Nurse

44 0 0
                                    

Isang panibagong araw na naman ang dumating, kaagad akong nagbalikwas sa pagkakahiga sa kama at punagmasdan ang paligid ng aking silid tulugan, nag unat at nagmamadaling tinungo ang banyo para maligo. Isang araw na hindi na kakaiba para sa akin, isang araw na alam kong nakakapagod at isang araw ng aking muling paglilingkod.

Mabilis kong inayos ang sarili suot ang kulay putinh uniporme na nagpapakilala sa totoo kong pagkatao. Bumaling ang aking tingin sa aking Ama at Ina at mga kapatid, ngumiti ako sa kanila at kapagdaka ay nagdiretso na akong umalis.

Madami na naman ang mga nagpapagamot, sabagay Hospital lang naman ang pangumahing lugar na kahit kailan ay hindi nawawalan ng tao. Mas pinili kong magtrabaho sa isang pampublikong Hospital, kahit na alam kong hindi ito gusto ng aking mga magulang. Mababa daw ang sweldo at kulang pa daw sa pang araw araw na gastusin. Wala naman akong pakialam, mga bagay na pianghandaan at pinag isipan ko dahil alam kong mas madami ang nangangailangan ng pag aalaga sa ganitong klase ng Hospital.

 Wala naman akong pakialam, mga bagay na pianghandaan at pinag isipan ko dahil alam kong mas madami ang nangangailangan ng pag aalaga sa ganitong klase ng Hospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa umaga pa lang na pagsisimula ng araw ay tambak na ang mga trabahong ibinigay sa akin ng mga Doktor na nadatnan kong katatapos lang bisitahin ang mga pasyente. Madami ang nakaconfine at alam kong madami din ang kailangan kong pagsilbihan. Sa puso ko ang palaging nakalaman sa kaibuturan nito ay ang salitang Pagkalinga. Hindi ko maipapagkakaila na minsan ang pag suko ay nararamdaman din ng katawan sa kadahilanang napakatindi ng pagod at puhunan talaga ang sariling kalusugan. Pero ang bawat daing ay naiinda ko dahil mas iniisip ko ang mga taong humihingi ng tulong, nakikita ko ang pagdurusang dinadanas ng bawat mga pasyenteng nakaratay sa higaan.

Takot akong makasaksi ng kamatayan noon, ngayon ay unti unti na akong nasanay. Noong una umaagos pa ang luha ko sa tuwing masasaksihang pinipilit ng mga Doktor na na agapan ang nalalapit na kamatayan ng mga pasyente. Iniisip ko na lang na ang mga pasyente na namamatay ay masaya an ding hinahanap ang sarili sa piling ng Diyos na lumikha sa bawat isa sa kanila. Mahirap para sa kalooban ko na makasaksi ng ganitong klase ng sitwasyo, nahihirapan din akong tanggapin ang pagkawala ng mga taong napamahal na sa akin kahit sa maikling panahon lamang. Alam ko naman na trabaho kong mag alis ng sakit ng katawang pisikal, sakit sa kalooban at kaluluwa.

Habang lumilipas ang bawat, madaming mukha ng mga tao ang nakikita at nakakasalamuha ko, merong galit at meron ding matatalas ang dilang nagmumura sa akin na halos magtalsikan na ang laway nila sa harapan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang lumilipas ang bawat, madaming mukha ng mga tao ang nakikita at nakakasalamuha ko, merong galit at meron ding matatalas ang dilang nagmumura sa akin na halos magtalsikan na ang laway nila sa harapan ko. Hindi sila marunong mahiya sa mga ibang nakakarinig, napapabuntong hininga na lang ako ng malalim, nasanay na din ako kahit ang sakit ay tumatagos sa puso ko. Noong una, kapag nakakarinig ako ng mga masasakit na salita galing sa mga kamag anak ng mga pasyente ay gumaganti pa akong nananagot, hindi pala yun ang dapat gawin.

Sulat KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon