Chapter 3 : Kiss O_O

91 6 0
                                    

nasa field na kami naghihintay sa mga classmate namin habang naka-upo sa damuhan at kumakain ng puto. di na kasi kami nakapag lunch dahil sa nangyari.kaya bumili nalng kami ng mabigat na pagkain para may kunting laman ang mga tyan namin.

"alam mo naka marka ka na siguro sa utak ni Gray” sabi ni Carla habang mga puto at niyog sa bibig niya.napangiti naman ako. “kasi palagi ka na lang pahamak sa kanya eh wahahahaha!"

noong una napangiti ako sa sinasabi ni carla na tumatak na ako sa utak ni Crush pero nung pinagpatuloy pa niya sa salitang pahamak ay nainis ako -_-

kumuha ako ng isa pang puto sa styro at sinaksak sa bibig niya na naka nganga dahil nga nakatawa siya.

"mmmm! lumamon ka nalang! Yang bibig mo puro panira sa mood ang lumalabas!" sabi ko sa kanya habang tinulak-tulak yung puto papasok sa bibig niya.

na pa ubo naman siya sa ginawa ko at nabulunan. buti nga.

"sama mo!" inis na sabi niya pagkatapos niyang lunukin lahat ng nasa bibig niya.

maya-maya pa ay dumating na yong teacher namin sa P.E. at the same time ay Coach din ng soccer team sa school.

mag sa-soccer kami ngayon kaya lahat kami naka jersey atire na color red and black na color signature ng aming school.

"Okay Guys,I will group you into two" sabi ni teacher

tapos ginrupo nga kami sa dalawa. at pinapunta na kami sa gitna.

yung half ng population namin sa room ay naka upo lang sa gilid dahil mamaya next batch pa sila.

tapos pumito na si Coach na hudyat na para mag umpisa na.

magka grupo kami ni Carla. siya yong bantay sa goal at ako naman ang defense na alalay niya.

 Nag-eenjoy lang kaming nagsisipaan ng bola. Kami pa lang yung nakaka goal. Yung kalaban naming wala pang score.

Nag signal ng pito yung teacher namin na dapat magka goal daw yung kabilang grupo kasi pag wala ay zero sila sa practicum.

Kaya naman todo bantay ako sa Goal namin. Bahal sila kung zero sila basta hindi lang sila maka goal! Bwahahahaha! Ang sama ko ba? Wag ka ng magtaka dukdukan ako ng pasaway!

ng makita kong sinisipa ng kalabang grupo naming yung bola papuntang sa direksyon ng home namin ay todo bantay ako dahil nalulusutan niya lahat ng humaharang sa kanya. Kaya nung bumwelo na siyang sipain sa home yung bola ay lumapit ako sa kanya at hinarangan ko ito nakakalusot din siya kaya ginamit ko na ang buong lakas ko at malakas na sinipa palayo sa home naming yung bola.

YES! nasipa ko ito!

tumalon-talon ako sa saya dahil na sipa ko ang bola.

nagyakapan kami ni Carla na parang kami na ang nanalo.

"Yey! wooo! I am the best! wooo! spiker lady of year! hooo!"masayang sigaw ko at tumalon talon pa.

oh kitams? kahit mga klasmeyts ko bilib sa akin kasi lahat sila naka tingin sakin.

ganyan na ba ako ka galing?ba’t parang naka ngiwi silang lahat?

"Happy si Gray natamaan mo" sabi sa akin ni Carla na naka nguso.

what?!

di na ako lumingon pa kay Carla at tumakbo na sa kinaroroonan ni Crush

tinabig ko yong iba kong kaklase na nakaharang at nag-aalalang hinawakan sa magkabilang pisngi si Gray. Namumula pa yung noo niya at may maliit na bukol na ang namuo.

"Gray? okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Syempre hindi siya okay! Nagkabukol na nga okay pa din?

"ah!my head! mmm.." mahinang daing ni crush.

"medic! mag tawag kayo ng medic!" sigaw ko sa kanila

napadilat naman siya dahil siguro sa pagsigaw ko

tapos pa rami na ng parami ang mga nakikiusyoso at sumisikip na din yung kumpulan hangang sa maitulak ako ng nasa likuran ko

"Ikaw na nam-" sabi niya ngunit naputol ito ng mawalan ako ng balanse sa pagkakaupo dahil sa siksikan.

O_O

OH.EM.GEE!

To good to be true!

MY GHAD!

ang labi ko at ang labi niya magkadikit!

Lord please! kung magandang panaginip man to huwag niyo na akong gisingin! promise magiging isa na akong anghel basta huwag mo lang akong gisingin.

"Oh tabi!Tabi!"biglang sigaw ng lalaki sa likuran naming na may dalang first aid kit at itinulak na ako ni Crush palayo sa kanya

O_O

waaaaaaaaah! yong boobs ko!

yong Boobs ko ang naitulak niya!

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana eh! Pati ba naman sa pisikalan malas ako?

Funny YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora