Prologue

30.6K 381 41
                                    

Prologue:

"Will you marry me Clarisse?" tanong sa akin ni Aaron habang nakaluhod sa may harap ko hawak ang isang pulang box na naglalaman ng isang elegante at mamahaling heirloom. Napangisi ako. Hanggang ngayon ay banyaga pa rin sa akin ang pangalang Clarisse marahil ay kailangan ko nang talikuran ng tuluyan ang pagkatao ko bilang Victoria. I was reborn at wala ng makakapigil pa sa pagbabalik ko.

Ang manirahan sa purgatoryo ng ilang taon ay katumbas na ng impyerno sa akin. Madilim at malamig sa lugar na iyon. Malungkot at nakakapanlumo habang pinapanood mo ang mga taong mahal mo na ipinagpapatululoy ang buhay samantalang ikaw ay sadlak sa kalunos-lunos na lugar na tulad niyon.

Kailanman ay hindi na ako babalik roon kasama ng sakim na Allen. Pinahirapan na nga niya ako sa buhay ay isinama pa ako ng walanghiya sa kamatayan. Ang isang kaluluwa ay gagawa ng paraan makabalik lang sa buhay na ipinagkait sa kanya. Too bad for Clarisse, ang bawat kahinaan niya ang siyang naging lakas ng enerhiya upang makabalik ako sa mundo. Baka sakaling ito ang kapalaran namin.

Aaron and I were meant to be. Ilang beses ng sinubok ang pagmamahalan namin maski kamatayan ay hinamak namin. I break all the rules! Sinuong ko ang pagitan ng buhay at kamatayan makabalik lang sa kanya. Tinupad ko lamang ang pangako na magsasama kami habambuhay at ngayong narito na ako ay wala ng makakahadlang pa sa amin.

"Yes. I will marry you!" singhap ko at hinila patayo ang ngayong nakangisi na ring si Aaron. Mabilis niyang isinuot sa akin ang singsing at niyakap ng mahigpit. Finally, kasama ko na rin ang lalaking pinakamamahal ko. Nayayakap at nahahagkan ko na muli siya hindi katulad noon na ilang beses tinatarak ang puso kapag pinapanood siya. Kung mamamatay man akong muli ay tanggap ko ng sa impyerno ang tungo ko makasama lamang siyang muli.

"I love you so much Aaron." I kissed him passionately. Damn! Hindi ako magsasawang halikan si Aaron. Kaytagal na rin noong huli. I miss him physically. I miss those physical contacts with him, ang damhin ang init ng kanyang mga labi at haplos sa aking balat ay  paraan upang madama ko ang buhay na nanalaytay sa katawan ko. I feel so alive and high everytime we kiss and touch.

"I love you more Clarisse." he said sweetly and with full of promise.

 Ang book 2 po ay PREQUEL. Ang story nila Aaron-Victoria-Allen. Ang simula ng lahat. :) Itong book 3 ay iyong karugtong ng PANAGINIP.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Where stories live. Discover now