"Pau! Nakita ko! Namatay siya!"

"Ha? Ano?"

"Pau! Baka wala na siya! May mga sugat ako, totoo yung nangyari! Tapos wala na siya!"

"May sugat ka? Anong nangyari? Teka, ayos ka lang ba? Anong sugat yan?"

"Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam paano nangyari!"

"Teka, baka naman kelangan ka na dalin sa ospital!"

"Pau, sige tawagan ko lang si Goyong."

"Teka Mi--"

Binabaan ko si Pau para gawin na agad ang suggestion niya.

"The subscriber cannot be reached---"

Napaupo ako sa kama at natulala saglit. Wala, pati ang cellphone number niya, hindi na rin ma-contact.

Nasaan ka Goyong?

Kahit sobrang realistic ng pakiramdam ko nuong oras na yon, mas nanaisin kong paniwalain ang sarili ko na panaginip ang lahat at hindi ako napadpad sa taong 1899 para lang makita kung paano namatay ang lalakeng pinakaimportante sakin. Pero wala talaga si Goyong at di ko alam anong gagawin ko para mahanap siya. Kung hindi yun totoo, ano ang mga sugat na ito? Nag-sleepwalk ba ako kagabi at naaksidente lang ako? Ang galing ko naman na nagawa ko pang talian ng tela ang sariling sugat habang tulog! O may ibang taong nagtali nito sakin? Tatawag nalang ba ako ng pulis? Hindi pwede, pagtatawanan nila ako pag sinabi kong nawawala si General Gregorio Del Pilar dahil alam nilang higit sa isang daang taon na nuong namatay siya. Baka dalin lang nila ako sa mental kapag ginawa ko yun! Pero parang mas ok din yun option na yon- dalhin na nga nila ko sa mental dahil malapit na akong masiraan ng bait.

Naglakad ako ng dahan-dahan papasok ng banyo. Pag-tapat ko sa salamin, nakita ko ang babaeng nakaharap sakin na mukhang haggard, may dumi ang mukha at ang damit ay may putik at dugo. Hindi ko na ata siya kilala- hindi ko na alam kung sino ako at kung bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi ko ma-explain kung bakit alam kong ako parin si Miho Huang, pero parang hindi na. May feeling na ang kalahati ng kung sino ako ay naglaho at ngayon, pagmamay-ari na siya ng iba --o baka lang nasisiraan na talaga ako. Maliban pa sa sugat sa binti ko at tuhod, ngayon ko lang na-realize na pati ang palad ko rin pala ay may bahid ng dugong natuyo na hindi ko napansin agad-agad kanina dahil sa sobrang taranta. Naalala ko na ito rin mismo ang kamay na ipinanghawak ko sa leeg ng Heneral. Nanlamig ako at nakaramdam ng matinding sama sa sikmura na parang gusto kong ilabas lahat ng nasa loob ng katawan ko. Napaupo ako sa loob ng banyo at sinubukang kumalma- inhale, exhale.

Naiyak ako- humagulgol ng malakas dahil parang mabibiyak ang puso ko sa loob sa sobrang sakit, na dinagdagan pa ng gulo sa isipan na parang paghihiwalayin ang left and right hemispheres ng utak ko. Sinubukan kong tumayo uli at dali-daling hinanap ang lalagyan ng gamot. Wala akong balak uminom ng pampakalma pero ngayon, desperado na ako. Kinuha ko ang baso sa mesa, pero sa sobrang panginginig ng katawan ay di sinasadyang nabagsak ko ito sa sahig. Lumuhod ako at hinawakan ang isang malaking piraso ng bubog at nasugatan ko ang sarili ko. Tinitigan ko ang palad ko na dumugo, ang pulang lumabas mula sa hiwa ay naghalo sa natuyong dugo ng Heneral.

Tinignan ko ang mga bubog sa sahig at kung hanggang saan ito kumalat- umabot hanggang sa ilalim ng kama. Pagdating ng mga mata kong naglakbay sa tabi ng higaan, may napansin akong gamit na ngayon ko lang uli nakita. Tumayo ako, nilapitan ito at kinuha.

Ang itim na notebook ni Goyong!  Anong ginagawa nito sa sahig?

Napansin ko agad ang isang folded paper na nakaipit sa may gitna at ito ang una kong binuksan.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now