Chapter 42: The Real Mission Part 2

Start from the beginning
                                    

"Aba sumusobra na yang dila mong payatot ka ha?" panduduro ni Joaquin kay Alex. At nagkakainitan na sila.

Tumayo na si Mick para pagalitan ang dalawang kanina pa nag-aasaran.

"Pwede ba Alex tigilan mo na ang bunganga mo. Naririndi na ko SAYO!" bulyaw ng tiyuhin niya.

"Teka Kuya ba't ako?" si Alex na nagsesentimyento dahil siya ang napagalitan.

"TUMIGIL KA NA!" muling bulyaw ni Mick at bigla namang napatigil ang pamangkin niya at naupo.

Pumunta naman siya malapit kay Joaquin at dinuro ito.

"At ikaw, parang hindi babae yang kasagutan mo ha?! Isa pang marinig kong makipagtalo ka sa pamangkin ko ipapakain na kita sa pating ng buhay!"

Si Alex nama'y pasimpleng nagma-monkey face at inilalabas ang dila para tuyain si Joaquin. "Bleh Bleh buti nga!"

"Eh yung pamangkin mo naman ang nangunguna lagi, siya ang pagsabihan mo," himutok ni Joaquin.

"Wala akong pakialam kung siya ang nauna o ikaw. Basta mag-ingat ingat ka Joaquin, baka aalis tayo sa islang to na wala kang makukuha kundi pasa sa mukha," mala FPJ na pagbabanta ng tiyuhin ni Alex.

Walang nagawa si Joaquin kundi manahimik na lang din.

"Pasensya ka na Ten," si Mick na seryosong lumapit kay Ten.

"Not a big problem"- Ten.

At muling umupo si Mick sa kanyang pwesto. Umaasa akong wala ng commercial break sa pagitan ng dalawang aso't pusang ito.

Napabuntong hininga si Ten at pasimpleng ngumiti. Matapos ang story-telling niya'y umaasa akong tatalakayin niya ang mga gagawin namin dito sa isla.

"Okay... kung wala na kayong tanong sa history ng conflict ng family namin, let's proceed na sa gagawin natin..."

Tumungo si Ten sa likuran ng punong mangga at may kinuhang kung ano. Binuhat niya ang mga kagamitang gaya ng lubid, pala, maliliit na punyal, at ang pinaka ikinagulat ko..... BARIL!

Sa sobrang gulat ay napatayo ako't nilapitan ang mga kagamitang inilapag niya sa harap namin.

"What are you thinking TEN? A gun?" tanong ko sa kanya na may pagkamangha habang inuusisa ko ang mga baril. Lumapit din ang iba upang inspekyunin ang mga bagay na gagamitin namin panaboy sa mga bisita.

"Don't worry Jace wala namang mga bala yan. That will be our last option for defense in case na may hindi sila gawing maganda sa 'tin," ani Ten.

"Anong gagawin natin sa mga lubid?" tanong naman nung may hitsurang Joaquin.

"We will make a TRAP out of that," sagot ni Ten. "Yung PALA naman is gagamitin natin panggawa ng patibong. Ang mga maliliit na punyal ay para sa pamputol ng lubid."

"Bibitagin natin sila? e kung mabitag natin sila anong mangyayari?" tanong naman ni Alex.

"Not necessarily bitag.... We will scare the hell out of them para lisanin nila ang isla. Pag nalaman nilang maraming patibong ang lugar baka matakot sila," paliwanag ni Ten.

"Paano kung hindi sila matakot at biglang nagpatuloy? Anong gagawin natin?" si Franz naman ang nagtanong.

"Kung hindi sila matakot, there's PLAN B. They will never see where the treasure is located. Ililigaw natin sila!"

Ten pulled out something at her back which is the TREASURE MAP.

"We will plant this map somewhere na madali nilang makita if PLAN A fails. This FAKE MAP will lead them to another place hanggang sa maligaw na sila forever, and that's what our Aunties are destined for.... MAMAMATAY SILANG WALANG KAALAM ALAM KUNG SAAN NAKATAGO ANG KAYAMANAN. Tumanda na sila but they can't still find it, and they will never find it!"

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now