Chapter 19 Part III

810 21 4
                                    

( Sa Market place )

"One piece of whole chicken, one kilogram pasta, one-half kilo of pork, 10 pieces chicken eggs, onions, pepper....."

Ang dami naman binibili ni ate Jamille. Si kuya ang may bitbit ng lahat ng pinamili nya.

"Jamille ang dami naman nito. Ang bigat na ng dala ko." Reklamo ni kuya Gikwang.

"Ibigay mo kay Haekyung yung ibang dala mo."

Ha??? Magbibitbit din ako?? Asar lang oh.

Iniabot na ni kuya ang mga dadalhin ko.

(*o*)

Waahh! Ang bigat naman ng mga 'to.

"Kaya mo ba talagang bitbitin ang mga yan?" tanong ni kuya Gikwang saken. Tumango na lang ako. Nakakahiya naman kung sasabihin kong hindi ko kaya.

"Hmm.. Fruitcake na lang pala ang kulang sa mga pinamili natin." Sabi ni Ate Jam habang chinecheck nya ang listahan ng mga dapat nyang bilhin.

"Tara! Punta na tayo sa bakeshop." Pagyayaya nya samen. Naiiwan nya kami sa paglalakad dahil sa bigat ng dala namin ni kuya. Kami pa ang naging utusan ni Ate Jamille. Tsk!!! Baligtad na yata ngayon eh.

Pumasok na kami sa isang bakeshop. Naupo muna kami.

"Ibe-BAKE pa pala nila yung fruitcake. Hintayin na natin. Order muna kayo ng makakain." Sabi ni Ate Jam.

Pumunta na ulit sya sa counter para umorder ng pagkain.

So.. Matatagalan pa pala kami dito?? Sh*t!!! Jingle na jingle na ko eh. Saan ba ang CR dito?

Luminga-linga ako sa paligid ko. Nakita ko na ang CR. Pero may karatula sa may pinto na nagsasabi na hindi pedeng gamitin ang Toilet dahil sira ito. ANG SAKLAP!!! TT___TT

Ahhh... Naalala ko.. May nakita akong public CR sa may labas. Ihing-ihi na talaga ako.

"Haekyung.. Anong nangyayari? May problema ba?"

Napansin siguro ni kuya na hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Talagang jingle na jingle na ko eh.

"Kuya, hindi ko na kayaaa!!!"

"Hindi kaya ang alin? Ano bang nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong muli nya saken.

Hindi ko na nasagot ang tanong nya. Dali-dali akong tumayo at palabas na ko ng bakeshop.

"Haekyung, saan ka pupunta?" Sigaw ni kuya habang palabas na ako ng bakeshop. Ramdam ko na hinahabol nya ko. Wala na akong panahon para magpaliwanag kung anong nangyayari. Hindi ko na kayang pigilan pa. Lalabas na talaga.

Tumakbo ako patawid ng kalasada. Hindi ko napansin na may paparating na motor sa direksyon ko at babanggain na ako..

"HAEKYUNG!!!" Sigaw na kuya. Napalingon ako sa kanya. Sinunggaban nya ako dahilan upang tumilapon kami pareho sa tabi ng kalsada.

"HOY! MAGPAPAKAMATAY BA KAYO?" Sigaw ng driver na hindi man lang huminto at dere-deretsong pinaandar ang kanyang sinasakyang motorsiklo.

"Okay ka lang, Haekyung?" Nag-aalalang tanong ni kuya saken.

Parang natulala ako dahil sa nangyari. Muntik na kami ni kuya mabangga.

"May mga sugat ka. Dadalhin kita sa ospital." - GK

"GIKWANG... HAEKYUNG..." Sigaw ni Ate Jamille habang tumatakbo papalapit samen. Nakaupo pa rin kami ni kuya sa tabi ng kalsada.

"Anong nangyari? Haekyung, may mga sugat ka." - Jam

Dorm PrincessWhere stories live. Discover now