Chapter 2: Orange Soda

137 7 0
                                    

Gosh! namumula ako sa hiya!ano yung nagawa ako kanina?

waaah! nakakahiya talaga! Baka mamaya imbis na Clumsy stupid girl lang yung nickname niya sa akin madagdagan pa ng Miss CCTV CAM sa CR! Diba ang panget lang?

"Oy! anong mukha yan?ba't di maipinta?" tanong ni Carla sa akin ng dumating na sya galing sa CR.

"eh?maya ko na ikwento"sabi ko sa kanya tapos kinuha ko yung ballpen sa bag ko at binuksan ang notebook ko na nasa arm chair ko para magkopya na ng mga sinusulat ni Sir sa white board.kasi pag ikinuwento ko na sa kanya ngayon…. Baka bigla kaming pagsisigawan ng baklang teacher namin dahil I’m sure! Pretty sure! Na tatawa ng pagkalakas-lakas tong si Carla sa katangahang nagawa ko!

at buti na lang puro White board na ang gamit sa Academy High. dahil pag blackboard? Nako! baka mas mamumula ako sa alergic ko sa chalk.

tapos maya-maya ay nagbell na din. hudyat na lunch hour na.

habang papunta kami ng Canteen ikinukwento ko naman kay Carla yung nangyari sa CR ng High school building nung hinihintay ko siya.at di ako nagkakamali! Dahil ito! Halos maubusan na siya ng boses sa kakatawa! Bruhang babaeng to!

"hahahaha! isa kang malaking Joke! wahahaha!"sabi niya na parang baliw sa kakatawa.

nang makapasok na kami ng Canteen ay nakita ko si Gray naka-upo sa may gitna ng canteen kung saan lagi silang kumakain ng mga Classmate at mga barkada niya. buti na lang busy siya sa pagkukwentuhan at di niya ako nakitang dumaan sa kanila papuntang counter. Kasi baka susungitan at sisinghalan niya na naman ako!

"Uy si Gray di mo nakita?"pag reremind sa akin ni Carla

"nakita ko,nahihiya ako tumingin sa kanya!" bulong ko sa kanya habang kumuha ng tray para lagyan ng mga pagkain

"wow! as if naman na tignan ka nya hahaha"pang iinis niya sa akin sabay tawa ng mahina. Ihampas ko tong stainless na tray sa pagmumukha niya eh! Walang kwentang kausap!

"g*ga! oh kaw na pumili ng pagkain,kukuha lang ako ng soda sa Ref" sabi ko sa kanya at binigay ang tray sa kanyang kamay. 

pumunta na ako sa may de machine na ref. twenty pesos kasi ang isa kaya nag hulog ako ng apat na ten pesos.pinindot ko yung Soda in can na orange flavor para sa akin at 7up naman para kay Carla.

sunod-sunod na lumabas yung dalawang soda at nahulog yong soda ko dahil naitulak ng isa pang soda.

nagpa gulong-gulong yong soda ko mabuti nalng at nakuha ko agad.

hinahanap ko na si Carla tapos pumunta na kami ng table namin na sa likuran lang ni Crush.

dahan-dahan naman akong umupo at magkatalikod kami ni Crush >_<

sa subrang kilig ko imbis na inuna kong kainin yung kanin ay lumilipad na naman yung utak ko at binuksan ko yung soda in can ko.

tapos……

*Psssssssssshhhzzzzzztttt!*

"Ay happy! ano ba yan!" reklamo ni Carla ng matalsikan siya ng soda

bigla na lang naging Fountain yung soda ko.

At dahil sa nagulat din ako eh naitapon ko paitaas yong soda ko at tumilapon ang laman sa direksyon namin ni Crush!.

Isa na naming kapalpakan!

"F*CK!" sigaw na naman ni crush kasi nabasa siya ng Soda ko. Oh diba? The more you hate the more love ang peg namin?

napatayo ako at humarap sa kanya.

"You again!?" duro niya sa akin sabay pagpag sa nabasang polo niya at ginulo niya yung buhok niya na basa na din dahil sa soda.

O_O

"so-sorry talaga nahulog kasi yong soda ko kanina kaya siguro umawas yong bula"rason ko habang nakatungo.

"Ugh! Now how can you clean magically my Uniform! Hah!?" singhal niya sa akin habang tinuturo yung damit niya.

naku po! ang clumsy-clumsy ko kasi! lagi nalang akong palpak!

nakatingin na lahat sa amin ng mga estudyante sa canteen.

napa tingin naman ako sa soda ko na pagulong-gulong sa paanan ng kasama ni Gray.

kinuha ko iyon at binigay kay Gray.

yung galit niyang mukha ay napalitan ng pagtataka at naging mas galit pa.

"ANO NAMAN GAGAWIN KO DITO?!" sigaw niya sa akin habang inaangat yong Orange Soda ko

walang sagot-sagot kong hinawakan ang kamay niya at inalalayang ibuhos ang natitirang laman ng Soda sa ulo ko.

napa singhap ako dahil sa lamig nito.

"hehehe yan naka ganti ka na hehehe Bye!"sabi ko at binitawan ko ang kamay nya tapos tumakbo na palabas ng Canteen

at naiwan siyang naka nga-nga.

"Uy Happy! sandali!" naririnig kong sigaw na habol sa akin ni Carla.

OMERGERD! totoo ba yon? nahawakan ko kamay ni CRUSH! Ghad!

waaaaaahh! tapos parehas pa kami ng amoy ngayon kasi parehas kaming natapunan ng orange soda! waaaaaaah!

nagmamadaling pumasok ako sa Locker room at nagbihis ng P.E. Uniform total after lunch P.E. na naman ang subject ko.

naka rating na din si Carla sa locker room at nagbihis na din

"Grabe ka Happy! nakakaloka yong sa canteen ah! naistatwa si Gray sa ginawa mo! amused na amused siya eh!" patungkol ni Carla kay Crush

ngiti-ngiti naman ako sa nasabi ng bestfriend ko.

"That's what we call Epic in disguise kasi nahawakan ko ang kamay niya! ghad! Kyaaaaaaaaaaah!" masaya at kinikilig kong sagot sa kanya.

Funny YouWhere stories live. Discover now