Chapter Seven- The King's Best Friend

Magsimula sa umpisa
                                    

"You're the king, Albert. You can protect your family especially your younger sister."

"F, kapag nai-proklamang prinsesa si Alxiara, matutuon ang paningin ng buong kaharian sa kanya. Maaari siyang mapagbalingan ng mga detractors ng royal family at gamitin laban sa akin para mapatalsik ako sa trono.

Gustuhin man ng kapatid ko na mag-madre ay hindi iyon ang nakatadhana para sa kanya. She needs to take off the habit and to do that, she needs to realize that she is better off with someone else."

Parang alam na niya ang tinutumbok ng usapan nila. "You need another royalty or noble man," sabi niya kahit parang minamaso ang puso niya sa ideyang ikakasal ang prinsesa sa iba.

"Tama ka. I need a royalty, a noble man or a productive citizen. Kailangan kong makilala si Draco Contreras." Napatitig siya ng husto sa kaibigan niya. "He maybe not a royalty but he is a productive citizen of this kingdom and a powerful, well-known personality."

"That Draco is almost a legend tapos ipapakasal mo siya sa kapatid mo? Are you really out of your coconut shell?" halos maglabasan ang ugat sa leeg niya sa sobrang inis sa hari. Kung hindi lang ito hari, baka nasapak na nga niya ito ng buko sa ulo.

"Coconut shell? You mean I'm out of my mind?" tanong pa nito. Lalo niya itong sinimangutan. "Oo na. I understand the comparison although it's a little weird. Pangit naman kung turtle's shell ang sabihin mo since bahay ang ibig sabihin no'n. What about a bomb shell?" and the king grinned like the Grinch.

"Banatin ko 'yang mukha mo eh."

"Wag naman. Baka hindi na ako pakasalan ni Lady Beatrice."

"Mas gusto mo naman talaga 'yon."

"F."

"What?" angil niya. Aliw na aliw ito na tumawa pagkuwa'y sumeryoso.

"Help me take care of the princess," sabi nito. Kahit hindi nito iyon sabihin ay iyon talaga ang gagawin niya.


MATAPOS ang dinner ay nagbalik na ang dating hari sa silid nito. Tinulungan ni Anna ang kanyang ama hanggang sa makahiga na ito sa kama nito.

"Do you find him handsome, princess?" tanong ng kanyang ama sa kanya. "Gwapo si F Harris, hindi ba?"

"Papa, alam niyo naman po na bawal kami sa ganyan," paalala niya sa ama. Pinilit niyang ngumiti kahit hindi siya mapakali.

"Bawal nga siguro kayong ma-in love pero hindi ang humanga. So, answer my question, dear daughter. How do you find Mr. Harris?"

"He's ...well, he's ...incomparable lalo na 'yong paraan niya ng pagsasalita. I find him rude for an ordinary person talking to both previous and current king of this kingdom."

"How about his physique?"

"Physique? Physical doesn't matter to me, Papa."

"Sa relihiyon ninyo, saan daw napupunta ang mga sinungaling?" nakangising tanong ng dating hari. Hindi siya nakaimik. Hussldreans are mostly Protestants especially the royal family and according to history, once in his life, her father wanted to become a Christian missionary but as a crowned prince, he can not leave the throne. Nakuntento na lang ito sa pagbabasa ng Bible at pag-aaral ng theology mula sa mga tutors nito. "The Bible said –"

"He's handsome, all right," sumusuko niyang sabi. Humalakhak ang ama niya. Wala siyang lusot dito pagdating sa kung ano ang nilalaman ng Bibliya dahil daig pa nito ang pari o pastor. "Yes he's handsome but that's all, Papa. I am destined to devote my life to God."

"I'm afraid I can not let you do that, dearest."

"Papa –"

"Kapag inihayag namin sa publiko na isa kang prinsesa, you need to take off your habit. Hindi ka pwedeng mag-madre. To be a princess is a responsibility. You need to get married and help your brother rule the kingdom. To continue our lineage. I know this sounds selfish on your part but we can not let the throne fall into wrong hands."

Symphonian Curse 4: Behind the Dragon's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon