"This time totoo na 'to, wala munang babae sa buhay ko aside from you being my best friend. Promise?"si Robin

"Promise."si Kara

Nagpinky swear sila nang biglang dumating si Trisha

"So you and Kara are finally together?"si Trisha

"Trisha ayaw namin ng gulo, kaya tantanan mo na kami. Hindi kami ni Kara kaya 'wag mo na kaming guluhin ngbest friend ko."si Robin 

"I'm not actually here para manggulo o guluhin kayo, I'm here to apologize for everything."si Trisha

"Apologize?"si Kara

"Natanggap ko na hindi na talaga kami ni Robin ang para sa isa't isa, na hanggang dito na lang kami. I'm sorry kung ginulo ko kayo."si Trisha

"I'm willing to forgive you Trisha, ikaw lang naman ang hinihintay kong makatanggap na talagang wala na e. At thank you dahil tinanggap mo 'yung pagkakamali mo."si Robin

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon