11.

4.6K 79 1
                                    

(Kyla POV)

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko.Hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari samin ni Kurt. Hindi ko alam kung ano kami o kung ano Ang namamagitan samin. Napatawad na niya kaya ako? O baka galit parin siya? Pero bakit niya ginagawa yun sakin. Mahal pa kaya niya ako? Assuming lang pero may chance pa kaya kaming dalawa? Haystt. Ang daming tanong na naglalaro sa utak ko ngayon.

Dahil sunday naman mag shopping muna ako para pangtangal stress at makahanap na rin ng new clothes para bukas. Nakatanggap kasi ako ng tawag kaninang umaga na ako daw Ang napili nila. Hindi ko nga napigilan kanina ang mapatalon nung nalaman ko na ako Ang Napili. It was a dream come true para sakin. Kaya mas lalo ko pang gagalingan.

Otw na ako sa mall, nagtaxi na lang ako kasi tinatamad ako mag drive.

Nang nakarating na ako wala na akong inaksayang oras at naglibot na ako. Bumili ako ng new clothes, shoes and bag ko. Halos marami narin akong bitbit kaya naisipan ko munang magpahinga at kumain. Pumunta ako sa isang restaurant at nag order ng makakain ko. Habang nag aantay, nakita ko sa kabilang table nandun si Kurt at may kasama siyang babae na maganda at sexy. Buti nalang nakatalikod siya kaya di niya ako nakitang nakatangin sa kanya. Ewan ko ba biglang sumama yung pakiramdam ko. Hindi ko maexplain, gusto kong magalit,gusto kong magwala. Oo Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan kasi wala naman akong pinanghahawakan mula sa kanya. Isa lang naman akong hamak na ex niya na nakikipagsex pa sa kanya. Naiinis ako kasi Ang tagal din dumating ng order ko. Hindi naman ako martyr kaya lumabas na ako dahil masakit lang sa mata at di ko na kinakaya. Nagtutubig narin yung mata ko kaya hanggat maari tigilan ko na. Naasar ako sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit masakit na makita siyang masaya sa piling ng iba .

Habang naglalakad ako sinalpak ko nalang Ang earphone ko at nakinig ng music. Nang aasar ba yung tadhana !

Np: Kahit na

"Kahit na may kasama ka ng iba ikaw parin Ang nag iisang mamahalin sa tuwina.

At kahit masakit OK lang aking sinta basta makita ka lang masaya"..

Mukha ba akong masaya?Tsk. Mas lalo akong NaBadtrip -___- kaya pinatay ko nalang. Tsk. Pumara na ako ng taxi para makauwi na. Imbes makapagrelax ako nabadtrip pa ako. What a day!

Habang nasa byahe ako, naalala ko yung panahon na masaya pa kami sa isa't isa.

(Flashback)

Palabas na ako ng room dahil uwian na, nakita ko na sya na nag aabang sakin sa labas. Sinalubong nya ko at hinalikan sa pisngi at kinuha na nya ang bitbit kong bag.

Mag-aaral ka ba ngayon pag uwi mo?

Hmmm. Siguro hindi na nakapag aral naman ako kahapon. Bakit?

Ahhh, yayain sana kita ngayon mamasyal. Gaya ng dati..

"You Captured my Innocence"(Rated SPG)Where stories live. Discover now