Fever plus first...

264 10 0
                                    

Mac:

Goodmorning! ano oras na? sakit ng ulo ko at hindi ako makatayo. Nilalamig na din ako kaya naman tinawag ko si ate yaya dahil kahit anong pilit kong tumayo hindi ko kaya. Mukhang nilalagnat ako.

"ate yaya!"

agad naman ako narinig ni yaya at umakyat na sya papunta sa kwarto ko.

"oh sir napano ka? "

"ano oras na po? pakihinaan naman po yung air con hindi po kasi ako makatayo tapos ang layo pa nung remote."

"8am na sir. Ano oras po ba pasok mo?" habang hinihinaan yung air con.

"ha?! 7am pasok ko!" pinilit kong tumayo pero ng nakatayo ako biglang nagdilim yung panigin ko. kaya napaupo ulit ako sa bed ko sabay hawak sa ulo ko na ngayon ay sobrang sakit.

"sir ano po bang nangyare?" nagaalalang tanong ni ate yaya saka lumapit at hinawakan yung noo ko.

"ewan ko p-" hindi ko natapos yung sinasabi ko.

"sir! nilalagnat ka! ang taas ng lagnat mo."

"gaano po kataas ate? mas mataas pa sa bahay? haha." biro ko naman.

"naku! batang to nilalagnat na nakuha pang magbiro. jan ka tatawagin ko yung doctor mo." at bumaba na si ate yaya.

"okay po ate yaya, favor po? gusto ko pong watermelon pabili naman po ako. please?"

"okay po sir papabili kita kila kuya mo."

"salamat ate yaya!"

Bumaba na si ate yaya, at ako naman ay tumawag sa mga kaibigan ko para sabihin na hindi ako makakapasok.

"hello bro?"

"bro pakisabi sa mga prof hindi ako makakapasok nilalagnat ako kase e. salamat!"

"sige bro, pagaling ka ah. ako na bahala."

"sige thankyou. bye."

"sige bro nothing to worry. bye."

Pagbaba ko ng call ay titext ko dapat si baby pero naunahan nya ako eto tumatawag sya.

"hello 'by? goodmorning."

"hello, kanina pa kita tinatawagan busy number mo, may kausap ka yata. kagigising mo lang? bat ganyan boses mo?"

"isa isa naman grabe! haha de joke lang, oo kagigising ko lang. napano boses ko? astig ba? haha."

"baliw ewan ko sayo! haha late kana kaya ano balak mo?"

"hindi naman ako papasok e."

"at baket? "

"nilalagnat po kase ako."

"ha?! kailan pa? nagpapagod kasi ng husto. sinabi ko na kase sayo magpahinga ka muna ang kulit kulit. kumain kana nyan? uminom kana ng gamot?" bakas sa boses ng girlfriend ko ang pagaalala.

"chill dami ah? haha. hindi pa, inaantay ko pa si Doc tinawag na ni ate yaya. ikaw ba kumain na?"

"oo kumain na ko. nakukuha mo pa talagang magbiro ah?"

"alangan naman kasi magmukmok pa ako may sakit na nga mas lalo lang ako manghihina."

"naku! Ms.Manuel ayan kana naman."

Searching for Love. Where stories live. Discover now