Chapter 17 - The Beach

3.6K 67 4
                                    



* ALL RIGHTS RESERVED *

Minsan... sana may comments naman para lang malaman ko what you think =) Pero pede na din ang votes lang...

___________

ANDI

"Hey Andi," tawag sa akin ni Jake sabay tapik ng maragan sa balikat ko.

"Huh?"

"Malapit na tayo sa venue."

Napansin kong nakahinto kami sa isang maliit na palengke off the road.

"Bili lang ako ng drinks at yelo. Daming pabili ng boss mo," sabi nya sa akin. "Nag aantay na ang driver mo sa kabilang sasakyan. Diretso na kayo sa venue."

Medyo disoriented pa rin ako ng umayos ako ng upo. He gave me a quick peck on the my lips and then bumaba sya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.

Inalalayan nya ako papunta sa sakayan ko at inantay nyang makaalis kami bago pa sya pumunta sa maliit na supermarket na malapit sa isang simbahan.

After a while hindi ko na din sya matanaw, puro bundok at puno na lang din ang nakikita ko. At maya maya pa narating na namin ang isang exclusve resort sa may San Juan.

Nandoon na ang mga ka opisina namin ng makarating kami doon. May mga naghahanda na ng food. Mayroong pinagdidiskitahan na ang videoke. Habang yung iba lumalangoy na sa dagat, at yung iba naman sa heated pool.

Ang gara ng venue. Sobrang ganda.

Ang drama ni Jake sa mga ka opisina namin ay hiniram nya ito sa kaibigan nya para makapag team outing naman kami.

Di ako naniniwala.

Most likely, sa kanya talaga itong resort na ito. Well, whatever. Inaantok pa rin talaga ako.

"Andi!!!" Tili ni Maya mula sa pool. "Swimming na tayo. Ang sarap ng tubig, daliiii....!"

Kinawayan ko sila, "mamaya na ako. Pagod pa sa byahe."

Pagkasabi nun ay dumiretso ako sa mga nagvivideoke. "Andi, isang kanta naman dyan..." tudyo sa akin ng isa kong opismate.

What's with these people. Ako lang talaga ang pagtripan nila?

"Sige, kakanta ako pag nahanap nyo yung wildest dream ni Taylor Swift," pusta ko wala yun sa song list. Ha. Sana wala yun sa songlist.

"Pang lima ka Andi," sabi sa akin nung isa habang inilalagay yung song number. Shocks! Meron talaga?!

Arte kasi e, napilitan tuloy akong kumanta. Buti na lang wala pa si Jake. Dedicated sa kanya yung song pero di ko bet na marinig nya.

He said let's get out of this town

Drive out of the city

Away from the crowds

I thought heaven can't help me now

Nothing lasts forever

But this is gonna take me down

Oh shit. Sakto naman ang dating ni Jake...

He's so tall, and handsome as hell

He's so bad but he does it so well

I can see the end as it begins, my one condition is

Say you'll remember me

coffee, tea, or ME?Där berättelser lever. Upptäck nu