Huling Kabanata

11K 360 79
                                    

Thank you sa lahat ng sumubaybay. :) Isusulat ko po ang Tagpuan OFFLINE. Leave your comment po. Enjoy reading!

Huling Kabanata

"Saglit lang Auldey!" pigil ko sa kay Auldey ng amba na siyang papasok sa may pinto kung saan daan upang makabalik kaming dalawa sa kanya-kanyang katawan. Nagtataka niya akong pinagmasdan. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito subalit bigla akong nag-alangan.

"Are you going to die?" wala sa sarili kong tanong na nagpa-ngiti kay Auldey.

Nanggilid ang mga luha niya at yumuko. Nang i-angat niya ang kanyang mukha ay parang gripong umaagos ang kanyang mga luha. Ilang beses niyang ibinuka ang kanyang bibig at isinara rin. Walang maapuhap na salita. Ako man ay ganoon. Walang salita ang kayang makapagpaliwanag ng nararamdaman ko ngayon. All along ang inisip ko lamang ay kung paano makakabalik sa sarili kong katawan, kinalimutan ko kung ano ang maaaring maramdaman ng pamilya ni Auldey at kung ano mismo ang nararamdaman ng taong tumulong sa akin.

Nanakit ang dibdib ko at napaiyak na lamang din. Katahimikan ang namayani sa amin ni Auldey at pawang hikbi lamang naming dalawa ang maririnig. Naging bahagi na ng buhay at pagkatao ko si Auldey at kung maaari lamang na mabuhay kaming dalawa ay gagawin ko. Kung may paraan lang ay bakit hindi? Mabait na tao si Auldey at aaminin ko naging katulad rin ako ni Victoria. Naging sakim ako at makasarili makamtam lang ang buhay na nawala sa akin. Lahat naman siguro ng kaluluwang naliligaw at nalulungkot sa walang hanggang kadilimang ito ay naghangad sa buhay na noon ay mayroon sila.

Noon, hindi ako natatakot na mamatay. Wala naman kasing saysay ang buhay ko. Nawala sa akin ang paningin ko, nawala ang lalaking pakakasalan ko. Nagsisisi ako noon na nabuhay pa ako mula sa trahedyang iyon. Nagbago ang lahat ng pananaw ko simula ng makilala ko si Aaron Reyes. Simula noon nagkaroon na ng buhay ang patay ko ng pagkatao. Nagkaroon na ako ng inspirasyon bawat umaga na may taong nagmamahal para sa akin. Ngayon, natatakot akong mamatay. Natatakot akong mawala ang lahat sa akin. Hindi pa pala ako handa.

"Death is inevitable, Clarisse. Bata pa lamang ako natutunan ko ng tanggapin na balang araw ay iiwan ko rin sina Papa at Psalm. Darating ang isang araw na hihimlay rin ako sa apat na sulok ng kwadradong kahon at nababalutan iyon ng puting kumot." kahit nakangiti pa sa akin si Auldey ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang hinagpis nito.

"Sayang lang kasi kung nabiyayaan lang ako ng mas mahabang buhay gusto ko pang makasama sila Papa at Psalm. Kung bakit ba naman kasi hanggang dito lang ako. Kung bakit ba kasi maikli lang yung nakalaang buhay sa akin." pinahid niya ang kanyang mg luha subalit patuloy pa rin ang pag-agos ng mga ito.

"Natatakot ako Clarisse. Natatakot ako kasi ayoko pa lang iwan sila. Hindi ko pala kaya. Hindi pa man din ako hinahatulan ng langit pero pakiramdam ko ay sinusunog na ako sa impyerno. Ganoon kasakit Clarisse ang mamatay. Hindi pala matatapos ang lahat ng sakit sa kamatayan, hindi katulad ng inaakala ng mga taong nagpapakamatay. Just like Victoria, I am one of those tortured souls." tuluyan ng humagulgol si Auldey. Sa bawat hikbi at salitang binibitawan niya ay ramdam ko ang paghihirap niya.

"Magiging masaya ako kung magmamahal muli si Psalm. Clarisse, kung mawawala na ako ng tuluyan pati na ang katawan ko. Nakikiusap akong gabayan mo ang pamilya ko. Sa paglisan ko, ang gusto ko lang naman ay maging maayos sila. Magsimula muli. Please?" tumango at hinawakan ang kanyang kamay at niyakap siya. Kung ano man ang mangyari ay hindi ko kakalimutan ang habilin ni Auldey.

"Everything will be okay. Protektado na ang katawan mo laban sa kahit anong kaluluwa na nagnanais umangkin nito. Si Aling Dolores, hindi siya tumutigil sa pagdarasal. Let's go?"

"Thank you Auldey for everything. Alam kong matagal ka na dapat na nanahimik pero tinulungan mo pa rin ako. Hindi kita kakalimutan." saad ko at hinawakan ng mariin ang kanyang kamay bago kami tuluyang pumasok sa loob ng pinto kung saan naroon ang liwanag na matagal naming hinanap.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Where stories live. Discover now