Chapter 42: The Real Mission Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Ten is very determined to succeed. I know hindi niya bibiguin si Mama dahil sa kanya naipasa ang matinding responsibilidad na ito.

"What a clever plan Ten," pagcompliment ni Mick.

"I'm not confident Mick, pero let's see how it goes," Ten responded. "Siya nga pala before I forget, we will divide ourselves into THREE groups. Isang grupo ang tatlo ang miyembro since pito tayo. Bawat miyembro ay tutungo sa tatlong sulok ng isla para gumawa ng mga patibong."

Binitiwan ko ang baril na kanina ko pa pinagmamasdan. Bigla akong nagkainteres sa inanunsyo ni Ten, na kami'y maggugrupo upang isakatuparan ang plano. Naisip kong bigla na magiging masaya ito kung si Mick ang makakapareha ko.

"Nice idea Ten," I smiled.

"Pero ako ang mamimili kung sino ang magsasama-sama....."

Para akong tinusok ng karayom sa may bandang braso. Totoo ba itong narinig ko sa kanya? Ang weird lang ng pakiramdam ko dahil alam na alam ko kaagad ang mga plano niya. At sino ang magiging kapareha niya.

Lahat kami'y nagtayuan sa harap niya while she's announcing the names of the persons nag magsasama.

"I want Mick to be my partner!" sinasabi ko na nga ba! Kasali sa mga pre-planned na sinasabi niya sa 'kin ang mapalapit kay Mick. Bigla akong nainis pero hindi naman ako pwedeng pahalata. Ngumingiti na lang ako para maitago ko sa loob-loob ko ang pagkairita sa kapatid ko.

Mick got closer to Ten. "We've been working and planning since then kaya we make as a good partner," dugtong pa ni Ten.

"Pareng Mick," biglang sumitsit si Franz na nakapwesto malapit sa likuran ko. "Yan tayo e, Da Moves mo talaga... 'Di ka pa rin talaga nagbabago pagdating sa mga chicks pare!"

Ten is pulling up an awkward kilig face pero wala naman siyang naging komento. Si Mick nama'y Poker Face lang na hindi ko alam kung talaga bang nagkakagusto na kay Ten o ano. Hindi kase malayong hindi magkagusto ang isang lalaki kay Ten dahil napakaganda niya at napakatalino. Napaka meticulous pa pagdating sa lalaki pero pag na-bet-an niya'y sa pa mismo ang gumagawa ng paraan para mapansin siya.

Ako nama'y pasikretong napapasimangot kay Mick, dahil nagbablush ang pisngi niya. Pucha, ano tong nakikita ko?

"Ulul ka talaga Franz!" pangising tugon ni Mick.

"Naku Parekoy jackpot ka dyan!" sabat naman nung pangit na Joaquin. "Wag na wag mo ng pakawalan yan. Para ka ng tumama sa lotto. Maganda na milyonarya pa!"

Nadagdagan ang pamumula ng pisngi nina Ten at Mick sa napaka awkward na pinagsasabi ng dalawa. Ako nama'y parang may nagtatalong pwersa sa loob ng dibdib ko. Hindi ako mapakali dahil ako mismo'y di malaman ang nararamdaman.

"Okay...." pautal na banggit ni Ten. "Now, I want Joaquin, Franz and my Brother to form a group."

"Teka sinong Joaquin?" tanong ni Joaquin na may hitsura.

"You, Mr. HANDSOME," pagkumpirma ni Ten "And Alex and the other Joaquin will be the partner

Delayed reaction ang dalawa pero after mga ilang seconds ay nagreact naman si Alex.

"What? What's the meaning of this Ten?? Tell me you're just joking," si Alex na sobrang nasorpresa sa magiging kapareha niya.

"I'm not joking Alex. Joaquin will be your partner."

"NO WAY HIGHWAY!!!!!!!!" exaggerated na tugon ni Alex. "Ano 'to suicide Ten? Oh My Gosh... hindi ako makakapayag!"

"Don't be too personal Alex! We are a TEAM here."

"BUT I'M A PERSON! Bakit hindi ako mamemersonal?" sagot ni Alex na ikinasalubong ng kilay ko. "Ayoko talaga Ten, bigyan mo ako ng ibang partner wag lang yang palakang 'yan! I will DIE! Maawa naman kayo sa 'kin?"

"Mas magandang kayo ang magpartner para maayos niyo na kung anumang pinag-aawayan niyo. Any negativity generates negative atmosphere. Hindi pwedeng ang isa'y galit sa isa. Kaya kayo ang pinagpareha ko para magkasundo na kayo..."

"No Ten, hindi mo alam ang sinasabi mo. Don't tell me nasasapian ka na ng mga pirata? No, hindi magandang biro 'to!"

"Ang OA talaga!" si Joaquin na nagingiti pa para asarin si Alex. "Ako okay lang sa 'kin na makasama siya. Sweet lover naman ako hehe...."

Bakas sa mukha ni Alex ang pagkadismaya na akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa. Lumapit siya sa Tiyuhin niya at duon nagmakaawa.

"Kuya..... Please lang ayokong kasama ang palakang yun. Baka kung ano pang mangyari sa 'kin. Kuya.... kahit sa inyo na lang ako sumama ni Ten?"

Nakasalukbot rin ang mukha ni Mick. Alam ko, kung siya lang ang magdedesisyon ay isasama niya sa kanya ang pamangkin niya. Pero alam ko rin na pag si Ten ang nagsabi'y nagmimistulang aso siya na sunud-sunuran sa kanyang amo.

"Si Joaquin ang kapareha mo. Wag kang, mag-alala wala namang rabis yan!"

"What?????? Pati pa ba naman ikaw Kuya? Kuya naman e..."

"Isang araw lang naman para kang TANGA! Anong kinakatakot mo kay Joaquin e hindi naman multo yan?"

Umarte na talagang parang bata si Alex na may payakap yakap pa sa tiyuhin niya para makumbinsi ito. ANG ENDING? Wala siyang nagawa.... Sila pa rin ang naging magpartner ng bespren niyang si Joaquin.



How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon