February 20, 2010
Dear Diary,
Nakakainis ang araw na ito! Nag-away na naman si Mama Carmiel at Daddy! Kung dati ay di ko alam kung anong pinag-aawayan nila, ngayon alam ko na. Tungkol sa akin, tungkol sa sakit ko. Di ko naman gusto ang magkaroon nito ah! Bakit ganon si Mama—
BLAG!!!
Nahinto ako sa pagsusulat ng marinig ko ang malakas na lagabog, feeling ko may kung anong itinapon sa pader. Lumabas ako para malaman kung anong nangyari.
Nakita kong nasa sahig ang basag basag na piraso ng vase. "Malamang ito yung narinig kong lumagabog kanina" Pakli ko sa isipan. Sa tabi nito ang umiiyak kong Mama habang ang Dad ko naman ay nakaupong patalikod sa kanya habang ang mga kamay ay nasa kanyang noo.
"Sinabi ko naman sa'yo Klaus, may sakit ang anak mo kaya dapat—" pero di na natapos ni Mama ang sasabihin niya ng biglang humarap si Dad sa kanya.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na okay ang anak ko ha? Sino ka ba sa akala mo para sabihin ang ganyan." Sigaw ni Dad.
Nahihintakutan man ay sumagot pa rin si Mama "Klaus, narinig mo naman ang sinabi ng Doktor. Hindi gagaling si Greyson kung ganyan. Dapat tayo ang unang makatanggap ng sitwasyon niya para matulungan natin siya."
"Wala akong pakialam sa kung ano man ang sinabi ng pontio pilato na yan! At wag na wag kang makikialam kung paano ko palalakihin ang anak ko, tandaan mo yan Carmiel!" Muling sigaw ni Dad sabay lapit sa Mama ko.
Nakita ko kung paano niya hinawakan ang panga ng Mama ko at unti unti itong hinila pataas para maging magkapantay sila. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Unti unting bumalong ang luha ko, magkakasakitan na naman sila dahil sa akin.
"Mukhang sasaktan na naman ng Tatay mo si Mama. Wala ka bang gagawin?" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang kapatid kong si Blythe.
"Paano ko sila mapipigilan? Anong gusto mong gawin ko?" Naluluhang tanong ko dito.
Bagama't mahina lang akong nagsalita ay di ito nakatakas sa mata ng mga magulang ko. Naguguluhan man, unang nakabawi si Daddy.
"Kanina ka pa ba nariyan, anak?" Tanong nito. Maging si Mama ngayon ay nakatingin na din.
"Hindi naman Dad, sakto lang para makita ko na nag-aaway kayo dahil sa akin." Sinubukan kong itago ang emosyong kanina pa nasa loob ko pero di ko nagawa.
"Kung ganyan lang din ang makikita ko sa araw araw, mabuti pang umalis na lang ako dito." Pagkasabi ko non ay tumakbo ako palabas ng bahay namin at sumakay sa aking bisekleta.
Umuulan pero wala akong paki. Eh ano kung may sakit ako. Kailangan kong umalis sa bahay namin at puntahan siya dahil alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin.
Pagdating ko sa lugar na iyon ay basta ko na lang iniwan ang bike ko sa may gate. Tutal kilalang kilala naman na ako ng guard dito.
"Good morning Sir, umuulan baka po mapano kayo." Bungad sa akin ng guard.
Dirediretso akong naglakad papasok.
Nang makita ko ang hinahanap ko ay dali dali akong lumuhod at niyakap ito. Wala akong paki kung madumihan pa ako gawa ng putik na gawa na rin ng malakas na ulan. Ang mahalaga ay mayakap ko siya, sa ganitong paraan ay maiibsan ang sama ng loob na nararamdaman ko.
"Mommy, alam mo bang nag-away sila Mama at Daddy dahil sa akin, dahil sa sakit ko." Iyak ko dito.
Naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang pisngi ko.
"Mommy di ako masaya sa kung ano man ang nagyayari sa buhay ko, wala nang katahimakan simula ng iwan mo ako sa bahay na iyon" pagpapatuloy ko.
Kahit nilalamig ako dahil kanina pa ako basang basa sa ulan ay wala akong pakialam. Ramdam ko man ang pagsama ng aking pakiramdam ay di ko alintana. Ang importante sa akin ngayon ay maikwento ko kay Mommy ang nangyayari simula nung maiwan ako sa bahay ni Daddy kasama ang bago niyang asawa, Si Mama Carmiel.
Unti unti kong iniangat ang aking paningin at masuyong tinignan si Mommy.
+R.I.P+
Mary Klein Black
January 13, 1968
July 29, 2005
Inilapit ko ang kamay ko sa kanyang lapida, at sinundan ko ang bawat linya nito gamit ang aking mga daliri. Limang taon na rin simula ng mamatay si Mommy dahil sa suicide.
"Mommy, bakit mo ako iniwan? Sana isinama mo na lang ako." Iyak ko.
Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko, pagkatapos ay nilamon ako ng kadiliman.
END
أنت تقرأ
Ulan
القصة القصيرةMga kwentong naganap sa magkakaibang lugar, oras at panahon habang umuulan.
