Kabanata XIII

8.9K 270 27
                                    

Kabanata XIII 


 "Hindi" hindik akong napaatras sa kinauupuan ko ngunit pinigilan ako ni Psalm sa magkabilang balikat. Tumango lamang siya sa akin at pinakalma ako. Kahit na kinikilabutan ay bumalik ako sa aking puwesto at inilagay muli ang aking kamay sa may salamin. 

"Ikaw yata ang gusto niyang makausap, Clarisse." maawtoridad na sabi ni Impo. Kahit pa nakakailang na tawagin sa pangalang iyon ay pamilyar ito sa aking pakiramdam. Marahil nga ay ako si Clarisse. 

"A-Auldey. Kung ikaw nga iyan ay paanong na sa akin ang lahat ng mayroon ka?" tanong ko sa kawalan habang palinga-linga sa may paligid. I just can't believe that she was here. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko naman ang presensiya niya. Kapwa pigi ang hininga namin ni Psalm samantalang si Impo naman ay nakikiramdam lang. 

"1-2-M-N" sabay sabay naming bigkas na tatlo. 12MN? 12 midnight?

 "What does that mean?" naguguluhang tanong ni Psalm.

 "Paano natin maibabalik si Auldey sa kawatan niya at si Clarisse sa sarili nito?" Lahat na lamang ng tanong na nasa isip ko ay siyang lumalabas sa bibig nitong si Psalm, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapangisi. 

"Iyan din ang pinag-iisipan ko pa. Hindi maaaring malaman ni Victoria na narito pa si Clarisse, na hindi siya nagtagumpay na mawala ito ng tuluyan. Kayang pumatay ni Victoria." Mas lalo yata akong nalito. Who the hell is Victoria? 

"Victoria?" naguguluhan kong tanong subalit nagtaas lamang ng kilay si Impo. 

"Kung ikaw si Clarisse, sa tingin mo ay sino iyong nakakasalamuha mo?" tahimik akong napamura. This is fucking crazy! Holy crap! is this really happening?

 "Si Victoria ang dating nobya ni Aaron. Malalim ang naging ugat kung bakit siya ngayon ay nasa katawan mo. Mamayang alas dose ng hating gabi sa pagtulog mo ay masasagot ang lahat ng katanungan mo." 

"How about Auldey? What will happen to her?" frustrated na tanong ni Psalm. Mahal nga niya si Auldey at sa ilang taon ko siyang nakasama ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal na iyon. 

"Patience, Psalm" 

"This is weird. Kaharap ko si Auldey, ang babaeng mahal ko pero ibang tao naman ang nasa loob nito!"Ikinumpas ni Psalm ang dalawang kamay niya sa ere at marahas na nagbuntong hininga.

 I know Psalm! Parehas lang naman tayong nakakulong sa magulong pangyayaring ito.Bago pa kami magka-initan ni Psalm ay inawat na kaming dalawa ni Impo. Ang dami kasing tanong ni Psalm habang ako naman ay wala rin namang maisasagot at ang isa pa, kung tignan niya ako ay para bang kasalanan ko ang lahat ng ito. Nakakainis lang. 


 "Kung bakit naman kasi napunta ka pa sa katawan ni Auldey. Idinamay ninyo pa siya ni Victoria sa gulo, ni wala ngang koneksyon sa inyong dalawa si Auldey!" pang-aakusa ni Psalm sa akin. Mariin akong pumikit at bumilang ng tatlo bago muling nagsalita. 

"Shut up! Baka mamaya ay may makarinig sa iyo!" saad ko bago buksan ang pinto palabas sa silid ni Allen. 


 Just damn it! Sukat paglabas ay naroon si Clarisse (Victoria) kasama si Aaron, nagtatangis ang mga bagang. Mukhang nagtatalo sila ni Victoria. Dang! Alam ko na ang pakiramdam ni Psalm. Ako si Clarisse pero nasa harap ko naman ang sarili ko. Ang gulo! Kung sana lang ay may naaalala ako sa nakaraan ko edi sana ay mas madali kaysa naman nangangapa ako ng ganito.Naningkit ang mga mata ni Victoria sa kay Impo na walang emosyong nakatitig lang rito. 


 "What are you doing here?" hindi ko mapangalanan ang ekspresyon ng mukha ni Victoria. Sindak ba iyon?"Magandang araw, Clarisse at Aaron." bati ni Impo. 

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Where stories live. Discover now