IV

3.6K 165 65
                                    

"Saglit lang, Goyong," sabi ko sa kanya.

Bigla kasing tumunog ang cellphone ko. Si Pau pala ang tumatawag. Wow, finally, naalala niya akong kamustahin!

"Huy, Pau."

"Kamusta si Heneral?" bungad niya sa'kin.

"Ayos lang."

Si Goyong pala ang kinamusta imbis na ako.

"Ayos lang?"

"Kailangan ko ng tulong mo."

"O sige. Pero Miho, tingin mo mapapagkatiwalaan natin siya? Well, alam ko naman na iniligtas niya tayo, ah at medyo hot siya, pero kasi... Di kaya 'yan modus operandi?"

"Bahala na. Okay lang naman mamatay."

"Baliw!"

"Una, samahan mo kaming mamili ng damit niya."

"Okay.... Tapos ano 'yun ikalawa?"

"Next time na. Stand by ka muna, okay?"

"Okay. Teka, saan ka kumuha ng brief?"

"Disposable undies meron ako. Bwisit, yan talaga gusto mo malaman?"

"Joke lang, friend," sabay tawa niya. "Ito naman, 'di mabiro."

---

"Ano iyan, Binibini?" Pinagmasdan ni Goyong ang hawak kong cellphone.

"Ah ito? cellphone ang tawag dito. Parang telepono na pwede mong dalhin kahit saan-- pwede ka tumawag o magpasa ng mensahe. Sa panahon ngayon, bawas na ang mga taong gumagamit ng sulat para maiparating ang mensahe nila sa mga mahal nila sa buhay o sa kahit sinong importanteng tao na kailangang makausap. Mas mabilis kasi pag ginamit ito.  Pakiramdam ko, kung dati pang meron nito, madaming plano na ang mabilis na nagawa at maraming magkasintahan ang nagkatuluyan. Meron pa akong isang ganito, ipapahiram ko sa'yo. Tuturuan din kita kung paano gamitin."

"Lahat ba ng tao ay gumagamit niyan sa kasalukuyan?"

Kita ko ang malaking interes sa kanyang mukha.

"Karamihan. Tinawagan pala ako ni Pau. Bibili tayo ng mga damit mo, ha? Eh kasi hindi pwedeng parati 'yan ang susuotin mo. Medyo masikip 'yan eh. Baka ikamatay mo pa 'yang hoodie ko."

"Andami mong gastusin ngunit wala pa akong ipapambayad. Malaki na ang utang na loob ko sayo. Hindi ko hahayaan na mahirapan sa kung ano mang paraan ang isang binibini para lamang sa aking kapakanan. Maari bang ito na lamang muna ang aking pansamantalang ipambayad?" ang tanong niya bago iabot ang isang gold watch at diamond ring sa'kin.

Ano ako, Tambunting?

"Ano ka ba, 'di ko yan matatanggap no! Okay lang, promise."

"Kung ayaw tanggapin ng binibini, may isa pa akong plano." At nakita ko na naman ang pilyo niyang ngiti.

"Iaalay niyo po ba ang buhay ninyo para sakin, Heneral?"

"Maghahanap ako ng trabaho."

Oo nga naman, hindi naman niya i-a-alay ang buhay niya para sa'kin. Napaka-feelingera ng dating ng joke ko!

"Eh, may dala ka bang katibayan ng kapanganakan, Ginoo?"

Natahimik si Goyong. Sa totoo lang ambilis ko nakaisip ng paraan, pero pinigilan ko lang lumabas sa bibig ko na 'Sa Recto, pwede tayo magpagawa.'. Kung dadaanin sa honesty, makakakuha ba naman kami ng Birth Certificate sa NSO na ang nakalagay na taon ay 1875?

Imposible.

"Wag mo muna 'yon masyado problemahin. Ako na munang bahala. May trabaho naman ako. Kaya 'yan! Alam ko iniisip mo... Iniisip mo nakakahiya kasi babae ako tapos ako yung nagsasabi ng ganito."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon