Chapter 41: The Real Mission Part 1

Start from the beginning
                                    

Ten is starting to create a mind blowing plan. I know and I believe na that this whole thing will never be easy for all of us.

Napatayo si Franz na nakaupo sa dulo. "Triangle island? Parang Bermuda triangle or Illuminati? Wala bang sa demonyo ang islang ito?" Franz scratching his head.

"I know right," Ten said confidently. "That brings us back kung bakit ayoko kayong bahaginan ng ni-isang pilak o ginto na nakaimbak sa islang ito."

Bigla ring napatayo yung pangit na Joaquin. Basta kayamanan, alam mong mabilis pa ang galaw niya sa kabayo. "Ows di nga? Ano bang meron Ten bakit isang sako lang ng ginto ayaw mo kaming bigyan? Ang dami dami naman nun, hindi naman yun mauubos. Tutulungan naman namin kayo diba?"

Yung katabi ko rito'y nagsesecond emotion na naman, sinisiko ko na lang siya para hindi na sumabat. "Once a mukhang pera, always a mukhang pera. Mga palaka naman talaga.... tsk tsk tsk" komento ni Alex na mabuti nama'y hindi narinig nung isa.

"May pabuya naman kayo 'wag kayong mag-alala," assurance ni Ten sa loko. "Wag niyo nang ipilit ang hindi pwede. Amin 'to, pero hindi ito amin, at mas lalong hindi inyo. Para siyang paraisong pwede mong bisitahin pero hindi ka pwedeng tumira. Parang perang pag-aari mo pero hindi mo pwendeng ipambili."

I saw Mick raised his hand.

"Yes Mick?"

"Pwede ba namin malaman kung bakit? Siguro, ito na yung oras para malaman namin ang lahat tungkol sa kayamanan niyo..."

Ten responded with a sweet smile at kitang kita mo yung kilig kahit medyo seryoso siya nung time na'yun.

"And that leads me there," Ten took a deep breath while getting closer to Mick. She glanced on his way and went back and fourth from right to left.

"The MYTH is true. There's a treasure. And it's been here for four centuries. Nakailang salinlahi na rin but this forbidden paradise is still a Myth and should be a Myth to all Saavedra Clan, except for the people who witnessed it."

"This place is not what it looked like," Ten narrated in a serious stone nang may biglang naghagis ng bato sa may paanan niya. Yun ay walang iba kundi si Joaquin, at alam ko na kung bakit, dahil sa paingles ingles niya. Hindi na nagpaabala si Ten at nagpatuloy.

"Sinumpa ang lugar na ito, sinumpa ang kayamanan. During the Spanish rulership here sa PINAS lahat ito nangyari. Maraming namatay sa kayamanang iyan. Maraming nabaliw. Diyan nagpatayan ang mga ninuno namin. Na halos umubos sa kanila."

"Pag-aari ang kayamanang ito ng isang mapanganib na pirata. Which turned out to be involved in a sorcery. Dinakip sila ng mga equally abusive Spaniards dahil sa unauthorized na paghahanap ng kayamanan dito sa Pinas. At before pa maisagawa ng mga kastila ang mapangahas nilang plano sa mga pirata, nagkaroon kaagad ng digmaan sa dalawang panig. Namatay ang Pirata sa pamamagitan ng panang may lason, pero bago pa 'yun..... May binitiwan siyang salita na hango sa wikang kastila na ang ibig sabihi'y. "I AM MY TREASURE. I WILL BE BURIED IN MY PARADISE WITH THEM. I PROCLAIM THAT WHOEVER USES IT SHALL DIE WITH MY NAME."

Napatindig ang balahibo ko sa salaysay ni Ten. It's like I'm reading a Pirates of the Carribean slash Harry Potter kind of book.

"Parang ang hirap paniwalaan," out of the blue ay nagbigay ng pahayag si Joaquin, yung may hitsura. "So, paano o sino naman ang makakapag testify na yun nga talaga yung sinabi ng pirata? Unless merong isang tao na nandun mismo sa lugar ng pangyayari?"

"That is logically true Mr. Handsome," she weirdly named Joaquin. "Nandun sa digmaan na 'yun ang isa sa mga kaninu-ninuan ng Saavedra, yun ay walang iba kundi si Don Silvestre Saavedra."

"Siya ang nakakita at nakarinig ng lahat dahil isa siya sa mga kawal ng Kastila. Kabilang siya sa isang grupo ng mga mandirigma noon. Isang partikular na grupo na pumuksa sa pinakamapanganib na pirata nung mga panahong iyon."

"Matapos mapatay ang mga pirata, sinamsam nila ang lahat ng kayamanang taglay ng barko. Ngunit, at dahil na rin sa takot sa narinig niyang huling sinabi ng pirata, hindi siya nagtangkang kumuha ni-isang ginto."

Ten continued. "Hindi pa sila nakuntento, pinuntahan nila ang islang kinatatayuan niyo ngayon para kunin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga pirata. Pero sa kasawiang palad..... Lahat maliban kay Don Silvestre ay mga naglaho na lang ng parang bula."

Bigla akong napatanong. "Kasama si Don Silvestre nang pumunta dito sa isla tapos bigla na lang nawala ang mga kasamahan niya, ganun?"

"Ganun na nga Jace. Bigla siyang nakatulog at pagkatapos ay biglang nawala lahat ng mga kasamahan niya sa islang ito. Naparatangan pa siyang pumatay sa mga ito ngunit wala namang naging ebidensya ang gobyerno noon kaya't napawalang sala siya. And the rest is history.... naging tagapagbantay si Don Silvestre bilang tagapangalaga ng lugar na ito, at bilang respeto na rin sa tunay na may ari ng kayamanan. Ni isang ginto'y hindi siya nagtangkang magpuslit dahil alam na niya ang sasapitin kung mangyari man iyon."

"So, ano nga palang nangyari  TEN sa mga sumunod na tagapangalaga? Diba sabi mo halos magpatayan ang mga ninuno niyo dahil sa kayamanang 'yan?" tanong ni Mick.

"Pang-anim si Mama sa mga naging tagapangalaga. Bali nangyari ang kamalasan sa ikaapat na tagapangalaga.... Si Donya Louisa. Siya yung naging ganid sa kayamanan at hindi pinaniwalaan ang alamat, na akala niya'y hindi yun totoo. Kumuha sila sa kayamanang naririto, ngunit ibang kamalasan ang bumalot sa kanila. Nagpatayan silang magkakapatid dahil sa salapi. Isang tao lang sa magkakapatid ang nabuhay noon, na hindi nagpasilaw sa kayamanan at ang naging ikalimang tagapangalaga ay si Enrico Saavedra, ang LOLO ni MAMA, at ng mga Aunties namin."

Napakahirap paniwalaan pero mukhang ito ang tunay na naganap. Ang lugar, maging ang kayamanan ang magpapatunay na tunay ngang naganap ang lahat.

"Ang hidwaan ng mga magkakapatid ay dahil lamang sa isang istorya ng inggit. Si Auntie Jacky talaga ang tunay na pang-anim na tagapangalaga dahil siya ang nakikitaan ni Don Enrico ng potensyal, ngunit nangyari ang pagbawi nang bigla niya itong sabihin sa kapatid niyang si Auntie Minerva, maging sa ibang pinsan nila ang tungkol sa kayamanan."

"Nang malaman ito ni Don Enrico, bigla niyang binawi kay Auntie Jacky ang matagal na niyang plano para sa kanya. Gumawa na lang ng storya ang matanda na lahat ng mga sinabi niya kay Auntie ay pawang kathang isip lamang. Pero hindi dun naniwala si Auntie Jacky dahil buo na sa puso't isip niya na totoo ang kayamanan ng angkan ng saavedra."

"Saavedra's Treasure, O ang natatagong kayamanan ng mga SAAVEDRA. Ang totoo niya'y ang mga salitang iyo'y kathang isip lamang na pilit pinaniwalaan ng mga Aunties, maging ang nag-iisang Tiyuhin namin. Totoo ang kayamanan, pinamana ang sikretong ito pero hindi pa rin ito amin."

Lahat kami'y hindi makapaniwala sa ikinuwento ni Ten. Nabubuo na rin sa isip ko kung bakit matagal nang may hidwaan ang magkakapatid patungkol sa kayamanan.

"Pero teka Ten,... So ibig mo bang sabihin, nag-away away sina Mama dahil ang napili nang ikaanim na tagapangalaga is yung... Si Mama hindi na si Ate Jacky?" tanong kong di sigurado.

"Tama ka Jace. Dun na nag-ugat nang si Mama na ang tunay na pinagsabihan. Kaya until now, pilit pa ring hinaharap ng mga Aunties natin ang kayamanan. Where in fact, kamalasan lang ang hinahanap nila.... Hindi kayamanan..."

"Kaya medyo kritikal ang misyong ito. 2 to 3 days ang expected time ng pagdating ng mga alagad ng tiyahin namin dito sa isla. Kaya kailangan ko ang tulong niyo para hindi sila magtagumpay...."

itutuloy.....












How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now