Kabanata 51

117K 1.1K 40
                                    

Kabanata 51

I don't care


Nagising na lang ako kasi may naririnig ako mula sa baba. Ang ingay. Napatayo naman ako agad. Wala na si bes. Lumabas naman ako ng kwarto.

"Happy Birthday!" Sigaw nila sa akin. Si manang, si kuya Isko, si bes, pati na rin si manager. Ginawa nilang lahat ito. Grabe. May naka set-up na mesa sa may sala. Tapos may ilang balloons na nakasabit.

Tinignan ko sila isa isa. Una si manang, tapos may hawak siyang kahon na nakabalot sa isang gift wrapper. Sunod si kuya Isko na may hawak na mga rosas. Ang ganda. Sunod si manager na dala ang cake na may sinding kandila. Mocha cake! My favorite! Tapos si bes naman ay may hawak na torotot. Tapos pinapatunog pa nga niya ito.

Oh my God!

Grabe naman sila! Pinaghandaan nila talaga ang birthday ko. Grabe. Grabe. Grabe.

"Bes naman. Birthday mo tapos umiiyak ka? Naku!" Lumapit naman si Nica sa akin. Binaba muna niya ang hawak niya pagkatapos ang niyakap ako ng napakahigpit.

"Kayo kasi.." napaiyak na ako. Hindi naman ako ganito ka emosyonal pero kasi sila e. They make my day special. I love them.

Pero dahil isang weird ang bestfriend ko ay hinampas pa niya ako sa braso. "Arte! Happy birthday bes. Mahal na mahal na mahal kita." Tapos kumalas na siya ng yakap.

Pagkatapos ay isa isa ko na silang pinasalamatan. Si manang nga may binigay na rosary sa akin e. Si manang talaga. Pinaalalahanan pa niya ako ng ilang bagay. Napamahal na ako kay manang kahit mag tatatlong buwan pa lang ako rito.

Sunod naman ay si kuya Isko na driver namin. Binigyan niya ako ng mga rosas. Ih ih. Ang bait ni kuya. Ang ganda pa naman nung mga bulaklak. Kasing ganda ko. Chos.

Tapos lumapit naman ako kay manager. Binigyan ko siya ng yakap. Ngumiti siya sa akin tapos tae! Yung dimples ni manager naman kasi e. Nakakabusog na. Chos. Binigyan niya ako ng maliit na teddy bear na kulay asul. Ih ih kasing kulay ng mata ni Gideon. Naalala ko tuloy siya. Sana naman kahit tawagan niya lang ako. Pero maiintindihan ko naman kung hindi. Siguro'y busy lang siya. "Thank you, ang cute nito."

Binigyan naman ako ng halik sa pisngi ni manager. Eh? "Welcome. Aly." Ngumiti ulit siya.

Tinunguhan ko naman si bes. Ngumiti siya tapos napangiti na rin ako. Tapos maya maya lang nagwala na kami. Joke. Nagyakapan. Muntik na nga kaming matumba dahil sa likot ng yakap. Medyo ang drama lang namin. Medyo lang. "Yan o! Gift ko sa'yo bakla." Kinahon pa ni bes yung gift niya sa akin katulad nung kay manang.

"Thank you." Binuksan ko na yung gift. Tapos. Gusto ko na sanang sumigaw dahil sa regalo niya pero hindi ko ginawa. Kasi naman kinahon niya tapos nakabalot pa sa dahon tapos kapag natnggal mo yung dahon may nakabalot na papel. Hala. Pahirapan bago mo mabuksan ang regalo. Weird talaga ni bes. Nang matanggal ko ang balot ay parang naiiyak na ako. Kasi naman.

"Bes. Bestfriend shirt? " Ito yung suot ni bes ngayon. Ih ih. Si Nica naman pinapaiyak ako nito. Simple lang ang disenyo ng damit. May dalawang babae roon na cartoon ang pagkakaguhit tapos may nakasulat na Epitome of beauty. Tapos may nakalagay din na Bestfriend forever. Nakasulat din doon ang mga pangalan namin. Kapag naman tinignan mo ang likod nung damit ay may nakasulat na Bes. Sumisigaw na ang brain cells ko. Pinapaiyak talaga ako ni bes.

Napayakap tuloy ako kay bes. "Kainis ka! Sabi mo palaka ang gift mo sa akin kagabi! Kainis!" Nahampas ko tuloy siya. Napatawa naman si bes.

"Gaga! Ba't ko naman ireregalo ang palaka sa'yo." Kumalas siya ng yakap at tinitigan ang mata ko. "I love you bes. Ih ih..." Napatawa naman ito pero nakikita ko sa gilid ng mata niya ang namumuong luha roon. "Pasensya ka na sa gift. Lamonaman kinakapos din e ano!..." Nag clear throat pa si bes. Tinitigan ko na siya. Ngumiti na rin ako. "May speech ako. He-he. Uhm bes..." Hinawakan niya ang kamay ko. Hinigpitan ang hawak doon. "I can never find the right words to express how much I love you bes. Salamat sa lahat. You've been my life since when my feet landed here in Manila. You always bring out the best in me throughout my darkest days, hours basta sa kahit anong pagkakataon. You always taught me to believe in my dreams and never give up. Naalala mo ba yung super depress ako kahit hindi ko sinasabi sa'yo ang dahilan hindi ka pa rin naiinis sa akin. You just there beside me and I love you. Ih ih. I can never explain why I love you because alamo ba?..." Umiiyak na tumatawa? Anyare pero napapaiyak na ako. Bes naman e! "...Because it is not something you can express in words but it is the feeling that can never be explained. But if you would give me a chance to explain it in words, this is how it goes: My love for you is like us. Hindi mababali. Hindi mawawala kasi nakatakda na tayo sa isa't isa. There are endless reasons why I love you. Ang haba ng speech ko bakla. Tae yung luha ko. Happy birthday bes. Nineteen ka na. Gah!" Niyakap niya ulit ako. Yung napakahigpit. Bes naman e.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon