Chapter 19 Part III

Start from the beginning
                                    

"Dalhin natin sya sa ospital." - GK

Tatayo na si kuya pero hindi nya maikilos ang kanang paa nya.

"Ahhhhh..." Hawak ni kuya ang kanang paa nya at halos mamilipit sya sa sobrang sakit ng paa nya.

"Gikwang, anong nangyayari?" Tanong nya kay kuya. Dahil dun parang natataranta na din si ate Jamille dahil sa nangyayari.

"Ahhhh ang paa ko. Hindi ko maigalaw. Hindi ako makatayo"

Nang mapagtanto kong hindi talaga maigalaw ni kuya ang paa nya. Nagsimula na ding magpanic ang utak ko.

Anong gagawin ko? Hindi makatayo si Kuya Gikwang. Nashock ako sa nakikita ko.

"Jamille dalhin natin si Haekyung sa ospital. May mga sugat sya." Patuloy na sabi niya.

Mas inaalala nya ko sa halip na alalahanin ang sarili nya. Nasaktan din naman sya.

Nagpipilit pa din sa pagtayo si kuya.

"Gikwang, hindi mo kaya. Wag ka munang gumalaw. Baka nabalian ang paa mo. Delikado kung pipilitin mong tumayo..."

Nabalian? Baka nabalian ng buto sa paa si kuya?

O___O

Nakatulala lang ako sa kanila.

"Haekyung tumawag ka sa hospital hotline."

Narinig ko ang mga sinabi ni Ate Jamille pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Haekyung..." - Jam

"Ahhhhhhhh... Jamille kelangan magamot ang mga sugat nya." - GK

"Haekyung.. Haekyung... Tumawag ka sa emergency hotline.."

Parang nawala ako sa sarili ko..

------------------------

( SA OSPITAL )

Nagamot na ang mga sugat ko. Pero si kuya, under observation pa rin sya. Nandito kami ngayon sa waiting area ni Ate Jam.

"Haekyung.." Hinawakan ni Ate Jamille ang kamay ko. "Magiging okay din ang paa nya." Pinapalakas nya ang loob ko.

Hindi ko matatanggap kung tuluyan nang hindi makakalakad nang maayos ang kuya ko. He really loves dancing. Hindi sya makakasayaw nang maayos kung ganun ang kalagayan ng paa nya. SINGING AND DANCING, yun ang buhay nya. At dahil saken maaaring hindi na sya makasayaw kahit kelan.

"Kamusta si Gikwang?" - DJ

Dumating na din ang iba pang members ng B2ST. Tinawagan sila ni Ate Jamille.

"Is Gikwang Hyung alright?" - DW

"Anong lagay nya?" - YS

"Nasa loob pa sya. Under observation pa." - Jam

"Is he hurt that much?" - JH

"Ano bang nangyari?" - HS

Halos natataranta silang lahat at hindi mapakali sa paghihintay. Maya-maya ay lumabas na din ang doctor mula sa kwarto. Napatayo ako sa akng pagkakaupo nang mapansin kong papalapit na ang doctor sa pwesto namin.

"Dok, kamusta si Gikwang?" - DJ

"Na-sprain ang right foot nya. Sa ngayon hindi na muna nya maiilakad ang kanang paa nya. Kelangan nyang magpahinga na muna."

Nakahinga na ako nang maayos dahil sa sinabi ng doktor sa kalagayan ni kuya.

"Salamat naman kung ganun." - JH

Dorm PrincessWhere stories live. Discover now