Chapter 1: I don't exist

13.5K 260 11
                                    

Chapter 1

I don't exist

***

SIGAWAN. PUSTAHAN. 

‘Yan ang maririnig at makikita mong nagaganap ngayon sa loob ng isang abandonadong gusali na isa pa lang napakalawak na arena sa loob -- na nasa isang liblib at tagong lugar. Lahat ng tao’y namimili ng kani-kanilang manok at pinagpupustahan kung sino ngayon ang mananalo sa dalawang lalaking nagmula sa magkaibang grupo at naglalaban ngayon sa gitna. Napapangiwi na lang ang ilan dahil sa madugong labanan na nagaganap.

Walang armas na gamit ang dalawang magkalaban at tanging lakas ng katawan lang ang kanilang gamit ngunit halos maligo na sa dugo ang sahig kung saan sila naglalaban.

“TIGRIS!” 

“DECA!”

Kanya-kanyang suporta at sigaw sa kanilang manok ang mga tao dahil sa sobrang ganda ng labanan sapagkat parehong ayaw magpatalo ng dalawang naglalaban. Sinuntok ng tinatawag nilang si Tigris si Deca sa panga nito bago pa siya masuntok nito sa tiyan. Mabilis namang tumayo si Deca kahit na nakaramdam na siya ng matinding pagkahilo bunga ng malakas na pagkakasuntok sa kanya ni Tigris. 

Umayos siya ng porma saka sinamaan ng tingin si Tigris na ngayo’y nakangisi sa kanya. Umatras si Deca upang bumwelo at mabilis na sumugod kay Tigris at sinapak ito sa mukha at umikot upang masipa ito sa tagiliran dahilan upang mapaatras si Tigris. Napangisi naman si Deca nang masilayan ang dumudugo nitong labi. Bumwelo ulit si Deca upang sipain ito sa panga ngunit mabilis na nahawakan ni Tigris ang paa nito bago lumapat sa kanyang mukha at saka pinilipit ito at inihagis dahilan upang matumba si Deca.

Napaupo si Deca at dahan-dahang tumayo upang ituloy ang laban sapagkat ayaw na ayaw niyang natatalo ngunit mabilis na umabante si Tigris at sinipa ito sa mukha gamit ang tinatawag na “spinning heel kick” niya na siyang nakapagpatulog kay Deca.

“Shadow of Death Gang’s Tigris defeated the leader of Diabolus X!” 

Nagtayuan ang lahat dahil sa bilis ng pangyayari. Kanina lang ay halos patas ang laban at nang dahil lang sa isang sipa ni Tigris, tapos na ang laban! Tumanggap naman ng labis-labis na papuri si Tigris dahil sa kanyang lakas na hindi maipaliwanag. Pikit matang naglabasan na ng pera ang mga natalo sa pustahan at hindi matanggap na sila’y natalo.

“Ang tindi ni Tigris! Kahit na hindi sila active dito at matagal nang hindi lumalaban, ang bangis pa rin nila!” komento ng ilan.

“Miss, pumusta ka ba? Sinong pusta mo? Bangis ni Tigris ‘no!” tanong ng isang lalaki sa isang babaeng balot na balot ang mukha at tanging mata lang ang makikita na kanina pa nanonood ng patago sa laban ni Tigris at Deca. Tinignan niya sa mata ang lalaking nagtanong sa kanya na may hawak na mga salaping mukhang napanalunan nito sa pustahan kaya napakalapad ng ngiti.

“Hindi. Dahil alam ‘ko na kung sino ang mananalo,” makahulugang wika nito at saka tinalikuran ang lalaki saka naglakad palabas. 

Rinig na rinig niya ang hiyawan at sigawan ng mga taong nagsasaya dahil sa naganap na laban. Huminto siya’t lumingon sa kanyang likuran at tinitigan ang grupong kinabibilangan ni Tigris -- ang Shadow of Death Gang.

“Magaling. Magagaling na talaga kayong lahat. Kaya niyo nang ipagtanggol ang inyong mga sarili. Tunay nga siyang magaling sa pagpili,” makahulugang wika ng babaeng ito. Napadako ang kanyang tingin sa pinakabatang kasama nila Tigris at napansing titig na titig ito sa kanya. Nginisian niya ito gamit ang kanyang mga mata at saka umalis at parang bulang biglang naglaho.

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon