First Love

9 1 0
                                    

"Baby naman ih. Akin na yaaan. Please?"

"Kiss mo muna ako."

"Sige na nga. Iloveyou Baby."

"Babe, Date tayo ngayon? Gusto mo?"

"Sige babe. Saan ba?"

Padami ng padami ang lovers/couples dito sa park. Hayy. Tahimik na buhay ang pinunta ko dito. Makaalis na nga.

Tumayo na ako sa inuupuan kong bench at nagsimula nang maglakad paalis dito sa park. One week nalang, pasukan na. Pinaparamdam na sakin ng paligid na magpapasukan na ulit. May nadaanan akong dalawang babaeng naguusap.

"Oh my gosh bes, pasukan na ulit next week. I'm so excited na talaga. Makikita ko nanaman yung crush ko"

"Oonga bes eh, makakasama nanaman ulit natin yung iba pa nating friends na busy this summer. Excited na ako. Tara, mall na muna tayo. Sulitin na natin ang natitira pang one week."

"Okay bes. Tara!"

Diba? Ramdam na ramdam ko na ang pasukan. Halos lahat kasi ng mga nakapaligid saken, excited. Samantalan ako? Wag niyo nang tanungin.

Wala na man kasi akong dahilan para maexcite. Maliban sa pagaaral, wala na akong ibang inaatupag sa school. Wala akong kaibigan. Meron akong naging mga kaibigan kaso, plastic pala sila. Kaya ayoko na. Wala din akong boyfriend or crush sa school. Di ko naman kasi sila kailangan. Ang bitter ko ba? Hahaha. Medyo lang. Masaya na kasi ako sa pamilya ko. Kuntento na ako sa kanila.

Napansin kong kumukulimlim na. Binilisan ko na ang paglakad para makauwi na ako agad habang di pa bumubuhos ang ulan. Pagkadating ko sa bahay, sumalubong saken ang di maipintang mukha ng kapatid ko.

"Ate. Saan ka nanaman nanggaling? Yung aso mong si Rye dumumi nanaman sa kusina. Ako tuloy inutusan para maglinis nun. Alam mo namang ayoko sa tae ng aso eh." Naiinis na sabi niya. Kasunod nun ay ang biglang pagdamba sakin ni Rye.

"Hi baby rye. Bakit ka nanaman nagpupu sa kitchen? Yan tuloy, naiinis nanaman sayo si Teptep. Bad dog ka aa" Ang cute talaga ni rye. Para na siyang iiyak kasi pinagsasabihan ko siya. Pero yinakap ko naman siya agad para di na magtampo.

"Sorry na Tep. Hahahaha. Ano? Alinis mo bang maayos? Mabango ba? Hahaha." Nangaasar na pahayag ko sa kanya. Ayan na. Namumula na ang baby brother ko. Ang sarap niya talaga asarin. Hahaha.

"ATE NAMAN!" Hahaha. Pagkasigaw niya nyan ay tumakbo na kami ni rye paakyat sa kwarto ko. Medyo hiningal ako dun kasi ang laki ng bahay namin.

"MOMMY SI ATE RAINE, NANGAASAR!" Hahahaha. Nakakatuwa talaga yung kapatid ko pagnaasar. Sumbungero pa. Hahaha. Akala mo naman papagalitan ako ni mommy eh mahal na mahal ako nyan.

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at dumiretso sa banyo para maligo. Mag aalasais narin kasi ng gabi. Pagkatapos maligo ay bumaba ulit ako para kumain. Nakasalubong ko si ate patungo sa kusina.

" Raine. Inasar mo nanaman si Teptep aa. Sarap na sarap ka talagang asarin yun." Natatawang sabi ni ate Ella.

"Hahahaha. Sobrang priceless kasi ng mukha ni Teptep pag naaasar eh. Pulang pula tapos parang sasabog eh. Hahaha"

"ANONG SABI MO ATE RAINE?" Nako. Narinig pala ako. Hahaha.

"Totoo naman Teptep eh. Hahahaha." Nangaasar na sabi ko pa. Ayan na. Namumula nanaman siya.

"Hahahaha. Tama na yan. Kain na tayo, hinihintayo na tayo ni mommy pati ni daddy sa dining hall. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Sabi ni ate at nagsimula na siyang maglakad patungong dining hall. Sinamaan lang ako ng tingin ni Teptep at naglakad narin. Sumunod naman ako sa kanila. Pagkadating naming dining hall ay umupo na kami at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos kumain ay nagtulong tulong na kami sa pagliligpit. Kahit na sa mayamang pamilya kami lumaki ay tinuturuan parin kami ng lahat ng gawaing bahay.

"Late nanaman umuwi si kuya Luis. Nagovertime nanaman ba siya sa opisina?" Pahayag ni ate Ella. Lagi nalang kasi siya late umuuwi pagkagaling trabaho.

"Baka naman nagkapriblema nanaman sa kompanya ate. Hayy. Bawal muna kasi si daddy kaya doble trabaho si kuya sa kompanya." Pinagbawalan muna kasi ng doctor si daddy na magtrabaho dahil sa pagsakit ng ulo niya. Kaya si kuya yung umaako ng lahat ng trabaho.

Nangmatapos na kami maglinis ng pinagkainan ay magkanya kanyang punta na kami sa kwarto. Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay pumasik ako sa banyo para maghilamos. Umupo akk sa kama ko at kinuha yung laptop ko. Manonood muna ako ng mga movies.

Ako nga pala si Stephanie Lorraine Chua. Isang not-so-typical highschool student sa Boson Academy. Wala kasi akong kaibigan dun. Loner ika nga. Simula nung plinastic at linoko ako nung mga huli kong naging kaibigan, naging masungit at snob na ako sa lahat. Simple lang ako manamit. Nung unang pasok ko nga sa school, napagkamalan akong scholar. Well, Elite school ang pinasukan ko, so what do you expect?

Stephen Lui Chua ang pangalan ng bunso naming kapatid. Siya yung paborito kong inaasar. Two years ang tanda ko sa kanya. Turning to 14 iya while ako naman 16 na. Teptep ang tawag namin sa kanya.

Stella Louise Chua naman ang pangalan ng ate ko. Ella for short. 3 ears ang tanda niya saken.

Stephon Luis Chua ay ang kuya ko. Siya ang panganay naming magkakapatid. Graduate na siya at nagtatrabaho na sa kompanya namin. Siya ang pinakaclose ko sa mga kapatid ko. Kaso, unfortunately, busy person na siya ngayon.

Stella Mae Chua at Luis Chua naman ang pangalan nila mommy at daddy. For me, sila ang pinaka the best ma parents kasi hands on sila sa pagpapalaki sa amen.

Tok  tok

Naputol ang pagmumuni muni at panonood ko ng movie nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa kin ang pinakamamahal kong kuya.

"Hi baby girl. Miss me?"

"Kuyaaaa! Bakit ngayon ka lang? Miss na kita. Di manlang kita nakita buong araw." Sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Grabe, Kuya's girl ako eh. Hahaha.

"Sorry baby girl, nagkaproblema kasi sa kompanya kaya kailangan ako dun ng maaga. Kumain ka na?"

"Opo kuya. Ikaw nga dapqt tinatanong ko nyan eh. Kumain ka na kuya? Mukhang stress na stress ka aa? Gusto mo lutuan kita ng soup?" Nagaalalang sabi ko sa kuya ko.

"Wow. Namiss ko ang specialty ng baby ko aa. Sige nga baby girl. Para matanggal yung pagod ni kuya. Haha."

Nagsimula na kaming bumaba para kumain at ipagluluto ko na si kuya. Favorite kasi ni kuya yung soup na niluluto ko. Sabi pa nga niya, stress reliever niya daw yun.

Nakasalubong namin si mommy habang naglalakad kami ni kuya patungong kusina.

"Oh Luis, ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Nagaalalang tanong ni mommy kay kuya.

"Ipagluluto ko pi si kuya mommy. Gusto mo rin ba mommy ng soup?"

"Naman ang baby girl namin, ang lambing lambing. Sige baby Raine. Pati si daddy pakilutuan narin okay? Magingat." Sabi sakin ni mommy sabay kiss sa cheeks ko. Nagsimula na siyang maglakad papunta kay daddy habang kami naman ni kuya sa kusina.

Nagsimula na akong magluto habang si kuya naman ay inaayos na yung kakainan niya pati yung paglalagyan ng soup nila mommy. Pagkatapos ko magluto ay sinali ko nq yung soyp sa mga soup bowl. Linutuan ko na din sa ate pati si teptep. Nang mahain na ay tinawagan ko na sila para sabihing nagluto ako ng soup. Isa isa naman silang nagsipagdatingan dito sa kainan para humigop ng mainit na soup.

"Walang kupas talaga tong soup mo ate. Ang sarap talaga." Papuri ni Teptep.

"Buti naman at naisipan mo kaming lutuan no raine? Hahaha. Akalq nqming si kuya lang yung lulutuan mo eh. " sabi niya sa boses na nagtatampo pero natatawa. Parang baliw talaga to si ate. Hahaha.

"Kakalimutan ko ba naman kayo? Love ko kayo eh. Pero mas love ko lang si kuya. Hahaha. Jooke." Natatawang sabi ko.

"Hahaha. Ang sweet naman ng mga baby ko. Sige na, ubusin niyo nayan para makatulog na." Pagkasabi nun ni mommy ay binilisan na naman ang pagkaen. Patuloy parin kami aa pagkekwentuhan at pagtatawanan. Eto yung isa sa mga dahilan kung bakit kuntento na ako sa pamilya ko. Para sa kin, kahit mga pamilya koolang ang kasama ko, magiging masaya na ako.

FAMILY. Para sa akin, sila ang first love ko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 22, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Can this be Love?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang