"Ok lang.. Wala yun!" At pinilit kong ngumiti habang inaakbayan siya at iniisip kung ano nga kaya ang comment ni Goyong sa buhok ko, kung nandito siya na kasama ko.

After ng shift ni Pau, kinuha ko ang mga gamit na iniwan ko sa kanya at tinulungan niya akong dalhin ang mga ito sa bago kong tinitirahan (Na studio-type rin kagaya ng dati). Duon niya nabanggit na sinukuan niya raw ang French lessons dahil hindi na raw kaya ng utak niya, si Micha raw ay nasa Dubai parin kasama si Mimi at si Lawrence naman ay may girlfriend na (Iniyakan ni Pau ang balitang ito ng mga 2 months at naka-get over na raw siya) at hindi ko lang raw naabutan kanina dahil naka-half day leave siya.

---

Isang araw, naisipan kong maglakbay sa isang lugar na priority kong puntahan matapos iwan ang Pilipinas ng ilang taon.

Pagbaba ng UV express, nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon at agad ko naman ito sinagot.

"Asan ka, girl?"

"Uy Pau, nasa Bulacan ako ngayon."

"Anong ginagawa mo dyan? Teka, di ka pa rin nakaka-get over no?"

"Umm.." Hindi ako sumagot.

"Silence means yes? O sige, tawagan nalang kita mamaya pag di ka na busy dyan. Wag ka lang gagawa ng kung ano na ikaka-ban mo sa Bulacan ha?"

"Baliw to. Oo no!"

"Sige, bye!"

"Bye!"

Dumayo ako sa Malolos dahil nandito daw ang mga buto niya. May balita na nasa National Museum ito dati at nawala nuong panahon ng 'Liberation of Manila'- pero may nagsasabi rin na naiuwi na raw sa Bulacan ang mga labi bago pa mangyari yun at sa ilalim raw ng isang monumento ito inilipat- Maaring ito nga iyon o hindi rin. Naglakad-lakad ako sa kapitolyo at inalala ang araw na nagpunta kami ni Goyong sa Bulacan ng magkasama. Sayang at hindi kami nakadaan dito sa Malolos kahit pinlano naming gawin.

Tinignan ko ang statwa niya na nakasakay sa kabayo. Lumabas ang immaturity ko at pinalo ang sa ilalim ng kanyang rebulto ng ilang beses habang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.

"Ni hindi ka man lang nagparamdam sakin hanggang ngayon! Magparamdam ka naman, kahit isang beses lang! Grabe ka! Parang wala tayong pinagsamahan! Ilang taon na kitang hinihintay, Heneral.. Kaya kitang hintayin hanggang kahit kelan! Kahit di ka na dadating- kahit maghintay ako sa wala, okay lang! Pero sana.. sana kahit isang beses lang! Miss na kita.. sobra..". Pinagdasal kong makarating sa langit ang mga pinagsasabi ko at naramdamang bigla na hinaplos ng hangin ang aking pisngi kasabay ng malakas na huni ng mga ibon na nakaupo sa punong malapit.

Nandyan ka ba, Goyong?

Lumingon ako, pero wala akong nakita kung hindi ang ilang mga estudyante ng Bulacan State University na naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan.

Sa loob ng ilang taon, walang nagbago sa mga history books at kahit sa internet, nakalagay pa rin na ang huling pag-ibig ng Heneral ay si Dolores Nable Jose, ang heiress ng Dagupan. Mabuti na lang yun dahil di ko maimagine kung madawit pa ako sa mga nakasulat tungkol sa kanya- para ko na ring ginulo ang history kung sakali. Pero aaminin ko, may konting kirot at pagkagulo sa isip ko pag nababasa ko ang tungkol sa love life niya. Hindi importante sakin ang maisulat ako bilang parte ng buhay niya, pero minsan naiisip ko, parang panaginip lang ang lahat. Oo nga't andito sakin ang mga ebidensya na totoo ang lahat pero pakiramdam ko para akong nanaginip lang. Yung tipo na affected ako sa mga naranasan ko sa panaginip at paggising ko, bigla nalang ako bumalik sa realidad – kaso affected parin ako. Parang walang nagbago sa kasaysayan pero sakin, nagbago ang lahat. Paulita, ito nga ba rin ang ginusto mo? Ganun ba katindi ang feelings mo at nangyari ito?

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now