"W-wala 'to. May naisip lang. S-sige, una na ako," bulong ko at tumalikod.

"Sandali!" narinig kong sigaw niya kaya huminto ako. Pero hindi ko siya nililingon dahil natatakot ako.

Natatakot akoNG baka 'pag nilingon ko siya ay mayakap ko siya nang mahigpit at iiyak sa kanya ang mga problema ko.

"'Pag kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako," mahina niyang sabi kaya napahagulhol na ako.

Nilingon ko siya at sinugod ng yakap. Naramdaman ko naman ang pagganti niya ng yakap sa akin at ang paghimas niya sa likod ko.

"Sige, iiyak mo lang. Mawawala rin 'yan," bulong niya sa akin at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito...

Ngayon ko lang naramdamang may kasama ako at masasandalan.

***

Medyo lumuwag ang pakiramdam ko pagkatapos kong iiyak kay Jayred ang problema ko.

Sabado ngayon at walang pasok. Kagigising ko lang nang tumunog ang cellphone ko.

From: Ate Addisson

Meet me at the nearest café now. I need your help, Ali.

Recieved: 11/14/2015

Nagmamadali akong umibis sa kama at nag-ayos ng sarili. Kahit naman hindi maganda ang trato ng Ate sa akin ay kailangan niya pa rin ng tulong ko.

Agad akong sumakay ng taxi at huminto sa pinakamalapit na café. Madali ko naman siyang nakita kaya nilapitan ko agad siya.

"Ate," naibulong ko na lang nang makita ang itsura niya. Bakit may pasa siya?

Hindi siya kumibo at sinenyasan akong umupo sa harap niya.

"I need your help, Ali. Kailangan kong pumunta sa ibang bansa at doon tuparin ang pangarap ko," naiiyak na saad niya nang makalapit ako sa kanya.

"Ano ba ang magagawa ko, Ate?" Naiiyak na rin ako dahil naaawa ako sa sitwasyon niya.

"Alam kong alam mo nang pinababantayan ni Papa ang mga airports kaya please gumawa ka ng paraan." Humahagulhol na siya at halos lumuhod na sa harapan ko.

Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko kahit na hindi ko alam kung paano ako makagagawa ng paraan sa problemang ito.

"Salamat, Alisson. Maraming salamat," aniya at nagmamadaling umalis.

Paano na ito?

Umuwi ako ng bahay na laglag ang mga balikat. Paano ko ba matutulungan ang kapatid ko?

Pumasok bigla sa isip ko si Jayred. Magpatulong kaya ako sa kanya?

Pero alam kong hindi rin siya papayag sa pag-alis ni Ate dahil saksi ako sa pagmamahal niya rito.

Pero maiintindihan naman niya siguro?

Kaya lang ay magagalit ang Ate 'pag nanghingi ako ng tulong sa iba...

***

Nagising ako nang bigla namang nag-ring ang cellphone ko sa gitna ng aking pagiisip.

"Hello?" halos walang boses na lumabas sa aking bibig.

"Ali..." Para naman akong pinako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses na iyon.

"Jayred," bulong ko. Anong kailangan niya?

"Ali, let's talk. Meet me at the park. Please." Paos ang boses niya nang sabihin iyon.

Nagmamadali akong nag-ayos at pumunta sa park.

Nadatnan ko siya roon na tulala kaya nilapitan ko agad siya.

"Jayred," bulong ko. Nilingon naman niya ako at bahagyang ngumiti. Not his usual smile. Pilit na ngiti lamang iyon. Ni hindi umabot hanggang tainga.

"Bakit hindi mo sinabing nawawala ang ate mo?" mahina niyang tanong sa akin at itinuro ang upuan sa gilid niya.

Umupo ako ro'n at yumuko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil una sa lahat ay ako ang kasabwat ni Ate.

"Sorry," mahinang saad ko. 'Yon lang naman ang kaya kong sabihin ngayon.

"Alam mo rin bang itutuloy pa rin nila ang kasal? At ikaw ang ipakakasal sa akin." Tulad kanina ay malayo lang ang tingin niya.

Bahagya akong tumango. I can't even utter a word. I'm very weak.

This time ay nilingon na niya ako. By the look in his eyes, malungkot ito at nakikiusap.

"Alam kong pareho nating ayaw na matali sa isa't isa," mahina niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

Pinapalakas ng mga hawak niya ang loob ko.

"Mali ka, Jayred," usal ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"Mahal kita." Ang mga salita lang na iyon ang lumanas sa bibig ko.

Napaawang ang bibig niya at bahagyang umiling. Napatayo na rin siya.

"No. It can't be! Mahal ko ang ate mo!" Halatang nahihirapan siya sa mga sinasabi niya.

"Alam ko." Nagsisimula nang mag-ulap ang aking paningin sa mga naririnig mula sa kanya.

"Hahayaan mo naman akong maging masaya 'di ba? Hindi ka naman papayag na maituloy ang kasal 'di ba?" Nilapitan niya ulit ako at halos maglumuhod na.

Nag-uunahang tumulo ang luha ko. Napatango na lang ako kahit labag sa loob ko.

"Salamat, Alisson," aniya at umalis na.

LEGENDARIE

Don't look Back Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt