"Sorry, Heneral.."

Binabaan ko siya. Kaya ko to, kaya kong magpigil!

Napadungaw ako sa bintana at tinignan ang langit. Sorry, Heneral. Gusto ko sana pumunta kela Pau at makita ka, kaso hindi talaga pwede. Papalungkutin ko lang lalo ang sarili ko at baka kung anong kabaliwan na naman ang magawa ko. Sana maintindihan mo. Hindi lang ikaw ang hirap, ako rin. Paghinayaan ko ang gusto ko ang mangibabaw, yari na naman ako. Tumigil na ang mundo ko kaya naghahanap ako ngayon ng paraan para makabalik sa dati. Ito lang ang naiisip kong paraan. Baka masyadong maliit ang utak ko kaya wala na akong maisip na mas effective na paraan kaya pananagutan ko nalang itong ka-isa-isang idea na naumpisahan ko na.

Bumalik ako sa box na walang susi. Paano to? Kumuha ako ng pin at sinubukan tong ipasok sa lock- Wala, ayaw. Naghanap ako ng mga maliliit na susi ng luma kong mga diary- Walang nag-fit. Eh tawagan ko na lang kaya si Tita? Hindi na pala, makakaabala lang ako. Di kami close, nakakahiya. Nag-give up na ako at itinabi muna ito sa loob ng cabinet. Na-stress ako ng todo kanina kaya wala na kong extrang lakas para problemahin kung paano ko bubuksan ang box na ito. Humiga nalang ako sa kama para magpahinga pero hindi tinantanan ng mga katanungan ang isip ko.

So niloko ni Dolly si Goyong? Hindi pa siya hiwalay sa boyfriend niya? O baka naman itong Xander ay sinungaling rin? Ewan, mahirap paniwalaan ang mga tao. Karamihan mahilig gumawa ng storya na hindi mo alam sino paniniwalaan unless may evidence. Paano mo magagawang magtiwala sa salita ng mga tao lalo sa panahon ngayon?

---

Kinabukasan, nabigla ako ng makita ang Heneral na nasa coffee shop dahil akala ko day-off niya (o baka naman kasi nag-iba na ang schedule niya ng hindi ko nalalaman? Oo kasi naman, kelan na nga ba kami huling nag-usap tungkol sa mga ganyang bagay?)

"Miho, maaari ba tayong magusap?"

Mukhang wala na akong kawala.

"Umm, sige. Tapusin ko lang to."

"Maghihintay na lamang ako sa labas."

Matapos lagyan ng whipped cream sa ibabaw ang green tea latte, nilapitan ako ni Lawrence.

"Ako na bahalang mag-serve, kausapin mo muna si Greg." At kinindatan niya ako.

"Baliw, ba't ka kumikindat?"

"Wala! Gusto ko lang! Bawal? Dali, sige na. Puntahan mo na siya. Pumasok talaga yan para sayo."

"Ha?"

"Day-off nga niya diba? O wag mo sabihing nalimot mo na, samantalang dati memorize mo sched niya. Hala, nag-iba ka na talaga!"

"Ewan ko sayo." At lumakad akong palayo sa kanya.

Paglabas, naruon at nakita ko ang Heneral na nakatayo at nakatingin sa langit. Huminga ako ng malalim dahil ibang role na naman ang gagawin ko- kunwari, wala lang. Kunwari, hindi awkward. Kunwari, ano-- hindi ko siya binabaan kagabi.

Oo nga pala, binabaan ko siya. Shet, ang sama ko talaga. Naisip kong dumukot ng yosi sa bulsa ko, pero na-realize kong naiwan ko nga pala sa locker.

"Heneral! Nabalitaan ko yung kay Xander.. ayos ka lang ba talaga?" Nakita ko yung mga sugat na sinasabi ni Pau. Buti na lang di ito kasing lala gaya ng kay Pacquiao kada tapos ng boxing match niya.

"Mas masakit na ako ay tuluyan mo ng nilimot." Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Ako ay umasa na bagama't nagkaroon ng unos ay hindi ka susuko. Nagsimula ito sa pagdating ng iyong ina at ang dala niyang balita mula kay Dolores-- magtatapos na lamang ba talaga ito ng ako'y di mabigyan ng pagkakataon na maiwasto ang lahat?"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now