"Magandang Buhay"

6K 270 40
                                    


Panay ang tulo ng sipon ng batang si Nene habang iika-ikang binubuhat ang kanyang dalawang malaking timba na puno ng tubig.
"Bilisan mo naman!"
"Um!" ang sabi ng kanyang kasamang mas bata pa sa kanya kasabay ang isang malagatok na pagbatok. Halos yumuko ang kanyang ulo sa lakas nito ngunit di nya naman iyon pinansin,sanay na rin kasi sya sa ganoong gawa sa kanya.

Sandaling huminto. Pinahid ang kanyang uhog na halos sumalo na sa kanyang sabukot na buhok.

Si Nene ay alaga ng kanyang Tiya Maya mula musmos pa lamang,dahil sa walang anak ay nagustuhang ampunin ito mula sa kanyang madrasta. Iniwan kasi sya ng kanyang ama rito at di na muling binalikan. Sa tagal ng kanyang pagtira sa kanyang nakamulatang pamilya ay ni di nakaramdam ng magandang trato sa kanya,sa dahilang sya raw kasi ay anak lamang ng kanyang ama sa ibang babae kung kaya at walang karapatang makasalo nila sa buhay. Halos isuka sya ng kanyang pamilyang kinasanayan at dahil sa musmos pa lamang at wala pang isip ay di pa nya alintana ang lahat. Hanggang sa dumating ang kanyang tiyahin at pilit ng ibinigay rin sa kanila.

Sa umpisa ng kanyang pagpisan sa kanyang tiya ay maayos pa ang lahat. Hindi naman nakakaluwang sa buhay ngunit sumasapat rin ang lahat para sa kanila. Ngunit nagbago ang lahat ng magsimula ng magkaroon ng anak ito,nagmistulang balewala na sya at ang lahat pa ng gawain sa bahay ay kanya. Nagsimula sa isang batang babae at nasundan pa ng nasundan,hanggang sa inabot ng apat ang kanya ng inaalagaan. Ilang taon rin ang lumipas at ganito ang kanyang buhay. Kung minsan nga ay nagagawa pa nila syang maltratuhin kapag may isang nasaktan at umiyak lamang sa kanyang mga alaga. Dumating rin ang panahon na di na nya nagawang makapag aral dahil sa madalas ay mag asikaso na lamang sa kanilang lahat,maging ang kanyang mga sinusuot na damit ay yun at yun na lamang. May mga ibang nahahabag at nagbibigay ngunit dahil nga sa dami na nila ay wala ng nakakarating pa sa kanya.

Kahit ni minsan ay di nya nagawang magreklamo sa mga ito. Sapat at maligaya na syang may pamilyang natatawag kahit pa sila ay may kalupitan sa kanya. Ngunit minsan naman ay nananaig pa rin sa kanyang tiya ang pagmamahal na bukod tanging para lamang sa kanya.

Linggo ng umaga.

Ginising ng kanyang tiya si Nene ng maaga dahil raw sya ay may bisita. Pagbangon nya at pagsilip sa mga ito ay nakita nya ang dalawang mag-asawang nakabihis ng magaganda. Nagtaka sya kung sino ang mga ito.
"Tiya..sino po sila?" kanyang tanong sa tiyahin.
"Magbihis ka na Ne at sasama ka na sa kanila.." ang sagot naman nito.
"Sa--sasama?! Ba--bakit po tiya?! Saan po kami pupunta?!" gulat at nagtatakang tanong nya.
"Wag ka ng magtanong Ne! Di ba gustong gusto mong mag aral? Ipinaampon na kita sa kanila Ne.." muling tugon ng kanyang tiya.
Di nakapagsalita pang muli si Nene ng marinig nya ang salitang pag aaral. Muli nyang tiningnan ang kanyang tiyang nakatalikod na sa kanya at..
"Pero tiya! Mas maraming turon ang ititinda ko para mas marami tayong pambiling bigas?!" garalgal na sambit nito.
Hinarap sya ng kanyang tiya at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.
"Ne...naaawa kasi ako sa'yo..gusto mo mag aral ngunit di kita kayang pag aralin,at ang isa pa ay lumalaki na ang aming pamilya at di na kita kaya pang isama sa pagpapakain sa kanila...mahal kita Ne kaya gusto kong maranasan mo ang magandang buhay...sana maintindihan mo ako.." umiiyak na paliwanag sa kanya ng kanyang Tiya Maya.

Pagtapos ng lahat ay sumunod rin si Nene. Naligo na sya at nagbihis ng pinakamaayos nyang damit. Pagtapos ay di na rin nagtagal at inakay na sya ng kanyang tiyahin upang ihatid sa kanyang mga magiging bagong magulang. Pagkakuha sa kanyang kamay at di na sya muling lumingon pa sa kanyang Tiya Maya. Wala syang ibang nararamdaman kung'di lungkot dahil sa kanyang paglisan. Nakapila ang kanyang mga alaga habang nakatanaw sa kanya sa pintuan. Sinimplehan nya ito ng tingin,malungkot rin ang mga kaway nila kahit pa nakangiti ang iba. Pagsakay sa kotse ay lumuha na sya ng lumuha.
"Hm..hm..Mahal na mahal ko kayo tiya..Hu-hu.." ang kanyang malungkot na sabi sa sarili.
At tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang kanyang mga alaga.

Magandang Buhay (One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon