Kylie's visit.

341 13 0
                                    

*Hi! I'm Kylie. 16 years old. Kapatid ko si kuya Bem at parang kapatid ko na din si Kuya Mac. Oo kuya tawag ko sakanya. Dun ako mas comfortable e. Nasa bahay nya ako ngayon nagpasama ako kay kuya kasi gusto kong humingi ng payo sakanya kasi napakagaling nya magpayo. malapit na nga din syang maging DJ nyan sa isang club e. andito na sya gwapo talaga ni kuya haha.

Mac:

nasa bahay na ako ng salubungin ako ni ate yaya. oo may kasama ko sa bahay, sila ate yaya, tita mich, kuya roy at mga guards sa bahay. ayoko kase pinaguusapan yung family ko nalulungkot ako kasi sila mommy at daddy nasa ibang bansa. anyways, bakit kaya nandito sa bahay si Bem.

" ate yaya sino daw po nasa loob?"

"ah si Bem pati yung kapatid nya."

"oh? bakit daw po?"

"hindi ko din alam e."

papasok nako ng bahay at naabutan ko nga sila Bem at Kylie sa sala.

"kuya Mac!" sabay kiss sa cheeks at yakap. Si kylie.

" oh ano na? napabisita kayo?"

"ah bro kasi tong si Kylie nigpasama, hihingi daw ng payo sayo. hindi na din kasi kinaya ng powers ko." pabirong sabi ni Bem.

" oh ano ba problema Kylie?" pinaupo kona sila para makapagusap kami ng maayos.

"ah kasi kuya mac, yung boyfriend ko e." malungkot na sabi ni Kylie at naluluha na din sya.

" oh ano resbakan na namin ng kuya mo? Bem tara na! handa mo yung sasakyan!" pabiro kong sabi para mapagaan ko kahit papaano yung nararamdaman nya.

" kuya mac naman e!" napangiting sabi ni Kylie pero bakas padin sa mukha nya ang lungkot.

"ow wait bro, uwi muna ako ah? iwan ko muna si Kylie, tawagan mo nalang ako sunduin ko nalang sya may gagawin lang ako." paalam ni Bem.

"sure! go ahead bro. ingat! "

"Kylie game what happened?"

"kasi kuya ganito, yung boyfriend ko diba alam mo naman na 2 years na kami nyan. akala ko matino sya, nung una siguro oo pero ngayon? almost 3 months nya na pala akong niloloko. hindi na nga kami lumalabas o nagkikita man lang. lagi nyang excuse busy daw sya, oo busy sya. busy sya sa iba nya. kuya ayokong sumuko kasi mahal ko talaga sya. mahal na mahal. ayokong iGive up nalang ng ganon ganon yung relasyon namin. kuya mac ano gagawin ko?" umiiyak na sabi ni Kylie sakin.

" Kylie, bata kapa. tapos maganda ka,mabait,matalino,masipag at mapagmahal. halos nasayo na e. hayaan monalang muna sya. sa una oo masakit at mahirap na pakawalan yung taong mahal mo , binago at pinasaya ang buhay mo. pero sa una lang yan ky' maaayos din ang lahat."

"pero kuya mac gusto kong bumalik sya saken. kahit nasaktan nya ako ng ganito mahal na mahal ko pa din kasi sya."

"sige eto nalang. pumili ka ha? Igive up mo sya kahit masakit sayo? o bumalik sya sayo pero kahit kasama mo sya iba ang laman ng puso at isip nya? diba mas masakit yung kasama mo sya tapos hindi naman ikaw ang mahal nya?"

"oo nga kuya tama ka. dapat ko na nga siguro syang pakawalan. alam ko hindi ganun kadaling magmove on pero anjan naman kayo ni kuya bem e. tutulungan nyoko diba?" mejo nakangiting sagot nito.

" oo naman ikaw paba? ayaw ka naming nakikitang nasasaktan at umiiyak ng ganyan ni kuya bem mo."

" salamat kuya mac!" nakangiting sabi ni kylie sabay yakap sakin.

Searching for Love. Where stories live. Discover now