Letting go.

259 8 0
                                    

Ate yaya:

nakaset na yung swimming namen hindi sa pool sa bahay kung hindi sa beach haha. para naman malibang si sir Mac. nagpaalam na kami sa mommy at daddy nya okay naman sakanila dahil alam nila pinagdadaanan ni sir pogi. walang alam si sir na aalis kame kaya paggising nya dun palang namin sasabihin. ang astig ng pamamahala nila no? saan ka makakahanap ng bahay na yung mga kasambahay yung nagseset ng activity para sa mga amo niya. going back kay sir Mac eto gising na sya.


"goodmorning sir Pogi!" nakangiti kong bati sakanya.

"goodmorning pogi. kain kana." sabi naman ni tita mich nya.

"goodmorning din po. kayo po kumain na?" mejo walang ganang sagot ni sir dahil bagong gising at dahil siguro sa nangyare kahapon.

"oo kumain na kame. kain kana." sagot ni tita nya.

Mac:

Goodmorning! Thankyou Father God sa panibagong araw ng buhay ko po. Ginawa ko na yung morning routine ko at bumaba na ako at sinalubong ako ng mga masisiglang bati ng mga babaeng nagpapalakas ng loob ko. si Ate Yaya at Tita mich. Hindi naman ako makasagot sakanila ng masigla dahil hindi kopa ganon kakaya na maging masigla. Kumain na ako at paglipas ng ilang minuto natapos na akong kumain.


"anak? bihis kana punta tayong beach." mahinahong sabi ni tita.

"po? bakit po?" ang tanging naitanong ko sa gulat.

"para makapaglibang ka at makapagbonding tayo. Don't worry kinausap ko na yung boss mo sabi nya may bar daw sila sa beach na pupuntahan naten dun ka daw magdDJ ngayong gabe." sabi ni tita.

"osige po magaayos lang ako." tumayo na ako at pumunta ng room ko.


Naligo na ako at after 1 and a half hours natapos na ako. okay na din mga gamit ko dahil si ate yaya na yung nagayos ng mga dadalhin ko. I'm wearing plain black shirt,black pants,black shoes and my favorite black watch. Bumaba na ako at okay na din silang lahat kaya sumakay na ako sa sasakyan para daw makaalis na kame.


After 2 hours nasa beach na kame. lapit lang namin no? haha. Ayon ang aga pa. maaga kase kaming umalis ng bahay. Pumunta na kami ng Villa at pagdating namin don sinubukan kong tawagan si Pam baka sakaling magbago isip nya. Pero hindi ko sya macontact kaya naman nagtanong ako sa mga kaibigan ko kung nagpalit ba ng number si Pam. Oo daw nagpalit sya ng number at umalis na siya ng bansa. Kaya mahirap man tanggapin pero mukhang wala na talaga kaya Let Go na. Para makahinga naman at makasagap ng sariwang hangin lumabas ako at umupo sa isang bench malapit sa Villa kasama si Dash. Maya maya may lumapit na isang girl saken. Okay lang simple lang sya. Hindi ko pinansin kase baka nakiupo lang. Nasa tabi ko sya then nagsalita sya.

"hello." nakangiti nyang sabi saken.

"hi." ngumiti rin ako sakanya.

"ang ganda ng aso mo, tahimik nya no?" nakangiti parin nitong sabi.

"ah salamat."

"diba ikaw si Mac?" hindi talaga nawawala yung ngiti nya.

"ah opo bakit po? paano nyo po nalaman?"

"ikaw yung Dj na matagal ko ng gustong makita."

"ah bakit naman po?"

"kase ang astig ng mga advice mo at ang astig mo pa."

Searching for Love. Onde histórias criam vida. Descubra agora