Sa dami ng stories na inaa-update at ginagawa ko ay nakakalimot ako sa mga name ng characters minsan. Kaya napagpasyahan kong gumawa na lang ng character's profile.
THE RULES OF HEART CHARACTER'S PROFILE
Avril Wesley, masscom, 2nd year college.
Ang maldita, super cute, spoiled at matapobreng bida sa kwento na ito. Nabo-boring na siya sa monotonous life niya lalo na sa love life kaya naman nangangarap siya na makakita ng isang taong magpapadama ng 'spark' sa kanyang pihikan na puso (chos!)
Hanggang sa nakita niya si Sydney. Na-love at first sight siya rito. Kaya naman lumipat siya ng school at pumayag pa na magpakasal ang mama niya sa tatay nito.
Masungit siya sa iba pero pagdating kay Sydney ay para siyang maamong tupa. She's willing to do whatever it takes to get her heart!
Sydney Hilton, Education major in math.
Ang prim and proper na babaeng kinabaliwan ni Avril sa unang sulyap. Stick to rules at naglagay ng batas sa sarili na hinding-hindi niya papansinin ang mga patutsada ni Avril sa kanya. Broken hearted kay Caleb kaya bitter kay Avril no'ng umpisa. Matured na mag-isip at self less na mas iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili. Mahinhin at pag nagmahal ay todo bigay.
Declan Guineverre, basketball player.
Ang childhood bestfriend ni Avril na patay na patay sa kanya. Stick to one at kahit na hinahabol ng maraming babae ay kay Avril lang niya ibinibigay ang lahat ng atensyon niya. Handa siyang gawin ang lahat ng makakapagpasaya rito at sinusuportahan niya si Avril kahit pa sa kabaliwan nito kay Sydney dahil naniniwala siyang sa bandang huli ay sila pa rin.
Caleb Montecillo
Ang ex-boyfriend ni Sydney na na-love at first sight naman kay Avril. He's a jerk. Hindi niya minahal si Sydney kahit sila pa noon at patuloy lang siya sa pambababae.
Cynthia Wesley
Ang mommy ni Avril na palaging kapakanan lang nito ang nasa isip nito. Inaakala ni Avril noon na masama siyang ina dahil pinagtatakpan niya ang pagkakamali ng daddy nito pero nagbago na iyon nang magpakasal siya sa tatay ni Sydney. Natuwa si Avril sa kanya dahil siya ang naging daan para mapalapit ito kay Sydney.
Rico Hilton
Ang masipag at ma-pride na tatay ni Sydney. Hindi siya pumayag na hindi sa poder niya tumira si Cynthia at Avril kahit na mahirap lang siya. Mapagmahal at maunawain para sa anak na si Sydney.
Frank Wesley
Ang daddy ni Avril na isang cassanova. Mabuti naman siyang ama para kay Avril pero hindi siya naging mabuting asawa para kay Cynthia. Mahal niya kasi ang lahat ng babae. He's a cassonova despite of his age.
Ashley, Vanessa at Bonie - Ang mga wicked friends ni Avril na nakiki-ride on sa popularity niya. Mga sosyal pero pare-parehas naman na mga bobita.
Ms. Cheenee - manager ni Sydney sa coffee shop.
Betty - hindi kagandahang katrabaho ni Sydney sa coffee shop.
Ray - Manager ni Avril.
Selina - nerd na kaibigan ni Sydney.
YOU ARE READING
17. The Rules of Heart (SPG/GXG) - Completed.
ChickLitMaldita, spoiled at laitera ang rich kid na si Avril. Parusa na nga ba sa kanya na ma-in-love siya sa katulad rin niyang girlaloo? Pero paano kung hate sya ni Sydney? Ano ang gagawin niya para makuha ang atensyon nito?
