Tuluyan na akong naiyak, I don't know what to do. Once I opened and used this, there was no turning back.

"Relax lang babub.." Napahilamos siya sa mukha "Please kumalma ka muna. Wag kang umiyak. Hindi pa nga natin nakikita 'eh. Let's wait for the result first."

I nod my head and wipe my tears "I..I'll try."

"Sige, I'll be with you. Hindi kita bababaan. I'll wait for the result, let's see the result together."

***

K E N T

Ngayong araw lang ako pinagpawisan at kinabahan ng ganito. Mas malala pa ito sa exams ko. Hindi ko kayang makitang umiiyak si Gabriella.

Hayy. Napahilamos ako sa mukha habang hinihintay siyang mag appear sa screen.

Pumasok na sa isip ko ang ganitong bagay, pero hindi ko inaaasahan na baka mangyari ng tuluyan. Hindi kami naging maingat ni Gabriella, isang beses lang iyon, pero kagustuhan namin pareho ang nangyari.

"Kent."

Pilit akong ngumiti sakanya "Okay na? Nagawa mo na?"

Humihikbi siyang tumango at ipinakita saakin ang pregnancy test na nasa palad niya.

"Okay sige, tingnan natin pag bilang ko ng tatlo ha?"

"Okay."

"Three...two...one..."

Pareho kaming nanahimik sa nakita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pareho kaming nanahimik sa nakita. Napaupo siya ng tuluyan, gayundin ako sa tinatayuan ko. Ilang sandali ay narinig ko na ang pag iyak at hikbi niya.

"Oh my god."

"Gabriella." Tawag ko, paulit-ulit niyang tinitingnan ang tatlong pregnancy test na lahat ay may dalawang guhit. Napapikit ako "Gab.."

"Kent.. Kent, what are we going to do? Kent..." Nag simula na siyang mag panic. Ako naman ay nakatulalang nakatingin sakanya. 

"Gab, tama na. Kailangan mong kumalma. Wag ka nang umiyak. Shh."

Agad niyang ibinaba ang tawag. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot.

"Hoy! Ano?! Miss na miss?! Gutom nako Kent!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak sa harap ni Hens.

"Hoy, hala, bakit ka umiiyak?! Hoy!

Wala na ba kayo?

Sabi na 'eh.. Wala talagang tumatagal sa LDR!"

Kwinelyohan ko siya "Gago ka, magiging tatay na ako."

"Kaya nga kayo pa...joke lang yu--..ANO?!"

Tinulak niya ako palayo "Gago ka ba Kent?! Bakit ka nag loloko kay Gabriella! Gago ka ba?! Kuya niya ang nag papaaral satin tapos mambubuntis ka ng iba?!"

Runaway Dad (Under Revision)Where stories live. Discover now