Ibinaba ko sa sementadong sahig ang aking paningin habang ang dibdib ko ay walang tigil sa pagkabog nang malakas na halos ika-bingi ko na.

Sana naman ay hindi maghinala si kuya Hunter. Ayaw kong magalit siya kay kuya Santi. Ayaw kong paglayuin nila kaming dalawa.

Hindi ko pa rin magawang iangat ang mukha ko. Hindi, dahil mahuhuli niya ang pag-aalinlangan ko. "K-kasi..."

"Your keys," anangbaritonong boses nito. Si Kuya Santi na ang kausap.

"Pati ba naman iyong ginagamit kong kotse rito, kukunin pa?" angal ni Kuya Santi.

Naramdaman ko ang pagalawan ng mga muscles sa braso niyang kinasasandigan ko.

"Santi, just give me your car damn keys." Ani kuya Hunter.

"Why?" Sa boses ni kuya Santi na halatang nayayamot na.

"Sira ang sasakyan ko, pahiram muna ng sa'yo." I know na hindi iyon totoo. Ramdam ko, nagsisinungaling si kuya Hunter. May alam na ba siya?

"Marami namang sasakyan sa-"

Pumalatak si Kuya Hunter. "Iwant your car. Bakit may pupuntahan ka ba ngayong gabi para hindi mo ibigay angsusi sa akin? Bakit? Ano na naman bang kalokohan ang naiisip mong gawin?"

Saglit na natahimik ang paligid. Nanatili akong nakatungo at nakikiramdam lang sa kanilang magkapatid. Maya-maya ay nagpakawala nang malalim na buntung-hininga si kuya Santi.

"Fine." At kasunod niyon ay ang pagkalansingan ng kung ano mang matingkad na bagay sa dilim na kanyang kinuha mula sa bulsa ng pantalong suot-suot niya.

Tinanggap ni Kuya Hunterang inabot niya saka muli kong naramdaman ang kanyang titig sa akin. "Thanks,bro. And you, Kara. Umuwi ka na. Hindi magandang tingnan na magkasama kayo niSanti nang ganitong oras."

"Opo..." kiming sagot ko.

Nang hindi ko na gaanong naririnig ang yabag ni kuya Hunter ay saka lang ako tumingala sa lalaking katabi ko.

Sapo-sapo ni kuya Santi ang ulo niya habang mahina siyang nagmumura nang paulit-ulit.

"Kuya Santi."

"Nasa Maynila ang ibang kotse ko, hindi ako makakakuha ng sasakyan dito dahil malalaman nila na aalis ako. Tsk." Napaungol pa siya sa depresyon.

"Kay Manong Jun, we can ask for his help." Tukoy ko sa guwardiyang ka-close ko sa guard house ng villa. "Papakuha ako ng susi sa kanya-"

"Tara."

"Saan tayo?" Ni hindi man lang niya iko-consider iyong sinabi ko? Sabagay, mahirap na at baka makarating kay kuya Hunter na aalis si kuya Santi.

Ang labo... ang komplikado palang magmahal.

I followed him until we reached the end of the Villa Montemayor. Papasok na kami ngayon sa pinaka-rancho. Mas madilim doon kesa sa dinaanan namin. Ang inaalala ko lang ay baka may makakita sa aming nagro-rondang tauhan ng Hacienda at magtaka kung bakit narito kami ni kuya Santi sa ganitong oras ng gabi.

"Kuya..." sa liwanag ng buwan ay pinagmasdan ko ang seryosong mukha niya.

Bumilis ang mga hakbang niya at kita ko ang pagtulo ng pawis mula sa kaniyang mukha patungo sa kanyang leeg. Malamig pero pinagpapawisan siya? Marahil katulad ko ay nine-niyerbiyos din siya.

"Hindi nila tayo puwedeng makita kung gusto mo pa akong mabuhay."

Ang cute niyang mag-panic! Sinaway ko ang sarili ko, kinikilig pa ako gayong namo-mroblema na nga ang lalaking mahal ko.

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now