A Day With

19 1 0
                                    


A DAY WITH

(c) Phepsy 2015


Sabi nila, normal lang naman daw ang magkamali ka, ang sumablay ka. Pero kapag inaraw-araw mo na, normal pa rin ba?

Hindi ko alam kung malas lang ba ako o sadyang may pagkalampa talaga ako. Parang araw-araw, Friday the 13th. 

Everyday is an unlucky day.

But I want to believe otherwise.

Sabi ko nga, walang malas sa taong optimistic---positivism it is.

May natapilok kaya nagka-sprain sa paa, nawalan ng pera, nabasa ng ulan~ hindi kamalasan, ngunit subalit datapwat resulta ng kapabayaan. Madalas sinisisi natin ang mga pangyayari sa langit, sa tadhana o kung saan man---pero naisip mo ba kung ano ang bagay na ginawa mo o ang mga hindi mo ginawa para mangyari 'yon?

Bakit hindi ka tumingin sa dinaraanan mo para hindii ka natapilok? Bakit hindi mo nilagay sa safe na lugar ang pera mo para hindi ito nawala? Bakit hindi ka nagdala ng payong para may magamit ka kung sakaling umulan?

O sabihin na rin nating may mga nangyayari talaga na wala sa hinagap mo na mangyayari, or yung out of your hand---pero nangyari pa rin.

Kung pabor sa'yo ---swerte ang tawag mo. Pero kung kabaliktaran at pangit ang epekto ---malas naman ang term mo.

Eh bakit kaya hindi natin subukan tingnan ang mabuti at magandang pwedeng idulot nito?

Sabi nga nila, look at the bright/ brighter side.

Hindi natin alam, baka sa pagka-sprain ng ating mga paa, makikilala natin ang ating prinsipe na tutulong sa atin para makatayo ulit. Na sa pagkawala ng ating pera, yun pala mananalo tayo sa isang raffle promo na ang katumbas ng  napanalunan mo ay  triple pa ng halagang nawala sa'yo.

At kaya ka nabasa ng ulan ay---teka, wala akong maisip. Just leave it like that. Siguro, malas ka nga lang talaga.

At bakit nga ba ako nakarating dito? Ah, oo nga pala. Friday the 13th nga pala ngayon.

Para sa akin, normal na araw lang naman. Like I said, araw-araw naman akong minamalas at sumasablay. Wala namang bago doon.

So far, smooth sailing naman.

Or so I thought....


x DAY 1 - WRONG SEND x


"Sabi nya mahal nya ako, pero wala pang sampung minuto mula ng sinabi nya yun, may kalampungan na naman syang iba."

Haaaay. Ito na naman.

Same dilemma...

Same dramas...

Different girls....

One guy.

Parang konti na lang, memoryado ko na ang linya nila.

Napapailing na isinara ko ang librong binabasa ko at inayos ang salamin sa mata ko. Saka ko kinuha at ininom ang Cookies and Cream Frappuccino na inorder ko habang nakatingin sa kabilang table ng grupo ng mga girls na may kasamang nag-e-emote na kaibigan.

Sa araw-araw na pumupunta ako sa coffee and pastry shop malapit sa school namin, wala na akong ibang narinig kundi ang ka-dramahan, iyakan, selosan at kung anu-ano pang ka-echosan ng mga babae from our school referring to one particular guy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Day WithWhere stories live. Discover now