8 Years... (Bestfriend) (One-Shot)

57 6 4
                                    

"Masarap magkaroon ng guy bestfriend." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Sabi naman nila, delikado daw dahil baka ma-in love ang isa sa amin at masaktan.

Tinawanan ko lang sila no'ng sinabi nila 'yun.

Pero no'ng nagkaroon ako ng guy bestfriend, do'n ko narealize na tama nga sila. Na delikado nga magkaroon ng guy bestfriend.

Cliché man at gasgas na love story. Na-inlove ako sa bestfriend ko.  At hindi ko inaasahan 'yun. Dahil kapatid ang turing ko sa kaniya. Pero no'ng nagkagirlfriend siya.

Do'n ko nasabi sa sarili ko na mahal ko siya. Higit pa sa kapatid or bestfriend. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko. Pero hindi rin nagtagal tinaggap ko na lang.

Ilang beses ko na ding naisipang umamin sa kanya... kaso lagi akong nakakaramdam ng takot at kaba.

Pinilit kong labanan ang mga nararamdaman kong takot at kaba. Pero kung kailan handa na akong umamin saka naman na wala siya.

Sabi niya may emergency daw siya. Nagkunwari na lang ako na okay lang sa akin, kahit na sa loob-loob ko ay nasaktan ako.

Sobrang sakit kaya. Umasa kasi ako na darating siya. Tutal malapit lang naman ang bahay niya sa park na pinuntahan ko.
Pero nagkamali ako. Hindi pala siya darating. Ang sakit palang umasa.

Since that day, hindi na kami nagkaroon ng chance na makapagkita or makapagusap.
Minsan lang. At ang minsan na 'yun ay sandali lang. Nakalimutan ko din naman ng panandalian ang nararamdaman ko sa kaniya dahil naging busy ako sa finals namin.

But not until weekends.. I was at home at nagpapahinga lang ako.
Pinapahinga ko ang utak ko dahil sa sobrang stress niya sa finals.

Nang biglang magring ang phone ko. 'Yun pala si Best friend ang tumatawag. Nag-aaya na makipagkita.

Kahit na nagtataka ako kung bakit gusto niyang makipagkita sa 'kin dahil gabi na no'n, pinuntahan ko pa rin siya. Sa park kung saan ko siya hinintay dati. Noong aamin na sana ako.

Hinanap ko siya no'n sa buong park pero hindi ko siya makita.
Hanggang sa makarecieve ako ng text galing sakanya.

May emergency daw kaya hindi siya nakarating. Nakaramdam nanaman ako ng sakit. Gustong gusto ko siyang pagalitan. Gusto ko siyang sigawan. Sabihin na napaka-paasa niya. Pero hindi ko rin nagawa.

Paasa? Who am I kidding? Ako lang naman ang nag-papaasa sa sarili ko eh.

Dahil umaasa akong mahal niya din ako. Na parehas kami ng nararamdaman. Kaso naalala ko... may girlfriend na nga pala siya. At mahal na mahal niya pa.

Umuwi na lang at nagkulong sa kwarto ko. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko.

----

8 years passed... but I'm still in love with him.

8 years passed... I still love him. And it got deeper.

8 years passed... they're still together.

8 years passed... Hindi parin ako umaamin sakanya.

8 years passed... paulit ulit parin akong nasasaktan.

And 8 years passed... ikakasal na sila ng girlfriend niya.

THE END...

A/N: Hi! :)) thank you for reading my 2nd one-shot story! :))

VOTE if you like it.

COMMENT para malaman ko ang feedbacks niyo sa story ko :DD

8 Years... (Best Friend) (One-Shot)Where stories live. Discover now