CHAPTER 71: ERWANN THUNDER

Start from the beginning
                                    

*

Nailipat na sa private room si Sky. Earth requested it. Nasa room na rin ang iba. Including, Lance and Gabby, Summer and Drei, Dana and Cedie, and Finn and Jake. Nagkekwentuhan sila nang magising si Sky.

"Hey, Wife." Si Earth agad ang nakita niya pagmulat pa lang niya ng mata. He's genuinely smiling at her.

"Hey." She softly said.

"How are you feeling? Do you want something?"

"Okay lang ako. May pagkain ba, nagugutom ako e." She said.

"Congratulations!!" She heard the girls saying.

"Aish, be careful naman baby girl!" Narinig nilang sabi ni Lance. Kabuwanan na rin ni Gabby ngayon. Remember, parehas nilang nalaman na buntis sila pareho.

"Congrats! Nanay ka na! Yey!" Sabi ni Finn.

"Congrats! May baby boy nanaman tayo." Sabi ni Dana.

"Congrats! Ako na susunod. Wait mo ko." Sabi ni Gabby na ikinatawa nila.

"Congrats! May makakalaro na si Paris." Sabi ni Summer.

"Congrats!" Parehas na sabi ng mga lalake.

"Oh, tol. Kailan mo uli balak sundan?" Tanong ni Lance. Binatukan ito ni Gabby. "Hindi ka makakaulit, tingnan mo!" Sabi ni Gabby dito. They all laugh.

"Congrats tol, nakalalake ka ha? Ipamana mo na agad yung kumpanya niyo nina Cloud. Maghati na sila kamo ni Apollo." Sabi ni Cedie.

"Akalain mong naka-three points ka? Iba ka! At lalake pa. Baon na baon, pre?" Sabi ni Drei. Earth lightly punches Drei's shoulder before saying, "Gago ka."

"Congrats, brad. Sana makalalake rin ako agad." Sabi ni Jake. All of them looked at Finn. Finn raises her brows and said, "What? Bakit sakin kayo nakatingin? Malandi yan e!" Pointing her finger to Jake.

"Hi, guys!" Saktong kababalik lang uli ng mag-asawang Hera at Cloud. Kasama na rin nito ang kambal.

"Tita! I already saw your baby boy! Ang cute niya! Di ba, Apollo?" Artemis said to her while giggling.

"Oo nga, Tita! Ang tambok ng pisngi niya! Parang pandesal!" Sang-ayon ni Apollo sa kakambal.

"Asan na nga ba ang baby boy?" Tanong ni Cloud. Lumabas naman si Earth para tumawag ng nurse.

Looks like they were having a pizza party in the hospital's private room. Sa totoo lang, ang laki ng kwartong kinuha para sa kanya ni Earth. Akalain mong nagkasya ang anim na pairs, plus the twins? Spacious!

"Ala! Ang cute niya!" Narinig nilang sabi ni Dana.

"Ang tambok ng pisngi! Ang sarap kagatin!" Sabi ni Finn.

"Ang gwapo niya. Oo, agad na!" Sabi ni Gabby.

"Boy he really got fluffy cheeks!" Sabi ni Summer.

Binigay ng nurse ang baby sa kanya. And damn, parang sasabog ang puso niya nang mahawakan na niya ang anak nila Earth.

"So, anong pangalan?" Tanong ni Hera. They were all quiet, parang inaantay talaga ang sagot niya.

"Erwann.. Erwann Thunder." She smiled to them. Saktong nagtaas ng kilay ang baby nila na parang sumasang-ayon sa pangalang ibinigay.

"Kainis! Akalain mong may sweet side ka pala, e ang amazona mo kaya!" Sabi ni Gabby sa kanila.

"Batuhin kita dyan e." Ganti niya rito. Everyone is smiling at her. Sunod sunod na nagsilabasan ang mga ito. It was like, giving them a privacy.

"Thank you." She heard Earth to her.

"Thank you para saan?"

"You even named our baby the same as mine. We both now sharing the first name of 'Erwann.'" Saka lang niya napansin na teary eyed na pala ito.

"Syempre, ganun talaga. Mahal kita e." She said.

"Thank you and I love you so much, Wife." Earth kisses her forehead.

"Kainis. Kinikilig ako." She chuckled.

"Hi there, little buddy. Salamat at di mo masyadong pinahirapan ang mommy mo. Maski nung naglilihi pa lang sayo. Hindi ka ba napurga sa kakakain niya ng peach mango pie? Mula umagahan hanggang hapunan yun." Earth laughs. Dala dala na nito ang baby nila.

"So, what should we call him?"

"Kulog. Tutal, Thunder naman ang second name niya e." Sky laughs.

"Why Thunder, Wife?"

"Thunder forms in the sky and lands on earth. I put Erwann, kasi wala na akong maisip." She pauses and laughs. "Hindi, joke lang. I think Erwann suits him also. Like the way your name suits you." She smiled at him. He nods.

"Kilig yan!" She teases him and he just laughs.

Earth presses his lips against her. "Thank you, Wife. I love you so damn much."

"I love you, too."

"So kailan uli pwede?"

"Huh? Anong kailan pwede?"

"Maka-three points?"

"Erwann Timothy!" She yelled. Iba talaga tumiming ang asawa niya sa pagsasabi ng mga ganun. It's when the least she expected it coming from him.

----------------------------------------------

Tadaaaa! Eto na ang Chapter 71! Pasensya na't nagupdate ako kanina pero inunpublished ko uli, dahil hindi pa tapos ang story. Haha! Sorry uli!

So, magkabirthday kami ni Kulog? Hahaha!

Salamat nga pala sa mga messages niyo, nakaka-flatter! Gandang birthday gift! Hihihi.

Happy 2 decades for me! :D

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now