LG.7

80 9 0
                                    

Kinabukasan, after the deals settled.

Alex didn't missed the chance of surprising her. Pinangatawanan talaga nito ang pagiging boyfriend sa kanya.

Nagtataka pa nga ang ilang empleyado niya including Timmy kung bakit bigla biglaan na lamang ang pagiging sweet ni Alex sa kanya. Parang noong nakaraang araw lang ay sobra ang pagkakailang nilang dalawa sa isa't-isa.

Ngayon ay narito ulit ito sa shop niya at may dala na namang boquet para sa kanya.

"For you sweetheart." nakangiting saad ng binata sa kanya.

Kinuha niya ang bulaklak ngunit agad niyang inilayo ito sa kanya. Nagtaka pa ang binata sa naging kilos niya.

"You don't like the flowers?" nakakunot noong tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagkadismaya.

She sighed at saka lumapit sa binata. Marahang hinaplos niya ito sa kaliwang pisngi.

"Hindi naman sa ganon love. You know, its just that I'm just allergic to flowers. Hay, marami ka pang dapat malaman tungkol sa akin." nginitian niya pa ito ng pagkatamis tamis

Hinawakan nito ang kamay niyang nasa kaliwang pisngi ng binata at agad na hinalikan ang likod ng palad niya. That gesture is kinda sweet. If they are not pretending, iisipin niyang sobrang sweet talaga nito at masarap maging boyfriend.

She can say that Alex is a perfect boyfriend material.

"I'm sorry. I didn't know. Next time I won't bring flowers anymore. Akala ko noon galit ka lang talaga sa akin kaya mo inapakan yung bulaklak na binigay ko sa'yo nung nagkita tayo ulit unexpectedly sa event mo. Yun pala allergic ka pala talaga."

Hinapit pa siya nito sa bewang. There's only a short distance between them.

"That's okay. Next time wag ng flowers ha." ikinawit niya rin ang braso sa leeg nito.

He smiled.

"Yes sweetheart. Eh ano na lang ang gusto mo?"

"Hmmm.."

Sandali pa siyang nag-isip bago sabihin ang gusto niya ng biglang sumingit si Timmy.

"Ahem--"

Hindi niya tuloy nasabi ang gusto niyang ibigay sa kanya ni Alex sa susunod.

"Masyado na ata kayong sweet niyan. Anong nangyari at nag-iba ang ihip ng hangin. Aber?!" sabi ni Timmy. Nagcrossed arms pa ito.

"Well, as you can see. I just missed my sweetheart so much." si Alex na ang sumagot kay Timmy.

Nangunot naman ang noo ng kaibigan na halatang takang taka pa rin sa pangyayari. She just smiled and let Timmy thinks. Saka na lamang siguro siya magpapaliwanag sa kaibigan. Bukod doon ay wala naman siyang balak sabihin dito na deal lang ang ginagawa nilang dalawa ni Alex.

Baka kasi once na malaman ito ng kaibigan niya ay baka kutusan lamang siya nito. Alam kasi nito na allergic na siya sa deal simula noon. Pero ano ngayon itong ginagawa niya at nakipag deal pa siya kay Alex.

"Oh siya sige na. Tama na muna yan at marami pa tayong tatapusing trabaho." si Timmy.

"Sige na. Let's just see each other later. Alam kong marami ka pang gagawin sa office niyo. Sige na po mister. Umalis kana." she said to Alex.

"Okay bye."

Hinalikan pa siya nito sa noo bago umalis. She just smiled at him and waved a goodbye.

***

"Dad you know, I'm busy."

Kausap na naman ni Alex ang ama sa telepono.

Napahilot na lamang siya sa sariling sentido. Hindi pa nga siya tapos sa ibang gawain ay may pakiusap na naman ang daddy niya.

["You can't say no son."]

Ito ang pinakaayaw niya sa part niya. As the son of a business tycoon, he can never say no. Dahil part na ng trabaho niya ang maging in-charge sa lahat ng bagay. Even the proxy thing.

Hindi niya tuloy masusundo si Aly dahil sa biglaang utos ng dad niya na magpatawag ng meeting. The whole company needs to have an overtime meeting. May importante na naman daw kasing client ang dad niya. Kung kaya't kailangan niyang imeeting ang mga empleyado regarding that matter.

Wala naman na sanang magiging problema kung hindi lamang nadelay ang flight ng daddy niya pabalik. Ito na sana mismo ang kakausap sa mga empleyado.

Iyon nga lang ay nagkataon na urgent, dahil bukas na ng umaga darating ang kliyente.

"Okay dad. I know what to do." he sighed.

["I'm sorry son. Babawi na lang ako pagkarating ko dyan. It's just that Mr.Fontanilla is a big client. We can't just missed this chance. Kaya kailangan makausap mo ang employees natin ng mabuti. We have to prove that we are capable of doing the job."]

"I know dad. Don't worry. I can manage."

After that he hanged up the phone. Then he decided to text Aly na hindi niya na ito masusundo dahil sa biglaang meeting. Babawi na lamang siya sa pretend girlfriend niya next time.

Nagreply naman ito kaagad and said okay. Sinabi rin nito na si Timmy na lamang ang kasabay nito pauwi.

***

"Sir parating na po ang daddy niyo." sabi ng kanyang secretary. Kung tutuusin ay secretary talaga ito ng daddy niya. Since he's the one handling the company for the meantime. Inatasan rin ito ng ama niya na maging sekretarya niya rin.

Eventhough the meeting finished late at night. Alex didn't fail to go to the office early in this morning.

Kailangan ay maaga siya dahil maaga rin darating ang client nila.

Laking pasasalamat niya ng paparating na rin ang daddy niya at ng sa ganon ay hindi niya haharapin ang kliyente ng mag-isa. Mahirap na at baka pumalpak pa.

He do manage the employees. Naorient niya naman ito ng maayos kagabi iyon nga lang ay iba pa rin kung andiyan ang daddy niya.

"Okay. That's good. Kumpleto na ba lahat ng kailangan?" tanong niya rito.

"Yes sir. Everythings ready."

Before he entered the conference room. He make sure that all the things for the presentation are ready.

A few minutes later. Dumating na nga ang kliyente nila. Kasabay na rin pala nito ang daddy niya.

The guy is wearing a suit like a rich bachelor. Hindi na siya magtataka kung bakit importante ang kliyenteng ito sa daddy niya.

Lumapit siya rito para salubungin ang dalawa. Agad naman siyang pinakilala sa kliyente.

"Son, I want you to meet. Mr. Marco Fontanilla. Our new client." 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon